Chapter 75

47.8K 1.5K 37
                                    

Chapter 75

Nagulat ako nang makita ko 'yung kama ko na punong-puno ng iba't-ibang klase ng stuffed toys. May mga malalaki, maliliit, meron din namang kasing laki ko at iba't-ibang klase ng cartoon characters. Hindi rin nawala ro'n 'yung first gift niya sa akin na malaking Panda. Tapos ang isa sa ikinatuwa ko pa ay 'yung bulaklak hindi na siya totoo kundi plastic na siya at mukhang pinasadya niya pang ipagawa 'yon.

Alam niya kasi na allergey ako ro'n kaya naiyak ako ng sobra. May mga hugis puso ring mga unan at ang nakakatuwa ang ganda ng design ng kuwarto. Meron ding mga picture namin na nagkalat dito. Basta halo-halo 'yong mga nandito sa loob na tila pinagpaguran talagang gawin at i-design. Para siyang diy 'yong do it yourself.

Dahil sa tuwa ko talagang napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Lalo't may nakalagay din kasi na I love you Sophia Zamora my Beb sa wall. Tapos may malaki siyang picture ro'n. Naiiyak ako dahil first time lang may gumawa sa akin nito, sobrang creative.

"Beb," bigkas niya sabay punas sa mga luha ko.

"Nakakainis ka naman, Beb," nakahawak ako sa polo niya dahil dito ako nagpunas ng luha.

"Nagustuhan mo ba?" Agad akong tumango. Feeling ko ngayon napakaimportante kong babae sa kanya para gawin niya 'yung mga ganitong bagay sa akin.

"Beb, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon dahil sa mga surprise mo. Maraming salamat." Nanggigilid pa rin ang mga luha ko.

Lalo tuloy akong napamahal dahil sa ginawa niyang 'to. Nakahawak siya sa magkabila kong pisngi ngayon at nakatitig sa mga mata ko habang ako napapaluha pa rin hanggang ngayon

"I love you," sabi niya kaya agad akong tumango. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

"Mahal din kita. Basta 'wag mo akong lolokohin, ha?" Biro ko sa kanya tapos no'n pinupunasan pa rin niya 'yung luha ko. Tumango siya saka niya ako hinalikan.

In he's pasionate kiss mas lalo kong nararamdaman ang pagmamahal niya. Sana nga si Darren na 'yung maging forever ko. Kahit naman Chick Magnet siya naniniwala akong nagbabago naman ang lahat ng mga lalaki.

Gusto ko siyang alagaan. Gusto ko siyang makasama ng pang habang buhay. Kung yayayain niya akong magpakasal one day, hindi ako magdadalawang isip na hindi siya sagutin. Pero 'yon e, kung ako nga 'yung pipiliin niyang pakasalan at makasama niya nang pang habang buhay.

Nang maghiwalay ang mga labi namin binuhat niya naman ako na pang bridal saka nilagay sa kama ko. Dito kami nagkulitan, nagkuwentuhan at—fling-fling na rin. Basta, sobrang saya ko ngayon at sana pang habang buhay na 'to.




CRYSTAL'S POV

Nagyaya si Ozu na bumili raw muna kami ng makakain namin para mamayang pang dinner namin. Nandito kami sa loob ng fast food.

Bukod talaga sa malakas matulog itong asawa ko e malakas din siyang kumain. Sa tingin ko, natural na rin sa mga lalaki 'yon at isa na si Ozu ro'n.

Nasa counter pa siya hanggang ngayon at nakikipag-usap sa cashier. Na-order kasi siya habang ako nakaupo lang malapit dito sa tabi ng exit. Nang biglang nagtext si Ate Mimi na nakauwi na raw sila ni Russel kaya nireplayan ko agad siya.

Tapos no'n pumunta na muna ako ng banyo. Pero pagpasok ko rito sa loob nagulat ako. "S-Sorry po!" Paghingi ko ng tawad sa nakabangga ko.

Pero nang lingunin ko siya nagulat ako nang 'yung matanda na nang hula sa akin noon, siya 'yung nakabanggang ko na naman ngayon. Gulat lang akong nakatitig sa kanya ngayon.

"Ija..." aniya. Pero this time, hindi na siya nakasuot ng kulay itim. Balot na siya ng kulay puting kamiseta at maaliwalas na ang mukha niya. Napakaganda pala niya.

"S-Sino po ba kayo?" Nacurious na ako sa pagkatao niya kaya tinanong ko na siya. Pero nginitian niya lang ako sabay hawak niya sa tiyan ko na siya kong ikinagulat dahil pangalawang pagkatataon na itong nangyari.


"Lalaking malulusog ang magiging anak ninyo." Sabi nya sabay ngiti kaya nawala ang kaba sa dibdib ko.


Napangiti na rin ako sa kanya.

"Manghuhula po ba kayo? Nagkatotoo po kasi 'yung sinabi n'yo sa akin nang minsan tayong magkita." Hindi niya ako sinagot pero may inaabot siya sa aking isang bagay—isang mamahaling pendant.

"Ingatan mo ito ija at ibigay sa unang magiging anak ninyo."

"Po?" nagulat ako pero kinuha ko naman 'yon. "Pero bakit n'yo po sa akin 'to binibigay?" dugsong ko pa.

"Magiging ligtas ang anak mo kapag suot niya 'yan palagi."

"Kung gano'n, puwede ko po bang malaman kung anong pangalan n'yo at saan kayo nakatira?"

"Hindi na kailang—"

"Pangit!"

Napalingon naman kami nang marinig ko ang boses ni Ozu. Lumapit siya sa amin at katulad nang dati, nung una niyang nakita itong matanda, hinawi niya ako papunta sa likuran niya at nakakapit siya sa kamay ko.

"I-Ikaw? Anong ginawa mo sa asawa ko?" tanong niya ro'n sa matanda.

"Mamumuhay kayo ng masaya basta ingatan mo na sa pangalawang pagkakataon ang magiging anak ninyo." Bilin niya sa amin kaya nagkatinginan kami ni Ozu. Tapos no'n umalis na 'yung matanda.

Sinubukan namin siyang habulin pero hindi na namin siya nakita. Ang bilis niyang nawala sa paningin namin.

"Wala na siya. Pero ayos ka lang ba, ha? Wala ba siyang ginawa sa 'yong masama?"

"A-Ayos lang ako." Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at hindi ko alam kong bakit bigla nalang akong napaluha. "Hinulaan niya ulit ako. Magkakaanak na tayo Ozu Kang!" masaya kong bigkas.

"T-Totoo kaya 'yung sinabi niya?"

"Naniniwala ako sa kanya." Muli akong yumakap sa kanya. Hinalikan naman niya ako sa noo ko habang patuloy na naluluha.

Hanggang sa makarating kaming ligtas na nakauwi ng bahay. Magkatabi kaming dalawa na kahiga sa kama. Handa na kami para matulog pero hindi mawala sa isip ko 'yung mga sinabi nung matanda kaya napapangiti ako habang hawak itong tiyan ko.

"Pangit..." Hinawakan ni Ozu ang kamay ko.

"Hmm?" matipid kong sagot.

"So, dapat palaging suot ng magiging anak natin na panganay 'yung pendant na binigay nung matanda?"

"Umh, dahil kung hindi, maypanganib daw na mangyayari sa kanya."

"Sino ba 'yung matandang 'yon?"

"Hindi ko rin alam pero ang mahalaga, hinulaan niya ako ng naaayon sa nakikitaniya," bahagya akong napangiti.

"Ibig sabihin, hindi lang isa 'yung magiging anak natin?" aniya.

"'Yun ang hula niya. Sobrang saya ko ngayon, Ozu Kang!"

"Siyempre ako rin!" Dinikit niya iyong tainga niya sa tiyan ko. Halata ngangmasaya ang asawa ko sa nalaman niya.

"Baby namin ni Pangit, kambal ba ulit kayo o kailangan ko pang gumawa ng panibago?" Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Nakakatuwa lang pagmasdan na kinakausap niya ang tiyan ko. Pero sana nga totoo ulit ang naging hula sa akin ng matanda. Ibang klase talaga 'yong nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko dahil feeling ko—ito na 'yong pinakahihintay ko ang maging isa kaming masayang pamilya.


"Hmm, dapat ang pangalan nila malapit sa pangalan ko, ah?" sabi niya kaya tumango-tango lang akong nakangiti sa kanya. Sobrang dami niyang request na mangyayari o magiging tawag sa mga magiging anak namin. At dahil masaya siya at 'yon ang gusto niya, ibibigay ko lahat ng gusto ni Ozu.

Mga anak ko ipinapangako ko sa pangalawang pagkakataon na hinding-hindi na ako makakapayag pa na mawala kayo sa amin. Mamahalin ko kayo katulad ng pagmamahal ko sa Papa ninyo.

"I love you, Pangit. Magpahinga ka na at matulog." Inalalayan niya ako sa paghiga. Nakatagilid lang siya sa akin habang yakap ako at kinakantahan.

"Ozu Kang?" tawag kong mahina.

"Hmm? Bakit, Pangit?"

Hindi agad ako sumagot. Umupo ako at nilapit ko ang mukha ko sa mukhaniya. "I love you, too." Nginitian ko siya at hinalikan ng hindi niyainaasahan. Hanggang sa naramdaman ko nalang na gumaganti na rin siya sa halikko kaya mas tinagalan namin 'yon. Sa pagkakataong ito, ako naman ang nagpakitang pagmamahal sa kanya ngayon.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon