Chapter 67

48.6K 1.6K 190
                                    

Chapter 67

CRYSTAL'S POV

"Oh, siya! Matutulog na ako. Iniwan ko rin kasing mag-isa ro'n si Russel sa kuwarto namin e baka magising. At kung ano man ang mangyari kina Darren at Sophia, Zyren at Ehdrey, deserve naman nila ang isa't-isa." Tumango lang kami kay Ate Mimi. May point naman siya. "Gusto naman nila ang isa't isa 'di ba?" Tumango ulit kami. "Ezikiel, mag-iingat ka sa flight mo bukas, ha?" Nagbeso sila ni Ezikiel tapos nagkangitian sila. "Oh siya, goodnight na sa inyo." At tuluyan na ngang umalis si Ate Mimi papunta sa kuwarto nila ni Russel.

"Dre, mag-iingat ka sa flight mo," wika naman ni Ozu tapos no'n nagkamayan sila.

"Goodnight, Ezikiel," pagbati ko naman sa kanya. Ngumiti lang siya sa amin bago siya tuluyang umalis. Naghiwalay na kami ng direksyon.

"Ilang weeks do'n si Ezikiel sa Amerika?" tanong ko kay Ozu habang naglalakad kami papunta sa kuwarto namin. Hawak kamay kaming dalawa.

"I think, two to three weeks. Si Jaime ang pupuntahan niya ro'n, mas nauna niyang nagustuhan kaysa kay Moira," kuwento niya. Tapos binuksan na niya 'yung pintuan ng kuwarto namin nang makarating kami rito. Pagkapasok namin sa loob nilocked niya agad 'yon.

"Salamat naman at magkakaroon na nang totoong lovelife si Ezikiel." Tinungo ko ang aparador para kumuha ng mga damit namin pang tulog.

"Masaya ako para sa best friend ko."

Naghubad si Ozu ng damit niya habang tumango-tango naman ako.

Nang bigla kong maramdaman 'yung pagpalupot niya ng braso sa tiyan ko. Niyakap niya ako habang nakatalikod ako sa kanya. "Pangit..." bigkas niya nang sobrang lambing kaya napangiti ako.

"Hmm?" Dinikit niya 'yung mukha niya sa gilid ng mukha ko. Favorite niyang gawin 'to.

"I love you." sambit niya kaya kinilig naman ako.

"I love you too." Agad kong sagot.

Nang maramdaman ko naman ang paghalik niya ngayon sa balikat ko nahuhulaan ko na kung anong gusto niya kaya humarap ako sa kanya. "Ozu Kang, maligo ka na muna kasi amoy alak ka," bigla niya akong inirapan kaya natawa ako.

Para kasi siyang nawalan ng gana tapos kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. Tumalikod na siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Papunta na kasi siya ngayon ng banyo. Pero bigla ulit siyang humarap sa akin at ngumisi pa.

"Ano na naman 'yang binabalak mo Mister. Ozu Kang?" Nakapamewang ako.

"Wanna join with me Mrs. Kang?" Para siyang nang-aakit sa pustura niya ngayon kaya napahimas ako sa noo ko. Nakakaloka tignan ang asawa ko ngayon. Sige lang Ozu pilitin mo pa ako, promise, bibigay ako. "Ayaw mo?" sabi niya. Inirapan niya ulit ako sabay nagdabog siyang tumalikod.

Natawa tuloy ako ng mahina. Ang sabi ko pilitin niya ako e. Napailing nalang ako. "Oo, ito na nga, maliligo na rin ako at sasabay sa 'yo." Naghubad na ako ng mga doble kong damit at pangloob lang 'yung natira kaya nang lingunin niya ako—tinignan niya ako mula ulo hanggang paa sabay kagat niya sa labi niya.

"Oh? Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?" sabi ko sabay pasok sa banyo kaya napa Yes naman siya at nakita ko 'yon. Napailing nalang ako. "Mga lalaki talaga." wika ko sabay iling. Agad naman siyang sumunod sa akin na parang tuta.





SOPHIA'S POV

Hindi ko magawang mahawi si Darren dahil wala akong sapat na lakas para gawin 'yon. Nakadagan pa rin ang half body niya sa akin at ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Alam pa kaya niya itong ginagawa niya? Lasing kasi siya. My gosh! huwag sa ganitong paraan, Darren. Ano bang binabalak mong gawin sa akin? Ayan lang naman ang gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko maisigaw.

"Pssh! Pssh! 'Wag kang sumigaw wala naman akong... gagawin sa 'yo." Pagkasabi niya no'n nabawasan 'yung kaba sa dibdib ko.

Magkatitigan lang kami sabay tumawa siya ng mahina tapos nagseryoso ulit 'yung mukha niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Nababaliw na ba siya? Nakatitig lang ako sa kanya ngayon habang kinakabahan.

"Alam mo bang first time lang sa akin nangyari 'to?" bigla niyang sabi tapos binitawan na niya 'yung pagkakahawak niya sa bibig ko kaya nakahinga na ako ng maluwag. Hindi nalang ako sisigaw baka kasi kung ano pa lalo 'yung gawin niya sa akin kapag ginawa ko 'yon.

"Hindi ko—" Napahinto siya sa sasabihin niya. Napangisi siya. "Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ikaw lagi 'yung nasaisip ko. This is stupid right? Nababaliw na ako!" Tama ba 'yung narinig ko? Nagco-confess siya? Napalunok tuloy ako. "I think I'm in love with you Sophia at malala na 'yon. Sinubukan kong iwasan ka pero hindi ko kaya."

Nang marinig ko 'yon mula sa kanya parang may kung anong kuryente 'yung dumaloy sa buong katawan ko.

"D-Darren..." bigkas ko sa pangalan niya dahilan para muling magtama ang titigan namin.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, 'yung tipong sasabog na talaga. Ito na ba 'yung tamang panahon para sabihin ko na rin sa kanya 'yung nararamdaman ko? Pero hindi! Lasing kasi siya and I'm sure hindi niya alintana 'yung mga sinasabi niya. "D-Darren, lasing ka lang kaya mo s-sinasabi 'yan." Lumihis ako ng tingin sa kanya.

"Nope, alam ko pa 'yung ginagawa ko Sophia. Manhid ka ba? Yeah. I'm in love with you naririnig mo ba ako, ha?" Napatingin ulit ako sa kanya at nagkatitigan muli kaming dalawa. Hindi ko na rin kayang itago 'yung nararamdaman ko para sa kanya. Sa tingin ko alam niya nga 'yung mga sinasabi niya dahil habang nakatitig ako sa mga mata niya nararamdaman kong sincere 'yung mga sinasabi niya sa akin.

"Uhm... kasi... Darren... oo inaamin ko gusto na rin kita. S-Simula 'yon nung pinagseselos ko si Nana."

"The heck!" bulalas niya kaya nagulat ako habang nakatitig sa kanya. Bigla siyang tumawa tapos muli na namang nagseryoso ang mukha niya.

"Nababaliw ka na," ani ko.

"Oo. Nababaliw na ako sa 'yo," mabilis niyang sabi tapos bigla lang naman niya akong hinalikan.

Pero kakaiba 'to kaysa nung huli niya akong mahalikan kanina. Feeling ko tuloy bibigay na ako sa ginagawa niya. Lalo na ng bumababa pa iyong mga paghalik niya. Wala pang nakakagawa nito sa akin kaya iba-iba na 'yung pumapasok sa isipan ko.

"D-Darren, ano bang g-ginagawa mo?" Napahigpit ako ng kapit sa damit niya tapos bigla siyang napahinto sa paghalik niya sa akin kaya muling nagtama ang titigan namin. Napalunok ako ng ilang beses.

Sobra akong kinabahan do'n at mabuti nalang napigilan ko pa siya. "I-I'm sorry..." Parang bigla siyang natauhan tapos umalis siya sa ibabaw ko. Umayos siya ng pagkakahiga tapos pinikit niya ang mga mata niya.

"P-Puwede naman tayong matulog ng sabay nang walang nangyayari 'di ba?"

Ngumiti siya matapos kong sabihin 'yon kaya napahinga ako ng maluwag. Tumango-tango siya kaya napangiti na rin ako sa kanya.

Niyakap niya ako kaya niyakap ko na rin siya pabalik. "Kakaiba ka talaga sa lahat ng mga babaeng nakilala ko," hayag niya.

"Umh," matipid kong tugon.

"Sabi na nga ba mahal mo rin ako," tumatawa niyang sabi kaya tumawa na rin ako.

"Sa tingin ko makakaidlip ako ngayon ng maayos," nakangiti kong sabi.

"Basta 'wag kang hihilik dahil hahalikan ulit kita," sabay dantay niya sa akin kaya mas napangiti ako.

"Darren Min..." bigkas ko sa pangalan niya.
"Bakit Sophia Zamora?"

"Wala naman," biro ko sa kanya.

"Psh, sasabihin mo lang sa akin na mahal mo ako, e." Hindi na ako kumibo. Alam naman pala kasi niya. Palihim tuloy akong napangiti.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon