Chapter 36

43.9K 1.4K 54
                                    

Chapter 36

BALAT'S POV

Nandito na kami kanina pa sa Hospital. Nakaupo ako rito sa bench sa labas ng room ni Crystal habang chene-check-up siya ng doctor niya.

Sana naman walang nangyaring hindi maganda kay Best friend dahil hindi ko mapapatawad si Ozu kung mangyari 'yon.

Nang biglang bumukas 'yung pintuan at lumabas 'yung doctor kaya tumayo ako. Pinapasok niya ako sa loob.

"Maupo ka. Kaano-ano mo ang pasyente?" tanong sa akin ng doctor.

"Best friend ko po siya. Doc, bakit po pala hinimatay ang kaibigan ko?"

"Dahil sa stress. By the way, puwede bang malaman kong may asawa siya?"

"Ah, opo si Mr. Ozu Kang po."

"Kung gano'n, siya dapat ang unang makaalam sa kundisyon ng misis niya."

Paano ko ba sasabihin na magkaaway sila?

"Ah, wala po kasi siya. Medyo matatagalan po ang pag-uwi niya kaya kahit sa akin n'yo nalang po puwedeng sabihin ang kundisyon ng best friend ko," pakiusap ko sa kanya.

Tumango naman siya. "She's pregnant," biglang nanlaki 'yung mga mata ko sa narinig ko.

"P-Pregnat po?" ulit ko.

"Yes, kaya gusto ko sanang i-congratulate ang mister niyang si Mr. Ozu Kang. One month and one week so dapat hindi siya puwedeng maistress."

Nakanganga lang akong nakatingin kay Best friend habang nakahiga siya at tulog. Oh my gulay! May nabuo nga sila!



*****

Kinabukasan...

MOIRA'S POV

"Sa wakas! Malalaman na ng buong mundo naretokada talaga si Crystal. Ngayon, tignan natin kung hindi ka layuan ng mgaKing lalo na si Ozu." Nakataas ang mga kilay ko habang pinagmamasdan si Nana.

"Moira, dapat bumawi ka sa akin, ha? Alam mo naman 'yung ginawa sa akin nungmga pangit na 'yon, tch!" angal niya. Nginitian ko naman siya.

"Oo, naman. Ano ka ba! Ngayon pa nga lang your dating with Darren na nga 'diba?" Napangiti siya sa sinabi ko. Tapos halata namang kinikilig siya.

"Hay, 'di na ako makapaghintay na maging boyfriend ko si Darren."

"Ano ka ba? Mapapasayo 'yon. Nga pala, samahan mo akong mamili ng gown ko parasa kasal ko. Hindi na rin ako makapaghintay na ikasal kay Ezikiel," kinikiligkong sabi.

"Oonga. Bestie, napag-iiwanan na ako," nagpout siya.

"Kaya nga ipush mo na 'yung kay Darren 'no!"

"Wag kang mag-alala, mangyayari 'yan." Nagtawanan kaming dalawa.




OZU'S POV

Napabangon ako sa kama nang makapa kong wala si Pangit sa tabi ko. Hindi nga talaga siya umuwi rito sa bahay namin. Bumalik ulit ako sa pagkakahiga ko dahil ang sakit ng ulo ko at wala rin akong ganang pumasok sa office ngayon.

Nang biglang nag-ingay ang cell phone ko kaya sinagot ko. Si Darren 'yung tumatawag nang makita ko sa screen.

"Umh?" sambit ko habang nakapikit pa ang mga mata ko.

"Ozu, si Crystal ang laman ng mga balita at social media ngayon."

Napangisi ako sa ibinalita niya. "Dre, hindi na ako magugulat dahil maraming nakakita ro'n sa pangyayari kahapon sa office ko."

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Si Crystal, may nagpakalat ng totoong pagkatao niya at pinagpipiyestahan na 'yon ngayon ng mga media."

"Anong sinabi mo?" Sa gulat ko halos mapatayo ako.

"Anong balak mo? May mga reporter na gusto siyang interview-hin. Sunduin mo na siya at magkita-kita na tayo para alamin kung anong dapat nating gawin."

"S-Sino may gawa nito? Paano nalaman ng buong media?"

"Hindi nga rin namin alam kaya magkikita-kita na kami ngayon nina Ezikiel at Zyren. Ikaw? Saan ka ba namin tatagpuin?"

"I-te-text ko nalang kayo. Susunduin ko na muna si Crystal." Mabilis kong binaba 'yung call.

Nagmadali rin akong magbihis at tinatawagan ko na ngayon si Pangit at si Balat pero hindi sila sumasagot. "Please! Sagutin mo." Mabilis kong pinaandar ang kotse ko paalis.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon