Chapter 40

48K 1.5K 43
                                    

Chapter 40

MIMI'S POV

Natatanaw ko na ang mga King, si Moira, Nana, at Balat dahil malapit na kami ngayon sa E.R. Mga nakaupo sila sa bench at naghihintay.

Habang naglalakad kami ni Mini papalapit sa kanila, hindi namin maiwasang hindi mag-usok sa galit dahil sa ginawa nina Nana at Moira kay Crystal.

"Ayan na sila Ate Mimi," narinig kong sabi ni Zyren kaya nagsitayuan sila at humarap sa amin—pero nang makalapit ako kay Moira, sinampal ko siya ng malakas kaya nagulat siya ro'n, gano'n din silang lahat na mga naandito ngayon.

"A-Ate Mimi," turan niyahabang nakahawak sa kabila niyang pisngi at nakatingin sa akin. Kunot-noo konaman siyang tinignan ng masama.


"Kapag mayroong hindi magandang nangyari sa anak nina Ozu at Crystal, tandaan mo—pababagsakin kita." Madiin at seryoso kong pagkakasabi.


Alam kong nagulat ang lahat sa sinabi ko kay Moira pero walang nakaimik sa kanila kahit isa. Samantala si Ozu kita naming patuloy pa rin siya sa pag-iyak niya habang nakatungo at nasa isang sulok lang.

Mas lalo tuloy namuo ang galit ko nang makita ko siyang gano'n.

"Ikaw din, Nana," dugsong ko pa sabay harap sa kanya. Binigyan ko rin siya ng isang malakas na sampal dahilan para mapayuko siya.

"Baka nakakalimutan n'yo kung sino ang nagpaangat sa inyo Moira at Nana?" madiin namang bigkas ni Mini. "Kung hindi dahil sa amin, wala kayo sa kinatatayuan n'yo ngayon. Pero kung ganyan ang pag-uugali n'yo—hindi kami magdadalawang isip na pabagsakin kayo tandaan n'yo 'yan," dugsong pa niya.

Sumenyas naman ako sa body guard ko na pakalmahin si Mini dahil buntis siya. Ayoko namang pati siya madamay sa gulong 'to.

"Kayo rin ba ang nagpakalat sa walang kuwentang balita tungkol sa pagpaparetoke ni Crystal?" Tumango agad sila habang mga nakayuko. "Kung gano'n, kayo rin ang haharap sa mga media para sabihin sa kanilang hindi totoo ang mga ipinakalat n'yo."

"Po? P-Pero bakit Ate Mimi?" ani Nana.

"Kapag sinabi ko gagawin n'yo!" Nagpipigil kong galit dahil gustong-gusto ko na silang sabunutang dalawa.

"P-Please Ate Mimi, 'wag n'yo pong ipagawa sa amin ang bagay na 'yon," pagmamakaawa ni Moira sabay hawak niya sa braso ko pero tinitigan ko siya ng masama kaya napabitaw siya.

"Kilala n'yo ako. Hindi ako basta-basta tumatanggap ng kapatawaran nang walang kapalit. Bukas nang umaga, sisimulan n'yo 'yon at magpapatawag ako ng mga media."

Nagkatinginan sila ni Nana. Alam kong naiinis na sila pero hindi uubra sa akin 'yung mga kamalditahan nila.

Nang biglang may inabot sa aking paper bag ang assistant ko kaya kinuha ko 'yon saka itinapon sa harapan ni Nana.

"A-Ano po 'to Ate Mimi?" tanong niya pero tinitigan ko siya ng masama.

"Magtatanong ka pa?! Hindi ba't ikaw 'yung nagpapanggap na P.A ngayon ni Ozu? How dare you na sirain ang relasyon nilang dalawa ni Crystal?!"

This time sinampal ko ulit siya at hindi siya makapaniwala dahil nalaman ko ang kagagahan niya. Pinaimbestigahan ko lahat ng mga usap-usapan sa office ni Ozu nitong mga nakaraang araw at nakita ang ibidensya dahil sa CCTV sa labas.

"I-I'm sorry Ate Mimi..." aniya.

"Sa ginawa ninyong 'yan, asahan ninyong wala kayong kapatawaran na makukuha sa amin." Humarap naman ako kay Ezikiel. "Kung ako sa 'yo Ezikiel, hindi mo dapat pakasalan ang isang babaeng katulad ni Moira. Gano'n ka rin Darren, hiwalayan mo na 'yan si Nana ngayon pa lang."


Pagkasabi ko no'n siyang alis ko sa harapan nila at tumabi kami ni Mini sa tabi ni Ozu at hinimas ang likod niya. Sa ngayon napayakap sa akin si Ozu. "It's okay, ipagdasal natin si Crystal at ang mga baby ninyo." Tumango lang siya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.







Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon