Chapter 39

46.1K 1.5K 31
                                    

Chapter 39

NANA'S POV

Nasa loob kami ngayon ng kotse nang bigla kaming napatigil sa labas ng isang malaking Hospital dahil sa traffic. Nakaparada lang kami rito dahil halos 'di makagalaw ang mga sasakyan.

Pero hindi ko inaasahang matanaw si Crystal mula roon sa main door ng Hospital. "Anong ginagawa niya rito?" pabulong ko sabi sabay kalabit kay Moira dahil nakayuko lang siya sa manibela na katatapos lang sa pag-iyak.

"Bakit?!" Naiinis niyang tanong.

"Si Crystal, ayon oh!" Pagkaturo ko siyang lingon niya rito.

"A-Anong ginagawa niya rito?" aniya.

Magkakatitigan lang kami ngayon dahil nakita rin niya kami nang makalabas siya sa main door ng hospital. Pero 'di ko akalaing susugurin siya ni Moira at galit na galit ito.

"Uy! Moira!" Bumaba na rin ako at habol-habol ko siya.

 "Ikaw babae ka!" sigaw niya sa pangit na Crystal na 'to. "Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na kami ikakasal ni Ezikiel!" Biglang sinabunutan ni Moira si Crystal dahilan para magulat ang lahat ng mga nakakakita ngayong tao rito.







CRYSTAL'S POV

Galit na galit akong sinugod ni Moira nang makita nila ako rito sa main door ng Hospital. Pero 'di ko alam kung ano ba 'yung sinasabi ni Moira na ako 'yung dahilan kung bakit hindi na sila ikakasal ni Ezikiel.

Bigla niya akong sinabunutan sa 'di ko malamang dahilan.

"Aaah! Tama na Moira, please!" pagmamakaawa ko dahil hindi ako makakilos. Lalo na nang pagtulungan pa nila akong dalawa ni Nana.

Hindi ako makagalaw dahil hawak ni Nana ang braso ko samantala sinasabunutan naman ako ni Moira. Kahit ako nalang sana ang saktan nila 'wag lang ang magiging baby ko.

Po-protektahan ko ito kahit anong mangyari.

Nagpupumiglas ako sa kanila pero hindi ko sila kaya. Anong laban ko kakagaling ko lang sa pagkahilo at wala pa akong lakas para lumaban sa kanila.

"Pangit ka! Sobrang pangit mong retokada ka! Alam kong ikaw si Melanie at hindi si Crystal! Aaah!"

Nanggagalaite si Moira sa galit sa akin at dahil dalawa sila, bigla nila akong tinulak ng malakas dahilan para mapaupo ako sa kalsada at mapatulala.

"Ugh!" Agad ko itong ininda.

S-Sobrang hapdi. B-Bakit ganito 'yung pakiramdam ko?

Halos mapahawak ako sa tiyan ko.

Anak ko, ayos ka lang ba riyan sa loob ng tiyan ko?

Nakatingin lang sina Moira at Nana sa akin. Mayamaya pa, naramdaman kong may umaagos ng dugo mula sa pantalon ko dahilan para mangatog ako.

"H-Hindi..." bigkas ko.

Samantala nanlaki naman ang mga mata nina Moira at Nana nang makita nila ang kundisyon ko.

"Pangit!" Si Ozu. Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin nang makita niya ako. "Anong nangyari Moira? Anong ginawa n'yo sa kanya? P-Pangit!" bigla siyang nataranta.

"Ozu Kang..." nanginginig kong sambit sa pangalan niya habang nakatitig sa mga mata niya.





OZU'S POV

Nagulat ako nang pagdating ko rito sa main door ng Hospital nakita ko si Pangit na nakaupo sa kalsada at halos hindi makagalaw. Samantala sina Moira at Nana pinagmamasdan lang siya habang gulat na gulat na nakatitig ang mga ito sa kanya.

"Pangit!" sigaw ko at agad lumapit sa kanya. "Anong nangyari Moira? Anong ginawa n'yo sa kanya? P-Pangit!"

Nang nasa tabi na niya ako nataranta ako sa nakita ko dahil may dugo na umaagos mula sa pantalon niya.

"Ozu Kang..." Nanginginig niyang bigkas sa pangalan ko habang magkatitigan kaming dalawa."I-Iligtas mo ang baby natin," umiiyak niyang sabi habang gulat na gulat naman ako sa nalaman ko.

"B-Baby natin?" pagtataka ko.

"P-Please... iligtas mo siya..." Nang bigla siyang mawalan ng malay matapos niyang sabihin 'yon.

"Pangit?! Damn it!" Sa pagkataranta ko ay agad ko siyang nabuhat. Tapos nakita ko si Balat na kalalabas lang ng Hospital.

"Oh? Ozu? Anong nangyari kay Crystal?!" Gulat niyang tanong nang makita niya ang sitwasyon ng best friend niya sa bisig ko.

"Tumawag ka ng doctor bilisan mo!"

Agad siyang tumakbo papasok sa loob at nagmadali rin akong sumunod sa kanya.

"Help us! Please, tulungan n'yo ang asawa ko! Iligtas n'yo siya at ang magiging anak namin!" Mabilis nagsilapitan 'yung mga nurse sa amin pagkasigaw namin ni Balat.

Kaagad na ipinasok sa E.R si Pangit habang nangangatog ako dahil hindi ko alam na may nangyayari na palang ganito. Bakit hindi ko siya nagawang protektahan?

"Damn it!" Napunterya ko ang bakal na upuan dahilan para dumugo ang kamao ko.

"Ozu, huminahon ka lang. Magiging okay lang si Crystal at ang anak ninyo!"

"H-Hindi... Hindi..." Halos manlambot ako ngayon. "Kasalanan ko 'to! Kasalanan ko 'to! F*k!" Naluluha akong naupo sa bench.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon