Chapter 60

47.7K 1.4K 11
                                    

Chapter 60

SOPHIA'S POV

"Talaga? Puwede akong magtrabaho sa 'yo?" Nagulat siya nang alukin ko siya ng trabaho.

"Naku! Salamat kung gano'n!" Nanggilid ang mga luha niya kaya natawa naman ako ng mahina.

"Mag-uumpisa ka na bukas. Sige, magkita nalang tayo, ha?"

"Umh! Sige, salamat talaga, bye!"

Habang umaandar 'tong sinasakyan ko nakita ko siya sa side mirror na nakatanaw pa rin sa akin.

Binalita ko kay Ate Mimi ang nangyari at ang sabi niya sa akin, tulungan ko nalang daw si Ehdrey dahil ako rin naman ang naging dahilan para matanggal siya sa trabaho niya.

Since wala pa rin naman si Best friend at wala rin naman akong katuwang, siya nalang 'yung kukuhain ko. Sobra-sobra naman kasi 'yung pera ko kahit sa akin nalang siguro ikaltas ni Ate Mimi 'yung sasahurin niya.

Masaya rin naman kasi akong ibalik kay Ehdrey 'yung pagtulong niya sa akin kanina. Isa pa, mukha naman siyang mabait. Nagkakuwentuhan na kami kanina tungkol sa kanya. Naging malapit agad kami sa isa't-isa.


Kinabukasan...

Habang naglalakad ako sa hallway ng Shining Company ginagalang na rin ako. Hindi katulad dati nung isa pa lang akong P.A ni Best friend, pero ngayong umangat na rin ako, I'm sure magugulat 'yon si Crystal kapag nakita niya 'yung pagbabago ko ng looks.

"Boss! Boss!"

Nang marinig ko ang boses ni Ehdrey agad ko siyang nilingon at nakita kong nananakbo siya papunta rito. Nakakatuwa talaga siya. "I'm not your boss, si Ate Mimi ang boss natin dito," hayag ko sa kanya nang makalapit siya sa akin tapos tumango naman siya. "Tara na! Ipakikilala na kita sa kanya."

"Naku! Kinakabahan ako."

"Hindi dapat 'no, mabait 'yon."

"Talaga ba?"

"Umh!"





ZYREN'S POV

Nagtataka ako ngayon kung bakit narito sa Shining Company 'yung babaeng sumampal sa akin nung nakaraang araw. Nacurious ako kung impliyado ba siya rito kaya sinundan ko na siya hanggang makapasok sa loob.

Pero nagulat ako sa babaeng kasama niya nang mamukhaan ko ito. "Si Balat?!" 'di ko makapaniwalang sabi. "Bakit bigla siyang nagtransform?"

Napakaganda niya!

Tatawagan ko na sana si Darren para ipaalam sa kanya ang tungkol dito pero naunahan niya ako. Tumatawag siya sa akin ngayon kaya sinagot ko na.

"Saan ka?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Nandito ako ngayon sa Shining Company. Pumunta ka rito ngayon na. May ipapakita ako sa 'yo na siguradong ikagugulat mo, dre!" Pinutol ko agad ang call.



DARREN'S POV

Bastos talaga 'yon si Zyren. Babaan ba naman ako ng call. Anong ginagawa niya ro'n sa Shining Company ng ganoong kaaga e ayoko ngang pumunta ro'n dahil iniiwasan ko na si Sophia tapos papupuntahin niya ako.

Bahala na. Hindi naman siguro kami ro'n magkikita ni Sophia. Isa pa, hindi ko alam kung anong ipapakita niya sa akin na ikagugulat ko raw.

Pinaandar ko na itong kotse ko at papunta na ako doon ngayon.






ZYREN'S POV

Hindi ko alam na maganda pala si Balat. Sigurado akong magugulat 'yon si Darren kapag nakita niya ito. Pero hindi 'yon ang ipinunta ko rito kundi 'yung babaeng sumampal sa akin nung nakaraang araw.

Patuloy ko silang sinusundan at nang makita kong inutusan siya ni Balat lumihis siya ng daan. Sinundan ko lang siya kaya napangisi ako.






EHDREY'S POV

Sunod-sunod ang kaba sa dibdib ko ngayon nang biglang may humablot sa akin. Tinakpan niya ang bibig ko at ipinasok niya ako sa isang kuwarto. Nasa likod ko siya kaya hindi ko siya makilala.

Inutusan lang naman ako ni Sophia na may bilhing props. First day ko ngayon sa trabahong 'to pero bakit naman ako minalas agad nang ganito?

Tinulak niya ako sa likuran ng pintuan nang isarado niya ito.

Pero laking gulat ko nang siya 'yung makita ko. "Z-Zyren Do?" gulat na gulat kong bigkas habang nakatitig sa kanya.

Pero parang nacurious siya nang malaman niyang kilala ko siya.

"Do you know me?" Maangas niyang pagkakatanong sa akin. "Well, hindi na ako magtataka," dugsong pa niya.

Nang suriin ko ang mukha niya napakaguwapo pala niya talaga kaya patay na patay 'yung kaibigan ko sa kanya. Pero niloko kasi siya ni Zyren at nadamay lang ako rito. Pero ngayong nasa harapan ko na siya, sigurado akong makikilala na niya ako ngayon.

Mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong kamay at ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Parang 'yung posisyon namin sa BAR nung nakaraang gabi na kinulong niya ako sa mga bisig niya ganitong-ganito 'yon.

Pero nang maalala ko 'yung pagkakahalik niya sa akin no'n parang naging malambot ako ngayon. Lalo pa nung sinampal ko siya kaya siguro siya galit sa akin ngayon.




DARREN'S POV

Nandito na ako ngayon sa harap ng Shining Company pero ayokong pumasok sa loob. Baka kasi mamaya makita ko si Sophia. Tinext ko si Zyren na puntahan nalang niya ako rito pero nang sa paglingon ko sa bandang kanan ko nakita ko si Sophia kaya napalihis agad ako ng tingin sa kanya.

"Sabi na nga ba kaya ayokong pumunta rito, e. Bakit ba kasi gumanda siya ng gano'n?" bulong ko. Bagay sa kanya 'yung outfit niya ngayon.

Binalikan ko siya ngayon ng tingin nang mapansin kong parang may hinahanap siya. Nang bigla siyang lapitan ng dalawang lalaki.

Nagpapapicture sa kanya pero ang lalapit ng mga mukha kaya nilapitan ko na sila.

"D-Darren," sambit ni Sophia nang makita niya ako habang pinagmamasdan ko naman 'yung dalawang lalaki mula ulo hanggang paa. Tinitigan ko sila ng masama.

"Hoy! Bakit ganyan ka makatingin sa amin? Nagpapapicture lang naman kami, ah!" maangas na sabi ng isa.

"Pre, ano ka ba? Isa sa mga King 'yan. Hindi mo ba siya nakikilala? Umalis na tayo rito," bunyag ng kasama niya.

Habang paalis sila sinusundan ko pa rin sila ng masamang tingin. "Darren, napadaan ka?" tanong ni Sophia sa akin.

"Aalis na ako." Pero hindi ko man lang siya sinagot sa tanong niyang 'yon.



SOPHIA'S POV

"Aalis na ako," pagsusungit ni Darren at agad akong tinalikuran.

Nagtataka lang ako kung bakit gano'n ang inasta niya. Parang galit siya sa akin.

Pinagmamasdan ko lang siya ngayon habang papasok sa loob ng kotse niya. Tapos no'n tuluyan na siyang umalis kaya nakaramdam ako ng lungkot. Parang iniiwasan niya ako.




EHDREY'S POV

"Are you my stalker?" tanong pa ni Zyren kaya bigla akong nakakuha ng ipapalusot ko dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Umh... k-kasi sa totoo lang... dati pa ako sa 'yong may gusto—"

Pero mukhang hobby na niya yata ang manghalik ng mga babae dahil inulit na naman niya ang paghalik niya sa akin ngayon sa pangalawang pagkakataon. Siguro naman, hindi lang ako 'yung unang babaeng hinahalikan niya ng ganito.

Tama ba 'yung palusot ko o mas lalo pa bang lumala 'yung sitwasyon?

Matapos niya akong halikan nginisian niya ako. "Now I know!" turan niya sabay alis. Iniwanan niya akong nanlalambot dahil aaminin kong nagustuhan ko rin naman ang paghalik niyang 'yon sa akin. Napakaguwapo niya!




ZYREN'S POV

Salamat naman at mawawala na siya sa isipan ko. Akala ko naman kasi kung sino siya o may nagawa ako sa kanya, 'yon pala, stalker ko lang pala siya na may gusto sa akin. Mukhang nagpapansin lang siya sa akin.

Kinuha ko ang cell phone ko at tinatawagan ko ngayon si Darren pero hindi ko na siya macontact. Makikipagkita nalang ako sa kanya mamaya sa Bar. Napangiti na ako dahil wala na akong iisipin pa.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon