Chapter 57

50.1K 1.6K 314
                                    

Chapter 57


Darren's Point of View

Ilang minuto pa ba si Sophia do'n sa loob? Medyo matagal na kasi akong naghihintay sa kanya rito sa labas. Kinuha ko naman 'yong cell phone ko nang tumatawag sa akin si Zyren pero hindi ko sinagot 'yon. Tenext ko nalang siya na 'wag muna kong storbohin kasi nga balak kong i-date ngayon si Sophia.



Nang magsend 'yon, I'm sure magugulat 'yon dahil first time ko lang tanggihan ang nireto niyang babae sa akin ngayong gabi. Pero mas importante kasi 'yong gagawin ko ngayon kaya babawi nalang ako sa susunod.

Now playing: Miss Right : BTS

Nang bigla akong mapatulala, nang lumabas na si Sophia mula roon sa room niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang bigla akong mapatulala, nang lumabas na si Sophia mula roon sa room niya. Nagdoble tingin pa nga ako dahil sinigurado ko muna kong siya nga ba 'yong lumabas do'n.



"Uy! Darren? Sabi ko gutom na ako. Gusto mo bang kumain tayo sa labas?" Anyaya niya.



"Ha? Ah, haha, oo naman, tara? T-Treat na kita." Natulala ako kanina tapos nautal naman ako ngayon.



"Salamat."



Halos mang lambot ako lalo na nang ngitian pa niya ako. What the heck!



"Uy Darren, 'di pa ba tayo aalis?"



"Ha? Ito na nga, oh." Bigla ko siyang hinawakan sa kamay niya at hinila ko siya papalabas.






Sophia's Point of View

Pagkahila sa akin ni Darren, nagulat ako nang makita ko rin si Nana na nandito tapos nagwalling siya matapos niya kaming makita ni Darren na magkasama at magkahawak kamay pa.



Kita ko ring dinamayan siya ni Moira pero dahil hila-hila nga ako ni Darren hindi ko na sila nakita pa.



NANDITO na kami ngayon sa loob ng kotse ni Darren. Para nga lang akong tanga ngayon na kinikilig dahil bumabalik sa isipan ko 'yong paghawak niya ng kamay sa akin kanina.



Kaasar! Kinikilig talaga ako, e.



"Tara! Dito nalang tayo kumain." Anyaya niya at ito na naman 'yong senaryo ng pagtanggal ng seatbelt. Medyo nagkakailangan na kami ngayon hindi katulad ng dati. Plus ang bango bango pa niya kaya ang sarap singhot-singhutin.



Umikot siya sa sasakyan papunta sa akin tapos no'n pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan ako.



Medyo gumewang 'yong takong ng sandals ko kaya muntikan na akong mahulog pero buti nalang agad niya akong nasalo.



"Ah! T-Thanks." Saad ko tapos nginitian niya lang ako kaya bahagya akong nanlambot nang gawin niya 'yon.



"Let's go?" Anyaya niya. Pagkapasok naman namin sa restaurant center of attraction kami. Guwapo kasi siya e kaya ang daming tumitingin-tingin na mga babae sa kanya. Ang dami niyang in-order na mga pagkain.



Nang bigla kong mahagip ng tingin dito si Nana. Talagang sinundan pa pala niya kami hanggang dito. Puwes, ngayon, uumpisahan ko na 'yong pagpapaselos ko sa kanya.



Kinuha ko 'yong tinidor saka dahan-dahan pinaikot ang spaghetti rito at inakma kong subuan si Darren. Medyo nagtaka siya sa ginawa ko pero buti nalang kinagat niya 'yong pain ko.



"Masarap 'di ba?" Tanong ko sa kanya in a sweet voice.



"Ah, oo naman. Ikaw din susubuan kita." Agad kong kinain 'yong inaalok sa akin ni Darren dahilan para mahagip ko ulit ng tingin 'yong nagpipigil na galit ni Nana.



Nang matapos ang pagpapaselos ko sa kainan, ngayon naman, nandito kami sa labas at niyaya ko si Darren na maglakad-lakad kami rito. Tutal naman ang sarap ng simoy ng hangin dahil puro may mga halaman at puno rito. Para siyang park pero may mga kainan. Ang ganda rin ng paligid.



Sinakbit ko 'yong kamay ko sa braso niya sabay pa-cute ng kaonti habang nagkukuwento siya. Pero sa totoo lang hindi ko na-ge-gets 'yong mga kuwento niya kasi nga 'yong attention ko e pagselosin itong si Nana na sumusunod sa amin kanina pa.



At nang i-todo ko na 'yong pagpapaselos ko, nag-akma akong natapilok. So, agad na lumiyad 'yong likod ko at mabilis akong nahawakan ni Darren sa waist ko. At dahil alam kong ma-a-out balance kami puwedeng magdikit ang mga mukha naming dalawa.



At dahil nga malakas si Darren hindi kami tuluyang bumagsak at nasunod 'yong gusto kong mangyari, kaya magkatitigan kami ngayon habang nakahawak siya sa bewang ko.



"Hoy Darren Min!"



Nang biglang sumigaw si Nana dahil hindi na siguro niya kinaya pa 'yong mga ginagawa kong pagpapaselos dahilan para pareho namin siyang lingunin ni Darren. Nagulat si Darren nang makita siya rito kaya mabilis ako nitong naalalayan patayo.



"Nana?" Bigkas niya.



Sa tingin ko, kailangan ko nang maghanda dahil anytime, puwedeng may gawin sa akin 'tong si Nana dahil kasama pa niya ngayon si Moira. Pero ang ikinagulat ko nang may ibang mga babae pa ang papalapit sa amin ngayon.



"Darren Min! Manloloko ka!" Sigaw nitong mga 'to. At sa tingin ko mga babae ni Darren ang lahat nang 'yon. Kung bibilangin n'yo kami ngayon, Ako, si Nana, at may lima pang babae ang maghaharap harap ngayon isama pa si Moira.



Napaatras ako ng kaonti at napakapit sa polo ni Darren pero ang suwerte ko kasi nga hinila niya ako papunta sa likuran niya dahilan para maging cover ko siya.



"Sino 'yang bago mong babae, ha?!" Sigaw nila plus pa itong si Nana.



Mga mukha silang dragon na puwede kaming sunugin dahil sa galit nila. At nang makalapit nga sila sa amin, ito na, nag-umpisa na ang eksena.



Nakipagsabunutan sila Nana at Moira do'n sa mga Babae rin ni Darren pero ang punterya talaga nila ay nag-uunahan silang masabunutan ako—pero dahil nga nasa likuran ako ni Darren hindi nila kayang gawin 'yon.



"D-Darren, umalis nalang tayo rito." Turan ko. Kasi nga, nakokonsensiya na rin ako, baka mamaya mapahamak pa siya nang dahil sa akin, at sa mga planong 'to. 'Di ko naman yata hahayaang mangyari 'yon.



"Tumigil na kayo!!!" Malakas na sigaw ni Darren dahilan para magsitigil ang lahat.



Biglang hinawakan ni Darren ang kamay ko na siyang kinagulat ko. "From now on I will declare on this night there's someone who's really special and owned my heart."



At tuloy-tuloy na nga niya akong hinila saka hinalikan sa harapan ng mga babae niya.



Oo, natulala ako at nagulat ang lahat dahil hindi ko inaasahan na gagawin niya 'yon. Hindi lang kiss smack ang ginawa niya kundi—nararamdaman ko ang pag-ikot ng mga labi niya sa labi ko in front of them.



Anong kailangan kong gawin? Sasakay pa ba ako sa ginagawa niya o hahayaan ko nalang na gawin niya ito sa akin?







Vote | Comment
Are Highly Appreciated
Miss Jov 💕

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon