Chapter 3

67.6K 2.3K 30
                                    

Chapter 3

OZU'S POV

Unti-unti ng nag-uuwian ang mga bisita namin.

"Ozu, mauuna na kami," paalam ni Ezikiel.

"Congrats sa inyo, ha? Mauna na kami." Kasama niya si Moira.

"Ingat kayo sa pag-uwi," ani Crystal. Nagbeso silang dalawa ni Moira at nagkamayan naman kami ni Ezikiel.

"Oh, paano ba 'yan, aalis na rin kami," turan ni Darren.

Tapos inakbayan naman ako ni Zyren sabay lapit niya sa tainga ko.

"Galingan mo mamaya ha? 'Wag kang mag-alala, may pinainom na kami sa 'yo kanina."

"Anong sinabi mo?" Naguluhan ko siyang tinignan tapos binatukan ko siya.

"Umuwi na nga talaga kayo! Bilisan n'yo!" pinagtabuyan ko sila.

"Ang sakit no'n, ah! Nakakadalawa ka na!" gigil niya akong tinignan bago sila tuluyang umalis.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.

Salamat naman at nakauwi na silang lahat. Sa wakas, masosolo ko na rin si Crystal.

"Ozu! Crystal!"

Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang makilala ko ang boses nila.

"Ate Mimi, Ate Mini, akala po namin umuwi na rin kayo? " tanong ni Crystal habang sapo-sapo ko naman ang ulunan ko.

"Oy! Ozu, anong problema?" Napansin ako ni Ate Mini.

"Kayo! Este, wala! Akala namin umuwi na kayo." Napahimas na lang ako sa batok ko. Nakakainis naman!

"May sasabihin pala kami kay Crystal. Sandali lang."

Hinila nila si Pangit palayo sa akin nang wala man lang akong nagawa kundi ang tignan sila.

Sumipa nalang ako sa hangin.

Makaakyat na nga lang sa kuwarto ko. Tch!





CRYSTAL'S POV

Pinagpulungan ako ngayon nina Ate Mimi at Ate Mini sa isang sulok ng pasilyo nitong resort. Hindi ko mahulaan kung anong gagawin nila sa akin pero kinakabahan ako. Ilang beses pa nga akong napalunok.

Napasandal na ako sa pader habang mga nakapamewang sila sa harapan ko.

"Inumin mo 'to." May inaabot sila sa aking isang bottled water na bukas na.

"A-Ano po 'yan mga Ate?" Awkward akong ngumiti. Alam ko namang tubig 'yon dahil nasa bottled water nga pero hindi ko alam bakit parang kinakabahan ako ro'n.

"'Wag nang maraming tanong. Basta inumin mo nalang 'to at bilisan mo na!"

Agad ko namang ininom 'yon dahil sa takot ko sa kanila.

Pero hindi ko nagustuhan ang lasa non dahilan para masuka-suka ako. Hindi yata tubig ang nilalaman no'n.

"Very good, Crystal. Halika na!"

"Saan po tayo pupunta mga Ate?"

"Basta!"

Pinagtulungan nila akong hilahin patungo sa kuwarto ni Ozu na siya kong kinagulat.

"M-Mga Ate, kuwarto po ito ni Ozu Kang." Ang lalaki ng mga mata ko ngayon habang gulat na nakatingin sa kanila.

"Oo nga," sagot ni Ate Mimi na nakataas ng kilay.

Awkward naman akong ngumiti. "Ano pong ginagawa natin dito?"

Napapadasal na ako ngayon sa mga oras na 'to.

"Pumasok ka." Utos nila na siya kong kinagulat.

"Po? P-Pero bakit po?" Nakasandal lang ako sa pintuan at salitan silang tinitignan.

"After nang kasal anong ginagawa ng mag-asawa?"

Napalunok ako nang itanong nila 'yon sa akin.

"Mga Ate, hindi pa po kasi ako handa sa gusto n'yong ipagawa sa amin ni Ozu." Mangiyak-ngiyak kong pagmamakaawa.

Nahulaan ko na kung ano 'yung ibig sabihin nila.

"Hindi puwede!" sabay nilang sabi kaya napailing ako.

"Pasok na!"

Umiling ulit ako.

"Oh! Tignan n'yo po may mga artista!" Sinubukan ko silang aliwin. Tinuro ko pa iyong dereksyon ng likuran nila pero hindi man lang sila natinag.

Nagkatinginan sila sa isa't-isa nang bigla nilang buksan ang pintuan. Tinulak nila ako sa loob dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

"Aaah! Mga Ate! Pakiusap po buksan n'yo 'to!"

Halos kalampagin ko iyong pintuan dahil sinara na nila 'yon. Pilit kong binubuksan pero bigo ako.

"Mga Ate!" huli ko pang tawag. Halos maiyak-iyak na ako rito.




Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat!

Campus King meets Miss Pangit (Book 2) Soon To Be Published Under PsicomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon