Prologue

113K 3.9K 2.2K
                                    

PROLOGUE

*Booogsh*

*suntok*

*sipa*

*upper cut*

"Phew!" Pinunasan ko ang namumunong pawis sa kili-kili ko.

8 down, 4 more to go.

"Aww.."

Lumingon ako kay Atarah nang tumalsik siya bigla sa harapan ko. There was blood on her lip. Bumangon ito mula sa pagkakadapa at dumura sa harapan niya bago tumingin sa akin at ngumisi.

"Kaya pa?" tanong niya. Hindi man lang nito ininda ang pasa sa labi niya.

I grinned and stretched my neck.

"Stretching pa nga lang 'yung ginawa ko," mayabang kong sabi.

She chuckled and stretched her arms.

"Bilib na talaga ako sa'yo, South. Ikaw na nga halos tumumba ng mga kalaban. Oh siya, sa'yo na 'yung dalawang baboy akin naman 'yung dalawang kambing" she said, referring to our target.

"Cool!" I said and position myself for another fight. Tumabi sakin si Atarah at pomosisyon din katulad ng akin. Fists in front and legs slightly bent.

"LET THE REAL BATTLE BEGIN!"

Sabay-sabay na sumugod ang apat na natitirang kalaban namin kaya sinalubong naman namin sila ni Atarah.

Suntok doon. Suntok dito.

Sipa roon. Sipa rito.

Sweats all over my body, same with Atarah. May ibubuga ang mga kalaban namin kaya medyo nahihirapan kami. Malakas ang dalawang baboy na kalaban ko at mabilis naman ang mga kambing ni Atarah.

"Kingina! Ayoko sanang sumipa ngayon dahil meron ako pero mukhang wala akong choice! Kinginang mga punyeta 'to!" inis na sambit nito matapos bigyan ng isang malakas na sipa ang isa.

Napabuga ako ng hangin matapos kong i-round kick ang isang baboy na kalaban ko. Tulog agad ang hayop.

"Meron nga rin ako eh, kaya medyo ingat ako sa pagsipa, tumatagilid ang napkin ko" sabi ko at umiwas sa suntok ng nag-iisang natirang kalaban ko. Ayaw pang paawat ng punyeta.

"Meron ka rin? Pang ilang araw mo?" tanong niya matapos suntukin sa sikmura ang kalaban.

"Pang-apat na araw na. Ikaw?" Tinadyakan ko sa tuhod ang kalaban ko.

"Kingina! Pangalawang araw palang— punyeta ka!" sigaw nito matapos i-double punch ang kalaban. Ayon, tulog.

"Punyeta kang baboy ka! Tulog na!" singhal ko sa kalaban ko bago ito kinarate sa batok niya — kung batok nga bang matatawag 'yung kanya.

Edi natulog din ang hayop.

"Tangina, ang sakit na ng puson ko!" daing ni Atarah habang nakahawak sa puson.

Lumapit ako sakanya at tinapik siya sa balikat.

"Kailangan na nating umalis. Puno na ang napkin ko. I need to change" sambit ko at nauna nang maglakad palabas sa mabahong basement na kinaroroonan namin.

Punyaterong mga animal kasi, magse-set na nga lang ng labanan sa mabaho pang lugar ang pinili. Nahihilo na ako sa kakasinghot ng amoy dumi rito.

"Daan muna tayo sa mall? Don't worry, may extra akong dala. You can use it" Nakasunod na siya sakin.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon