Chapter 2: Like father like sons

68.6K 3.5K 4.1K
                                    

CHAPTER TWO

_

Iyong totoo? Nag-aadict ba ang mga taong 'to o ano? Alam kong mga HOT sila at maipagmamayabang nga naman talaga ang itsura at katawan pero kailangang nakabahag talaga sila sa loob ng bahay?

Mga abnormal.

At sino naman itong siraulong taong 'to na bigla nalang yumakap sakin at tinawag pa akong Mama? Sa ganda kong ito? Mama?

"Layo o baldado?" malamig kong sambit sa nakayakap sa akin.

Unti-unti naman niya akong binitiwan at agad nagtago sa likod ng isa sa mga nakabahag din. Pinasadaan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago bumulong sa pinagtaguan.

"Mga anak, hehe! Miss na miss na kayo ni Dada! Come and kiss me mga Junakis!" sabi ni Tito at isa-isang hinalikan sa pisngi ang mga ito.

Napangiwi ako.

Wait! Don't tell me, ito na 'yong mga anak niya? Nakanganga ko silang pinasadaan ng tingin isa-isa. They were all drop-dead gorgeous. Walang halong biro. Pero nasa tamang pag-iisip ba ang mga ito? Anong nakain nila at nakabahag sila with props pa? At ano ang pagsabog na nangyari kanina?

Ang isa pang napansin ko sakanila, may iba't ibang kulay sila ng mga buhok. Para silang mga sisiw... na tao.

"Dada, sino siya?" tanong ng may kulay Violet na buhok. Maputi ito at katamtaman ang tangkad. Kapansin-pansin dito ang itim na cross niyang piercing sa tenga.

"Dada, nakakatakot siya" sabi ng kulay tanso ang buhok, iyong yumakap sa akin kanina. Mas sumiksik pa siya sa likod ng kulay asul ang buhok na lalaki nang tapunan ko siya ng tingin. Maputla ang balat nito, katulad sa akin pero singkit ang mga mata niya. Parang may lahi siyang koreano.

"Is she your new wife?" tanong naman ng kulay puti ang buhok. Hinead to foot pa ako nito at napangiwi ng matapos. He looks intimidating pero hindi iyon uubra sa akin kahit sukdulan pa ang kagwapuhan.

I raised an eyebrow at him. Ako bagong asawa ni Tito? Tss. Wow lang, ha!

"Hehe, hindi anak" nakangiwing sagot ni Tito.

"Then who is she?"

Tinitigan ako ng limang Adonis at medyo nailang ako sa uri ng pagtitig nila. Curious na curious ang mga mata nila na parang ngayon lang nakakita ng dyosang babae.

I rolled my eyes heavenwards.

"Ako ang Mommy niyo" bagot kong sabi.

Naglakihan ang mga mata nila. Nalaglag din ang mga panga at napasinghap. Kita ko pa ang oa na paghawak ng Blue haired guy sa dibdib niya.

"You've got to be kidding! My Mother is a Russian, and you look like an ugly Filipino" the pink-haired guy spat. Pansin ko na siya ang pinakamatangkad sakanilang lahat.

Wait! Anong sabi niya? Ako? Ugly Filipino? Sipain ko kaya 'to sa ngala-ngala?

"I agree! My Mother is a British. She has a pointed nose and you have a tomato-shaped nose" panlalait naman ni Blue-haired guy.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Where stories live. Discover now