Chapter 16: We did It

44.5K 2.5K 1.3K
                                    

CHAPTER SIXTEEN

_

"Sabi mo, sasaluhin mo siya Genesis?"

"Sabi mo, sasaluhin mo siya Noah?"

"Sabi mo, sasaluhin mo siya Peter?"

"Sabi mo, sasaluhin mo siya Psalm?"

"Dada, bakit hindi mo siya sinalo?"

"NANDOON BA AKO SA PANGYAYARI, HA?! ANO 'TONG SINASABI NIYONG SASALUHIN NIYO SYA EH BAKIT WALANG SUMALO SAKANYA?!"

Naalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig mula sa paligid. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame.

My brows drew together. Am I already in heaven? Pero bakit naririnig ko ang boses ng mga tokmol?

Shifting my gaze to the side, I saw the Crane family, nakapabilog sila sa sofa na tila nagpupulong at nakatalikod sa akin.  Pinag-aralan ko ang mga nasa paligid ko at napagtanto na nasa hospital ako.

Wait! Anong ginagawa ko dito? And then I remembered. Nahulog pala ako sa hagdanan nang pababa sa bubong ng bahay.

Inangat ko ang kanang braso na naka-bandage. May ilang gasgas din ang ilang parte ng katawan ko pero mas inaalala ko kung may naging galos din ba ako sa mukha. King ina, malampa na ako 'wag lang masira ang maganda kong mukha.

"Sasaluhin ko na dapat siya pero naunahan ako ng swimming pool! Akala ko sa akin siya babagsak, 'yun pala sa pool!"

Binalik ko ang atensyon sa mga Crane at nakitang tila lugmok ang mga ito. Bagsak ang mga balikat at sapo-sapo ang mga mukha.

Pero teka, anong sabi ni Noah? Sa swimming pool ako bumagsak? So, walang nakasalo sa akin maski isa sakanila? Wow, lang, ha! Kung magdeklara sila na sasaluhin nila ako, wala namang nakagawa.

Mabuti pa 'yung swimming pool, hindi nangako na sasaluhin ako pero ginawa niya. The swimming pool saved me. Mabuti nalang din na doon ako bumagsak at hindi sa kahit sino sa mga Crane.

"Tanginang, swimming pool na 'yan! Inunahan ako!" asik ni Peter. Sinuntok pa ang hangin. Galit na galit.

"I will fucking kill that swimming pool!" nangagalaiting banta naman ni Genesis.

If I wasn't lying on this bed, I'll hit his head on the wall. Ako ang nahulog pero parang si Genesis ang nabagok.

Tignan nga natin kung mapatay mo ang swimming pool! Letche!

"Dada, ipatanggal mo na ang pool sa bahay! Mang-aagaw siya! Dapat ako ang sasalo kay South pero inagawan niya ako!" Nagpapadyak na asik ni Psalm.

Iyong totoo? Tao ba si swimming pool o ano?

"Ayoko na kay swimming pool, Dada! Kahit doon pa ako umiihi tuwing umaga, ipatanggal mo na 'yun! Maraming nainom na tubig si South kanina doon!" maktol naman ni Isaiah.

What the hell?!

Muntikan na akong masuka dahil doon! Walanghiya, nakainom ako ng tubig sa pool na siyang ginagawang CR ni Isaiah? Pesteng, bunso 'to!

Tumikhim si Tito kaya tumingin sakanya ang punyemas niyang mga anak. Tumingin din ako sakanya. Wala pa rin silang kamalay-malay na gising na ako.

"I hereby declared that the Crane infinity pool will serve prison for a lifetime. For the case of Snatching Southern Benedicto from my beloved sons. Mr. Officer, you may take the Respondent into custody and deliver him to the Sheriff for this sentence to be carried out. And that's an order from the court!" sabi ni Tito saka hinampas pa ng tatlong beses ang coffee table na parang isang judge sa korte.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon