Chapter 69: Runaway

31.9K 1.3K 1K
                                    

This chapter is dedicated to all of my TBB readers. Thank you so much for reading and supporting this story. Love you all <3

KEEP SMILING :)

CHAPTER SIXTY-NINE

_

SOUTH BENEDICTO

"Sylina is in a coma."

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko itong umupo sa katabi kong silya. Nakatingin siya sa akin na parang binabasa kung ano ang nasa utak ko. Ilang sandali lang ay bumuntong-hininga na ito at sumandal sa upuan.

"Kinulong na sina Dauntless at Tito Rigor, while Akari Visconti was made as to the most wanted person in the country."

Gamit ang dalawang palad ko ay sinapo ko iyon sa noo ko at pinatong ang dalawang siko sa mga tuhod bago pinikit ang mga mata.

Nararamdaman ko na ang pamimigat ng mga talukap ng mga mata ko, pahiwatig na kailangan ko nang magpahinga pero hindi iyon ang gustong mangyari ng utak ko. Gustuhin ko man, hindi ko kaya.

"'Yung braso mo?" mababa ang boses na tanong ko at bahagyang pinilig ang ulo sa direksyon niya.

"Hindi naman malalim 'yung tama. Naduling siguro si Sylina nang barilin niya ako. That bitch! Ewan ko na lang kung hindi pa siya matuluyan matapos tumama sa katawan niya ang apat na bala. Four! Gosh! Swerte niya na-comatose pa siya!" Umismid ito, ramdam ko ang gigil sa boses niya. "What if, magpanggap akong nurse niya mamayang gabi? Instead of giving her medicine, tuturukan ko siya ng lason sa katawan para matuluyan na siya!"

Tumawa pa ito na parang iyong sinabi niya ang pinakamagandang ideya na naisip niya.

Liningon ko siya. "Ginamit mo ba ang utak mo sa pag-iisip?"

"Syempre! Kanina ko pa kaya 'yon naisip!"

"Edi gawin mo para ikaw naman ang sunod na maghimas ng rehas."

Ngumuso ito. Binalik ko naman ang dati kong posisyon kanina. Pinikit ko ang mga mata at umasang makakapag-pahinga ako. Kahit sandali lang. Kahit ilang minuto na matahimik lang ang isip ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni North.

"Naka-usap ko si Daddy, at kanina pinilit ko ring makausap si Dautless. I asked them the questions that bother me. Nalaman ko kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang lahat. And you know what? Sana hindi ko na lang nalaman. Sana nanahimik nalang ako."

Sumandal ako sa kinau-upuan at nilagay ang mga kamay ko sa hita. Lumingon ako sakanya.

"Tell me. Maybe I'd find peace, maybe it will numb the pain in here," Tinuro ko ang dibdib kung saan ang puso ko. Pinagsalikop ko ang dalawang palad ko nang manginig na naman ang mga ito.

North stared at me worriedly but she did not comment about it. She sighed, staring at the white wall in front of us.

"Dad met a man named Dimitri Visconti during his Governor days. Isa siyang magaling na Attorney kung saan kinailangan ni Daddy ang tulong niya. They had become friends, naging adviser din siya ni Daddy sa pulitika. Until Dimitri introduced his wife to Dad," Sumulyap siya sa akin. "Si Sylina."

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon