Chapter 4: Thunderbolt

57.7K 2.7K 440
                                    

CHAPTER FOUR

_

Put a tang in a mother.

For those who understand it, alam niyo na ang ibig kong sabihin. Hindi ko talaga maiiwasang magmura sa nakikita ko ngayon. I'm in the Kitchen - kung kitchen nga bang matatawag ang isang 'to. Nagugutom ako pero dahil ganito ang nadatnan ko sa kusina ng mga Crane, umurong agad ang sikmura ko.

"Susmaryusep.." nanghihinang usal ko at sumandal sa pader. Pinasadaan ko ulit ng tingin ang buong kusina, kumirot agad ang sintido ko.

Paano ba naman kasi, kung double disaster na ang living room, dito ay Triple Disaster!

Kalat-kalat ang harina sa sahig at lamesa, mga kaldero na nayupi at parang basta nalang binato sa kung saan. Mga pinggan, baso na basag at wala ng pakinabang. Mga gulay na lanta na at kung anu-anong mga klaseng kalat pa. Muntikan pa akong masuka ng makita ang isang karne sa lababo na iniipis na!

Mariin kong pinikit ang mga mata dahil pakiramdam ko mahihilo na ako. Hindi ko talaga kayang matagalan ang kalat. Anong klaseng mga tao ba ang nakatira sa bahay na 'to at ganito ka-baboy ang lugar nila?

Ibang klase. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong uri ng lugar. Hindi ko na kaya! Jusko! Mamatay ata ako rito!

Kahit gutom ay titiisin ko nalang kesa sa kumain ako ng mga iniipis na pagkain. Wala pa naman sigurong nababalitaan na namatay dahil isang araw na walang kain 'diba?

Bumalik ako sa sala at nadatnan ko ang limang mukhang nagpupulong muli. Nakaakbay kasi ulit ang mga ito sa isa't Isa at nakabilog habang pabulong na nag-uusap. At dahil wala akong panahon sa ka-dramahan nila ay sinipa ko ang may kalahating vase na nabasag na nakakalat sa sahig, tumalsik ito sa television.

Ayun! Basag!

Sayang naman 'yung malaking flatscreen na samsung na tv.

Gulat na lumingon sa akin 'yung lima.

"WHAT THE FUCK?!"

"Hala!"

"Sayang 'yung TV!"

"Hala, lagot! Magsu-super sayan na si Noah!!"

Kanya-kanya silang reaction pero kapansin-pansin ang katahimikan ni Noah, unti-unting itong humarap sa akin - ng may nanlilisik na mga mata. Kung ibang tao lang siguro ako ay baka natakot na ako sakanya, pero hindi, eh. Ako si Southern Miracle at wala akong kinakatakutan.

"BINASAG MO ANG TV KO?!" asik niya na parang kaonting galit pa sakanya ay susugurin na niya ako.

Tinapik-tapik siya sa balikat ni Psalm at Isaiah. Nilabas naman ni Peter ang cellphone niya at mukhang vini-video ang nangyayari. Si Genesis naman ay kumuha ng white board at marker, nagsulat siya rito ng, "GO! NOAH! BEAT THAT UGLY WITCH!!"

Napabuntong-hininga nalang ako. Mga isip bata na nga, mga bugaw pa. Seriously?

"Sayo pala 'yon? Pasensya na, ha, wala kasing nakalagay kung sino ang may-ari. Total dito nalang din ako titira, might as well magbasag narin ako" ngumisi ako.

"TV KO PARIN IYON! MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO SA TV KO!!" Halos labas na ang mga ugat ni Noah sa leeg. He looked at me like he wanted to murder me but I didn't flinch.

"Whoa! Ganyan nga Noah!" si Psalm.

"Go, kapatid! Binasag niya ang tv mo kaya gumanti ka!" panghihikayat din ni Peter.

"Beat that Witch, Noah!" Genesis encouraged with a punching pose.

"Teka! Kampi na kayong lahat kay Noah, papano naman si, Ate?" Isaiah pouted his lips cutely.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon