Chapter 26: Punishments

41.6K 2.2K 898
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

_

"South, kasalanan ba ang maging sobrang gwapo?"

Sinantabi ko ang isang balde, maglalaba kasi ako ng mga damit ko. Ubos na ang malilinis kong damit at hindi naman ganoon karami ang damit na kinuha ko sa Mansion.

Tumingin ako kay Isaiah na nakangusong naka-upo sa bangkito. Nasa likod kami ng bahay at ewan ko sa isang ito kung bakit nakabuntot na naman sakin.

"Oo, lalo na kapag may napapahamak dahil sa ka-gwapuhan na iyan," sagot ko sakanya.

Mukhang hindi parin kasi ito maka-get over sa ginawa kong pag-sapak kay Noah kanina, lalo na sa sinabi kong dahilan.

Hindi naman talaga makasalanan ang pagiging gwapo pero sa kaso ng mga Crane, nagiging makasalanan na dahil may namatay pa dahil dito. Hindi nila kasalanan kong nabiyayaan sila ng magandang panlabas na anyo, pero ang mga tao kasi sa panahon ngayon ay ginagawang big deal ang itsura. Katulad nalang sa nangyari sa Sanchez na iyon at sa kaibigan niya. Nag-away sila dahil kay Noah. Si Noah na walang kamalay-malay na may patayan na palang nangyayari sa mga nagkakagusto sakanya.

People are crazy and scary. Minsan hindi na healthy ang simpleng paghangga kung may kasama ng pagma-ma-kasarili. Imbes na nagiging inspirasyon, nagiging ugat na ng kasamaan.

"South, gwapo ba ako?" tanong ni Isaiah na pumukaw sa atensyon ko.

Naka-angat ang isang kilay ko nang tumingin ako sakanya. "You have no idea, Isaiah."

Masyado talagang inosente ang mga Crane. Sobrang inosente na nakakatakot na dahil wala silang kamuwang-muwang sa nangyayari sa paligid nila. Mga bata talaga.

Umupo ako sa isang bangkito at nagsimulang maglaba. Hindi na ako nagulat nang umupo si Isaiah sa harap ko, pinagigitnaan namin ang planggana, kinuha nito ang isang damit ko at nagsimulang magkuskos.

Magaling maglaba ang mga Crane, mukhang expert na sila dahil sa pagtuturo ko sakanila noon. At napansin ko na hindi lang sa paglalaba sila magaling, maging sa ibang gawaing bahay. Mga expert pwera sa pagluluto.

"Timog? Pwede din ba akong tumulong na maglaba?" Biglang sumulpot si Peter.

"'Ge. Dito ka." Umalis ako sa kinauupuan at siya ang pina-upo doon. "Diyan lang muna kayong dalawa, titignan ko lang kung dumating na ang taga-luto natin," sabi ko sa dalawa saka iniwan ang mga ito.

Pumasok ako sa bahay at saktong nakita si Luzviminda na naghahanda ng mga lulutuin sa kusina. Lumapit ako sakanya.

"Anong lulutuin mo?" tanong ko.

"Depende kung anong mga sangkap na meron kayo," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin dahil abala ito sa pagtingin sa mga gulay.

"Okay." Iniwan ko na ito at nagtungo sa sala, naabutan ko sina Noah, Psalm at Genesis na nanonood ng Tv. Pero nang mapatingin si Genesis sa akin ay agad niya akong tinignan ng masama.

Isa rin ito sa hindi maka-move on sa panununtok ko kay Noah.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilagpasan silang tatlo. Umakyat ako sa hagdanan at dumiretso sa kwarto. Kukunin ko lang ang damit na naisuot ko kanina, isasali sa lalabhan. Nang makuha ko na ito ay sakto namang nag-ring ang phone ko.

Sa isip na baka si Tito Jackal ang tumatawag, dinampot ko agad ang cellphone sa bedside table at sinagot nang hindi tinitignan kung sino ang caller.

"Bakit?"

But no one answers on the other line, I only hear a deep intake of breaths. Sinilip ko ang screen para makita ang caller at nagtaka nang makita na numero lang ang tumatawag. Sino kaya ito?

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon