Chapter 57: East and West

28.8K 1.5K 892
                                    

CHAPTER FIFTY-SEVEN

_

SOUTHERN BENEDICTO

"Kyaaahh! May TV na tayo, Timog!"

"Huhuhu! Salamat naman sa diyos! May television na tayo!"

-_______-

Mga abno.

"'Wag nga kayong masyadong mag-gagalaw!" saway ko sa mga ito ng makitang parang mga tangang nagtatalon nang makita lang ang TV sa sala.

Pinadala ito ni North para sakanila. Sagana na ang buhay ang impakta kaya nakapag-bigay na ng TV. Dahil dito tiyak na hindi na naman mauutusan ang mga Crane dahil maghapon na namang manonood.

Makalipas ang isang linggong pagpapagaling nila sa hospital ay umuwi narin kami sa bahay. Maayos na ang lagay nila. Wala ng mga pasa pero may kunting sugat pa si Isaiah mula sa pagkaka-saksak sakanya. Bumalik na sila sa dati, maging ang utak nila ay bumalik narin sa pagiging abno.

"Kyaaahh! Buksan mo na Noah, dali! Na-miss ko na si Dora!" tili ni Psalm.

Binuksan ni Noah ang TV at kaagad umalingawngaw ang boses ni Dora.

"Dora! Boots! Come on, Dora
D-d-d-d-d-dora Alright!
D-d-d-d-d-dora
d-d-d-d-d-dora
D-d-d-d-d-dora Dora Dora Dora the explorer Dora!
Boots and super cool exploradora
I Need your help
Grab your backpacks
Lets go!
Jump in!
Vomanos
You can lead the way! hey! hey!
Hey! Hey!
D-d-d-d-d-Dora
D-d-d-d-d-Dora
D-d-d-d-d-Dora
D-d-d-d-d-Dora
Swiper, no swiping
Swiper, no swiping
Oh man!
Dora The Explorer!!!"

As expected, kumanta na naman sila. Naka-pwesto silang lahat sa sahig sa mismong harap ng TV at walang kakurap-kurap na pinanood ang negritang lakwatsera.

"Do you know where to ask help when we don't know where we go?" tanong ni Dora. Sa tabi naman nito ay ang kulay Violet niyang unggoy.

"The Map! The Map!" sigaw nilang lima.

-_______-

Mas lalo pa silang naging hyper nang lumabas kami ng hospital. Ibang klase.

"Bagpack! Bagpack!"

Isa pa ang matandang 'to. Mas malala pa ata ang kalawang sa utak kesa sa mga anak, eh.

"Tito, I need to talk to you." Hinigit ko ito sa kwelyo at hinila papunta sa kusina. Wala itong nagawa kundi ang ngumuso nalang at sumunod sakin.

"Hindi ako pwedeng magtagal, iha. Kailangan kong bumalik kaagad sa Palasyo, ngayon ang SONA niya."

Humilig ako sa gilid ng lamesa. "Tss."

Ama ng bayan, samantalang hindi naman niya nagagampanan ang pagiging ama sa mga anak niya. Ibang klase rin ang Pangulo na iyon.

"Gusto mo bang sumama sa akin?" tanong ni Tito.

"Ano namang gagawin ko 'dun?"

"Katulad ng dati mong ginagawa. Panonoorin at babantayan ang Ama mo mula sa malayo. Alam mong delikado ang buhay niya sa mga panahon na 'to dahil sa mga kaaway niya sa politiko. Marami ring magpo-protesta."

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon