Chapter 29: Kiss and Trouble

41.5K 2K 1.3K
                                    

CHAPTER TWENTY-NINE

_

"Ako, may angal ka?"

Lahat lumingon sa akin, gulat at nagtataka, umani nang singhap at bulungan sa paligid ang iba napaatras at may mga nagpustahan pa.

The guy with a baseball bat smirks as he checks me from head to toe, licking his lower lip before dragging his gaze to my face. Ngumisi siya nang may panunudyo.

"At sino ka naman?" tanong nito saka tumawa ng nakakaloko. "Teka! Hulaan ko, si Super Girl ka ba?"

Bakit ba palaging tinatanong ng mga ulupong kung sino ako?

"Hindi."

"Sino si Wonder Woman?"

"Ako lang may karapatang tawagin siya niyan!" sigaw ni Gab, masama ang tingin nito sa lalaki.

Nginisian lang siya nito bago nang-uuyam na tumingin ulit sa akin. "Ikaw ba ang babae ng lalaking 'to?" tanong niya nang nakaturo kay Gab.

"Hindi."

"Kung ganoon sino ka? Bakit ka nangingi-alam?"

I shoot him my coldest stare, hiding my smirk when he flinched.

"South, ano bang ginagawa mo?" bulong ni Swiss na nasa likuran ko. "Madadamay ka!" nagpapanic na aniya. Hindi ko ito pinansin.

"'Wag mo na 'yang pansinin, Joaquin! Tapusin na natin ang mga hampaslupang ito!" sigaw sakanya ng isang kasamahan niya. May piercing ito sa gilid ng labi at maraming hikaw sa tainga pero ang naka-agaw ng atensyon ko ay ang tattoo nito sa leeg. Isang Dragon na may sungay ng demonyo.

Sa bilang ko, sampu silang mga trespasser na nandito. Lahat sila ay pare-parehas ng tattoo. Pamilyar ito sa akin, tiyak na nakita ko na dati.

"Sige, Cardo! Tapusin na natin ang mga lampang ito!" sigaw ni Joaquin na siyang nagpabalik sa akin sa sitwasyon.

Muling namutawi ang sigawan at hiyawan ng mga estudyante sa paligid, ang mga school staff ay nasa gilid lang at nanonood kaya nairita ako. Aren't they gonna stop this mess? Why the hell they just stand there and watch like it's Pacquiao versus Morales fight?

Isa sa mga damuhong kasabwat ni Joaquin at Cardo ay sumapak sa isang miyembro ng Abs Society. Dahil doon, muling nagpatuloy ang kaguluhan. Like a resumed action movie.

"South! Umalis na tayo dito!" Hinawakan ako sa braso ni Swiss pero winaksi ko ito.

"Fuck!"

Hinanap ko ang nagmura at nakita si Joaquin na sinapak ang mukha ni Genesis. I muttered a cussing orison and clenched my fist until my knuckles turned white.

Not my Crane!

"Sou—"

Hindi ko pinansin si Swiss at mabilis na tumakbo sa direksyon ng dalawa. Bumwelo ako bago sinipa sa likod si Joaquin, napasubsob ito sa lupa ngunit mabilis na naitukod ang dalawang braso sa sahig. Umamba itong babangon ngunit mariin kong tinapakan ang batok niya kaya nakipaghalikan ito sa lupa. He let out a strangled scream, thrashed, and flailed his arms as if trying to reach me. Mas diniin ko ang sapatos sa batok niya hanggang sa mamula ito maging ang mga tenga niya.

The crowd fell silent, stilled as they all looked at me with shock and bewilderment. Ngayon lang ako walang pakialam sa atensyon na nakukuha. Hindi ako mananahimik kapag Crane na ang nadamay.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon