Chapter 31: Surprise

40.1K 1.9K 664
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

_

SOUTH BENEDICTO

"Sigurado ka ba?" tanong niya matapos magbuga ng usok ng vape mula sa bibig.

Tinignan ko ito ng masama ng sakto sa mukha ko tumama ang usok. Ang kapal-kapal ng usok, feeling kapre din kasi ito.

"Tss, kailan pa ako hindi naging sigurado?"
Inilipat ko sa ibang direksyon ang tingin sa inis. I examine the interior of the Condo he bought. Hindi ko alam kung bakit naisipan niyang bumili ng matitirhan dito. At saka, anong gagawin niya sa mga Condo niya? Ang dami na nga niyang bahay sa syudad.

"If that's the case, should I call the whole gang?" tanong nito kaya binalik ko ang tingin sakanya. He's holding back a smirk so I roll my eyes.

"Nah, I don't need them," sagot ko na ikina-simangot niya.

"Here you go again, Milagro. Ikaw na ang may sabi na posibleng nakilala ka ng Gang na iyon. Paano kung balikan ka nila at tambangan? Marami sila. Kahit nagmimilagro ka pa ay hindi mo sila kakayanin. You need the Gang," giit niya.

Inisang lagok ko ang natitirang laman ng beer na binigay niya kanina. Actually, nakakatatlong bote na nga ako. Simula nang dumating ako ay binigyan na ako nito agad ng alak. Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya?

"I can protect myself," sagot ko.

Inis siyang nagbuga ng makapal na usok. Tss, weak ang isang 'to. Hanggang vape nalang siya ngayon. Hindi porket kapangalan na niya.

"Sabihin na nga nating kaya mong protektahan ang sarili mo. Pero Milagro, marami sila. MA-RA-MI! Hindi lang sila pito o walo, they have hundreds of followers!"

Umangat ang gilid ng labi ko. "Hundreds? Dude, I have millions of followers on Twitter," I chuckle but he gave me a deadly glare.

"This is not the right time for jokes," seryosong sabi niya.

"Okay, masyado kang hot diyan."

He shook his head and take a sip on his tequila. Ang daya nito, sakanya tequila pero sa akin beer lang. Nasaan ang hustisya?

"Hindi madaling kalaban ang gang na iyon. Kailangang nandito rin ang gan—"

He fell silent after I throw my empty bottle on the wall. The breaking glass cut my patience. Tumingin ako sakanya gamit ang malamig na tingin.

"Kapag sinabi kong hindi ko kailangan, hindi ko kailangan."

Matunog itong lumunok bago nag-iwas nang tingin. "I-in case lang naman," nauutal na aniya.

Sinandal ko ang batok sa sandalanan ng kina-uupuan saka tumingala sa kisame. Nagsalita ako matapos ang ilang minuto.

"Kilala mo ako Vape. Hihingi ako ng tulong kapag kailangan ko. Sa ngayon ayoko muna kayong madamay."

Narinig ko itong humugot ng malalim na hininga. "Okay, sabi mo, eh. But how about the douchebag you encountered in the parking lot? Gaya ng sabi mo, balak ka niyang sagasahan, paano kapag naka-encounter mo ulit 'yun?" he asks.

I recall in my head that encounter with the motorbike rider in the parking lot. Pala-isipan sa akin kung sino siya. They were covered in overall black suit, I couldn't even determine if it was a he or she.

Kinuyom ko ang kamao bago tumingin kay Vape. "Then, it will be his or her honor to die in my hands."

Kung sakaling ito na 'yung laro na sinasabi ng ama ko, kailangan ko na talagang maghanda. Dahil sa larong ito, hindi ko alam kung sino ang mga makakalaban ko. Sana lang hindi madamay ang mga taong pino-protektahan ko dahil sa oras na may mapahamak sakanila, wala akong sasantuhin kahit sino pa man iyan.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon