Chapter 44: Harana nga ba?

36.6K 1.6K 1.4K
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

_

GAB CORTEZ

"Congrats, pare!"

"Salamat," tipid ang ngiti ko habang nakikipag-kamayan sa mga Abs Society.

"MVP ka na naman nito panigurado," natatawang sabi ni Chase habang papunta kami sa shower room.

"Sana nga."

"Ang galing mo talaga sa three points, Gab. Kung hindi dahil sa ganiyang skills mo, baka talo na tayo ngayon," naiiling na sabi ni Kier.

"Okay lang namang kung matalo tayo ngayon. It was just a practice game."

Yes, we won. Pero practice palang ang nangyari kanina, bukas pa ang totoong laban namin sa mga Abs Society.

Pagpasok namin locker room ay agad naghubadan ng damit ang mga kasama ko, kanya-kanya silang punta sa mga locker nila at kinuha ang mga tuwalya. Ganoon din ang ginawa ko at hinubad ang pang-itaas na damit.

"Pang practice lang nga ba ang ginawa mo? Sa nangyari parang nakikipag-laban ka na sa kabilang team. You were determined to win the game, Gab," Ace observed, stripping his jersey pants.

"The way you and Genesis looked at each other, it was like you two are promising a bloody fight," naiilang naman si Chase.

"Care to tell us what's happening between you two?" tanong ni Lance matapos maghubad ng short niya. Naiwan ang boxer niya.

Umupo ako sa bench na nakapwesto sa gitna ng magkabilaang lockers saka tumingin sa mga kaibigan ko na nag-aabang ng sagot. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Kanina bago magsimula ang game, nagtitigan si Wowo at Genesis. It was like they were talking using their eyes," Hinilamos ko ang palad sa mukha. "Pakiramdam ko may tinatago sila."

Inangat ko ang tingin sa mga kaibigan at nakitang nakangiwi ang mga ito. Halatang hindi naniwala sa sinabi ko.

"Alam mo best friend, napa-praning ka lang," sabi ni Ace bago tumalikod at nagtungo sa malawak na shower room.

"He's right. Baka aksidenteng nagkatinginan lang ang dalawa," sabi rin ni Chase.

"Alam mo, Gab," Tinignan ko si Kier. "Wala talagang forever," at pumasok na rin ito sa shower room.

Sumimangot ako. May forever! Hindi porket bitter din ako ngayon ay hindi na ako naniniwala sa forever. Meron kaya at kami ni Wowo ang magpapatunay nito.

"Genesis likes Benedicto," Lance stated. I looked at him and as usual, seryoso na naman ito.

May gusto si Genesis kay South. Matagal ko na itong nahahalata dahil sa ginagawa niyang pang-e-epal sa amin ni Wowo. He even declared that South was originally his. Gumagawa na ba ng move ang gagong iyon para agawin sa akin ang Wowo ko? Hindi ako makakapayag!

"Bakuran mo na siya bago pa maagaw ng iba," he added making me nod my head like a kid asked to behave.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon