Chapter 40: Kidnappers Vs. Benedicto Sisters

34.6K 1.6K 1.5K
                                    

CHAPTER FORTY

_

ISAIAH CRANE's POV

"Isaiah, will you help me carry my bag?"

Napatingin ako sa ka-klase kong si Kayla. Hawak-hawak nito ang pink na bag na malaki. Mukhang nabibigatan ito base na rin sa nakangiwing itsura.

Ngumiti ako matapos kong isukbit ang Dora na bagpack ko sa mga balikat.

"Syempre naman, Kayla hehe."

Kuminang ang cute at bilugang mga mata niya. "Omygash! Thank you, Isaiah!"

^____^

Binitbit ko ang bag niya at sabay kaming lumabas ng classroom. Pero napahinto ako agad nang may marinig sa gilid.

"Damn! My bag is so heavy! I can't carry it!"

Lumingon ako sa pwesto ni Selendrina, tila hirap na hirap itong hilain ang may gulong niyang hello kitty bagpack. Nakabusangot ang cute niyang mukha na tila inis na inis na.

"Selendrina, gusto mo bang buhatin ko rin ang bag mo?" nakangiting alok ko. Okay lang naman sa akin ang magbuhat ng mabigat. Minsan nga binubuhat ko si Noah papasok sa sako tapos ipapakuha ko siya sa garbage collector.

Inangat niya ang tingin sa akin, napatingin siya kay Kayla na kasama ko at biglang sumimangot. Pansin ko rin ang masamang tinginan nilang dalawa. Bakit kaya?

"Yes. Carry it," masungit nitong sabi pero kay Kayla nakatingin.

"Okay!" Kinuha ko ang bag niya at binitbit rin ito.

"Psh, epal," dinig kong bulong ni Kayla.

"Tss, snake," bulong din ni Selendrina.

Bakit kaya sila bumu-bulong? Pwede naman nilang sabihin ito ng malakas.

Lumabas kami ng room at nagtungo sa playground. Maaga kaming pina-uwi ni Teacher K ngayon kaya wala pa ang mga sundo namin. Sila Kaps ay mamaya pa nila ako susunduin kasi may mga klase pa sila.

"Isaiah, do you want to play at the swing?" nakangiting tanong ni Kayla.

Swing? Waaah! Gusto ko 'yun!

Binuka ko ang bibig para sumagot pero biglang nagsalita si Selendrina.

"Hey, old man, I want to play at the slide. Come along with me," sabi niya bago inirapan si Kayla.

Slide? Yieee gusto ko rin!

"I asked him first, Selendrina." Humalukipkip si Kayla, nagtaas ng isang kilay na humarap kay Selendrina.

"So? I don't care. I asked him too," sagot ni Selendrina nang nakataas din ang isang manipis na kilay.

Sumimangot si Kayla bago masama siyang tinignan. "Pwede ba? 'Wag kang sumawsaw sa amin ni Isaiah? Get a life and leave us alone!"

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon