Chapter 66: Note

28.8K 1.5K 1.6K
                                    

CHAPTER SIXTY-SIX

NOAH CRANE

"Kaps, pahingi naman ng pagkain mo."

Sumimangot si Psalm at nilayo sa akin ang fries niya. "Kulang pa 'to sa akin!"

"Ang damot mo naman!" Isusumbong ko siya kay Dada! Isang pirasong fries lang naman ang hinihingi ko ay nagdadamot na siya.

"Ano ba kayo, bakit niyo pinag-aawayan ang pagkain?" tanong ni Peter.

"Ito kasing si Psalm ang damot-damot! Tatawagan ko si Lord at sasabihing 'wag niyang bigyan ng pass sa langit 'yan!" Tinignan ko ng masama si Psalm.

"Hindi naman ako sa langit mapupunta! Bleh!" binelatan niya ako kaya napaiyak ako. Ang sama niya!

Pumagitna sa amin si Peter nang nakahalukipkip. Matalim ang mga mata niya habang nakatingin sa amin kaya umiwas ako. Hindi naman siya nakakatakot, ang pangit niya lang talaga.

"Tingin niyo tama iyang ginagawa niyo? Ilang taon na ba kayo sa akala niyo? Three? Five?" seryosong sabi niya kaya natahimik kami. "Itigil niyo na ang pagiging isip-bata. Ikaw Noah, may buhok ka na sa kili-kili kaya tumino ka na."

Sinilip ko ang kili-kili. Huh? Anong buhok? Wala naman, ah! Mas makinis pa nga ang kili-kili ko kesa sa mukha ko. Fake news 'tong Peter na 'to.

"Ikaw naman Psalm, may buhok ka na rin sa t- "

"Wala, ah! Mas makintab pa nga 'to sa noo mo!"

Napatingin ako sa noo ni Peter, medyo naiingit dahil mas makintab ang noo niya kesa sa singit ko. Hays.

"Hays! Ang sinasabi ko lang naman ay itigil niyo na ang pagiging isip-bata," sabi ni Peter. "Tularan niyo ako mature na ang utak ko!"

Ngumuso ako saka inabot ang tubig ko para uminom pero dumulas ang baso at natapon ang laman sa Dora notebook ni Peter ng Math.

"Hala, kaps! Nabasa ko si Dora!"

Pinanlakihan siya ng mga mata, natulala, unti-unting napaluhod nang may nanginginig na mga labi.

"D-dora..."

"Sorry, kaps! Naligo si Dora ng wala sa oras."

Isa-isang pumatak ang mga luha niya hanggang sa napa-hiyaw ito habang yakap-yakap ang Dora notebook niya.

"WAAAAHHHHHH! DORAAAAA! HUHUHU! DORA KO!"

Naglumpasay siya sa sahig na parang nag-e-epilepsing uod. Hinampas-hampas pa niya ang sahig habang patuloy ang pagsigaw sa pangalan ni Dora. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante dito sa canteen.

Nagkatinginan kami ni Psalm saka sabay na nagkibit-balikat.

"What's happening here?"

Dumating si Genesis kasama ang buong King Society, nandito rin si Gab na panay ang linga sa paligid.

"Nabasa ng tubig ni Noah ang notebook ni Peter, kaps," sumbong ni Psalm sakanya.

Tumingin sa akin si Genesis kaya napayuko ako at ngumuso. "Sorry, kaps. Hindi ko naman sinasadya eh! Iyong notebook kasi niya hindi umiwas!"

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon