Chapter 1: Meet the Crane

75.9K 3.8K 3.8K
                                    

CHAPTER 1

_

Inis kong sinipa ang dalawang maleta ko. Damn this life! Just damn it!

Hindi pa nakuntento ang Ama ko na ipatapon ako sa lugar na hindi ko alam, tinanggalan pa niya ako ng pera! He collected all my cards and gadgets! Nakakainis! At wala man lang akong nagawa kundi ang hayaan siyang kompiskahin ang mga ito dahil tinakot niya ako!

Yes, he used my weakness to blackmail me. That President is a monster. Damn him!

"Oh? Akala ko ba umalis ka na? Bakit nandito ka pa?"

Inis kong tinignan ng masama si North, nakakatanda kong kapatid. Sa kasawiang palad, kadugo ko ang bruhang ito.

"Tigilan mo ako, North, baka maihambalos kita dyan!" banta ko rito.

Nasaan na ba kasi si Tito Jackal? Ang tagal naman niya. Sabi nito na hihintayin ako rito sa sala pero wala naman siya. Kating kati na ako na lumayas sa pamamahay na ito. I can't wait to be free, well, kung magiging free ba ako sa pupuntahan ko. But knowing the President, I have my doubts. Paniguradong pahihirapan niya ako. Masaya 'yon kapag naghihirap ako, eh.

Tumingin ako sa grand staircase ng mansion, wala pa si Tito. Tss, paniguradong nasa opisina pa ito ng Presidente.

The President of the Philippines has his own office here in the house. Dito nito madalas ginagawa ang mga hindi niya natatapos na trabaho sa Malacañang. Ayaw niya kasing magmalagi sa Palasyo niya dahil nakakastress daw doon. Ang sabihin niya, binabantayan niya lang ako dahil baka may magawa na naman akong ikasisira ng pangalan niya.

"Matapang ka parin, ha? Bakit hindi ka nalang lumayas, like right now? Baka kapag mawala ka sumaya naman ako," mariing sabi ng kapatid ko.

Napangisi ako nang hindi makapaniwala. Seriously, hindi ko talaga alam kung anong pinanghu-hugutan ng galit sakin ng isang 'to. We used to be very closed before, pero nagulat nalang ako isang araw ay iba na ang pakikitungo niya sa akin. Galit na galit siya sa hindi ko malamang dahilan. Kulang nga talaga ang turnilyo nito sa utak. Sarap niyang basagin sa bungo minsan. Hindi ko siya maintindihan.

"Aalis talaga ako. Bakit sa tingin mo ba natutuwa rin akong makita ang pagmumukha mo? Seriously, North. Kapag nakikita kita, you remind me of the Avatar. Mukha kang Avatar!"

"What did you say?" Naningkit ang mga mata nito.

"Mukha kang Avatar! Bingi lang?"

"Pwes ikaw, mukha kang Pocahontas!" nakakabinging sigaw niya.

Nanliit din ang mga mata ko. Anong sabi niya, ako, Pocahontas? King ina nito ah!

"AVATAR!"

"POCAHONTAS!" Hindi papatalo ang gaga.

"AVATAR! KAMUKHA MO SI AANG!"

Umuusok na ang ilong nito sa galit. Napangisi ako. Kahit ganito lang, masaya na ako na naiinis ko siya.

"Kamukha mo naman si... si.." napatingin ito sa kisame na parang naghahanap ng isasagot.

"Oh, ano? Hindi mo kilala ang character sa Pocahontas?" ngumisi ako.

"Wala, North! Talo ka na!"

Nagulat ako ng makita si East at West na nanonood pala samin. Prente pa ang dalawa na nakaupo sa couch. May kinakain din silang popcorn.

"Heh! Tumigil kayong dalawa! May kilala ako!" taas noong sabi ni North.

"Sino?" sabay-sabay naming tatlong tanong.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon