Chapter 30: Psalm Crane

39.2K 1.9K 814
                                    

CHAPTER THIRTY

_

PSALM CRANE'S POV

"Genesis! Tara na sa Clinic! Lagot ako kay South kapag hindi kita napagamot kaagad!" Naiiyak na ako. Nakakatakot kasi 'yung sabi kanina ni South sa text. Bubugbogin niya raw ako kapag hindi ko napagamot ang mga sugat ni Genesis. Ayoko pa namang mabugbog!

Tinignan niya ako ng masama. Napalunok ako. Para kasing bubugbogin niya rin ako eh. Bubugbogin na nga ako ni Genesis, bubugbogin pa ako mamaya ni South. DOUBLE DEAD na 'yun!

Ayoko pang mamatay!

Waaah! Dada!

"I need to kill that fucking Cortez!" sigaw niya sa mukha ko. Napapikit ako kasi tumalsik pa laway niya sa akin. Pinunasan ko kaagad ang mukha kasi baka mahawa pa ako sa pagiging mainitin ng ulo niya.

"Kailangan muna kitang dalhin sa Clinic, mamaya mo na patayin si Gab kapag magaling na ang sugat mo. Kapag hindi ka pa gumaling kaagad ako naman ang papatayin ni South!"

Gumalaw ang panga nito at nagulat nalang ako nang hilain niya ang kwelyo ng damit ko at inilapit sakanya. Abot hanggang sa bahay ni Dora ang kaba ko. Nakakatakot si South kapag galit pero mas nakakatakot talaga si Genesis kapag sobrang galit siya.

Dada ko!

"I don't fucking care!" bulyaw niya ulit sa mukha ko. Mariin akong napapikit dahil maraming laway na ang tumalsik sa mukha ko.

Pakiramdam ko ang pangit-pangit ko na.

*sniff*

Naiiyak na ako.

*sniff*

Ito na, iiyak na talaga ko.

"WAAAH! ANG PANGIT KO NA GENESIS!" Iyak ko nang malakas.

Binitiwan niya ang kwelyo ko at masama akong tinignan. Kita mo na! Wala siyang awa! Wala siyang pakialam kapag umiiyak na ang baby brother niya!

"Isusumbong kita kay, Dada! Huhuhu, sinisigawan mo ako!" Pinunasan ko ang ilong ko. May tumutulo kasi.

Umiwas siya nang tingin at kunot-noong tumingin sa malayo. "I have to find her," wala sa sariling sabi niya. Mukha siyang batang palaboy na nawawala at hinahanap ang nanay niya.

Kawawa naman ang kapatid ko. Hanap niya Witch niya.

"Genesis, tara muna sa Clinic tapos magpapatulong tayo kay Dora na hanapin ang Witch mo?" suhestiyon ko at tinapik-tapik siya sa balikat.

"No. I have to find her on my own," Pagmamatigas niya bago tumingin sa akin ng seryoso. "I'm going to take what's belong to me."

Tumango-tango ako kahit na ang totoo ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya. English kasi, eh, masakit sa ilong. Pa-cool kasi si Genesis, nasa Pilipinas naman kami pero ingles ng ingles, hays.

"Sige, pero sa Clinic muna tayo, ha?" pagkukumbinsi ko.

"No! I'm going to find her first!"

Ayaw ko na!

Ano bang gagawin ko para pumayag na siyang dalhin ko siya sa Clinic? South naman kasi, eh! Kung hindi niya lang ako tinakot papabayaan ko itong si Genesis dito at kakain nalang ako sa canteen. Nakakatakot kayang kasama ang isang 'to.

"Genesis naman! Gusto mo na ba akong mamatay?" Nagpapadyak-padyak ako. 

Bakit ba niya ayaw makinig sa akin? Pero kapag si South sumu-sunod siya. Ang daya—pero teka, hehe may naisip akong ideya.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Where stories live. Discover now