Chapter 56: Usok

30.4K 1.4K 1K
                                    

CHAPTER FIFTY-SIX

_

PSALM CRANE

"Heto na ang airplane! Say aahh!"

"Aaahh!" Binuka ko ng malaki ang bibig ko para ma-i-subo sakin ni Dada ang kutsarang may lamang pagkain.

"Ang galing naman ng junakis ko! Isa pa, say aahh! Ayan na naman ang airplane!" Pinalipad ni Dada ang kutsara ng cerelac na kinakain ko.

^_____^

"Ako rin, Dada!" Hinila ni Peter ang kwelyo ng damit ni Dada.

"Sige, Junakis, heto na ang airplane, say aahh!"

"Ayoko ng airplane, Dada. Gusto ko ng barko!"

"Oh, sige, eto na ang Barko, Junakis the second!"

"Aahh! Yum, yum, yum! Delicioso!"

"Dada! Subo mo rin ako ng cerelac!" nakangusong sabi ni Noah.

"Sige, junakis the first. Anong gusto mo, airplane o barko?" Lumapit si Dada sakanya.

Nilagay ni Noah ang isang hintuturo sa sintido saka tumingin sa itaas. "Hmm...gusto ko trycicle!"

"Ang cheap mo naman, Noah, bakit Trycicle? Pwede namang Jeep nalang," sabi ko.

"Ayoko sa Jeep masikip, eh! Sa Trycicle nalang pwede pa akong magpa-special service!"

Ngumuso ako, gusto ko 'yung special service.

Hindi pa namin masyadong naigagalaw ang mga katawan namin dahil sa mga sugat kaya todo ang pag-aasikaso sa amin ni Dada. Kaya na naming kumain pero mas gusto ni Dada na siya ang nagpapakain sa amin, hindi rin siya mapakali sa pag-aalala kaya nga sinusunod ko ang mga bilin niya para mabilis akong gumaling para hindi na siya mag-alala pa at malungkot. Sa tatlong araw naming nandito sa Hospital ay halos hindi na siya umupo, naaawa na nga ako kasi may eyebags na rin siya.

"Dada, hindi ba pupunta si South dito?" nakangusong tanong ko nang maalala na naman na hindi pa kami binibisita ni South. Nami-miss ko pa naman na siya.

Natigilan sa pagsubo kay Peter si Dada, huminga siya ng malalim saka malungkot kaming tinignan.

"Pupunta rin siya mga junakis pero sa ngayon, ayaw pa ni South makita ang mga pangit niyong mukha kaya magpagaling kayo ng mabuti para kapag pogi na ulit kayo, matutuwa na si South!"

Hays, masaklap na katutuhanan. Miss na miss ko na si South pero ayoko namang makita niya kaming mukhang Chuckie. Kaya kong tiisin ang kalungkutan basta pumogi ulit ako, basta kapag nakita kami ni South ay masaya siya. Ayaw na ayaw pa naman niyang nasusugatan kami, noong huling nadapa nga ako at nagkagasgas ang tuhod ay dinurog niya ang sementong pumatid sa akin. Nakakatakot siya, mapanira kapag galit.

Kasalanan kasi ito ng mga lalaking nanakit sa'min, eh! Kung hindi nila kami sinaktan sana kasama namin si South ngayon at masayang nanonood ng Dora. Pero hindi pala fan si South kay Negra. Si Naruto ang gusto niya.

"Kumusta na kaya si Timog? Gusto ko na siyang makita," naiiyak na sabi ni Peter.

"Miss na miss ko na ang Timog ko..." sabi rin ni Noah.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon