Chapter 15: Fell

42.9K 2.3K 602
                                    

CHAPTER FIFTEEN

_

"I'm, Genesis Crane. No. 1."

Na-estatwa ako sa kinatatayuan at hindi makapaniwalang natulala. I remain unblinking as the crowd goes wild around me. Anong ginagawa niya dito? At teka! Did I hear it right? Ang isang tokmol ay rank one sa Abnoy Society? I rather call it Abnoy than, Abs.

Humarap ako muli sa platform para kompirmahin na hindi ako nananaginip. And there, I saw him standing on the platform like he owns the entire world.

Nagtagpo ang mga paningin namin at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay tila nag-iba siya sa paningin ko. Hindi ko nakikita ngayon ang isang abnormal na Crane na laging sakit ng ulo ang dala sa akin kundi, nakikita ko ang isang Hari. He flaunts like a King, dominating, powerful and merciless. Gone his tokmolness and one more thing that changed him... his hair.

Gone his white hair. It was now dyed back to its natural color. A jet-black hair that looked like he neglected to brush.

For the first time, he looked Godly in my eyes. His dark piercing eyes were dominating and screaming for respect. His jet-black hair made the structure of his face strong and more define. His dark brows were sloped downwards in a serious expression. Walang kangiti-ngiti at kahit simpleng itim na pants, puting T-shirt at ankle black boots lang ang suot, sapat na para maging mabangis na hayop ang mga tao sa paligid.

Girls and boys are screaming to get noticed. All going crazy over him. The ground shook making me waver on my feet. Kumapit ako sa taong nasa harap ko para hindi matumba. These people are wild. And Crazy.

Binalik ko ang tingin kay Genesis. He looked like he doesn't have the slightest idea how people craved his attention. He just stood there like he's waiting for a cab. Simpleng tayo pero napansin ko ang halos kalahati ng mga tao ay nanginginig na sa takot. Was it because he's a leader of a Gang? No wonder why his brothers are afraid of him. I'm just wondering though, paano kaya ito magpatakbo ng grupo niya? Hindi na ako magtataka kung puro mga Abnoy din na katulad niya ang mga kasamahan.

"Grabe! Ang gwapo niya, noh?"

"Sobra! Super hot pa!"

"Super crush ko talaga siya!"

"Pero bakit itim na ang buhok niya? 'Di ba dati ay puti ito?"

"Oo nga. Pero ayos narin na itim ang buhok niya, mas gumwapo eh, yieee!"

Nilingon ko ang mga babaeng halos mabaliw na kay Genesis na wala namang pakialam sakanila. Tss. Oo gwapo nga ito, pero abnormal parin naman. Ano naman kung Gang leader? Ano naman kung Hari? Mauutusan ko naman siyang mag-hugas sa bahay. I smirked at that thought.

At ano ba naman kasi ang nakain ng tokmol na 'to at nagpakulay ng buhok? Okay pa 'yung white hair dahil mukha siyang tanga doon.

"At dahil nandito na si Master! Let the initiation rights begin!" sigaw ni Cain sa mikropono kaya samo't saring sigawan ang naganap sa buong Gymnasium.

Malakas ang kutob ko na hindi basta-basta ang gagawin nilang initiation rights kuno. Was it deadly like the other gang groups I know? Buwis-buhay siguro kaya ganito ka-excited ang mga tao.

"Katulad ng tradition, FaceLook ang unang test. I ju-judge niyo kung pasado ba ang itsura niya sa pagiging isang myembro ng Abs Society. Alam ng lahat na kapag kasali sa gang, dapat gwapo ito katulad namin..." sabi ni Cain na sobrang lapad ng ngiti. "To vote if this man has the good look, i-text lang ang AbsYES, at kapag hindi naman swak sa panlasa niyo ang itsura niya ay type AbsNO and send it to 6969."

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon