Chapter 28: Trespassers

40.5K 2K 581
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

_

"Timog, hindi na mauulit!"

"Hindi ko na kaya!"

"Damn!"

"Masakit na!"

"South, sorry na!"

Bagot akong sumimsim sa apple juice ko at inayos ang pagkakasandal sa malambot na sofa. Nilipat ko sa kabilang pahina ang magazine na binabasa ko bago sila tinapunan ng bagot na tingin.

They looked helpless.

Nakalinya't nakaluhod silang lahat sa harapan ko habang nakadipa ang mga braso na may mga nakapatong na tig-tatlong libro sa mga kamay. Tumatagaktak ang mga pawis nila sa buong mukha at katawan. Their arms and legs are shaking violently but that doesn't make my heart soft. Bato pa rin ang puso ko sakanila.

They deserve it. Kulang pa nga 'yang parusa sa ginawa nilang kasalanan.

"20 minutes more," sambit ko saka tinignan ng masama si Peter na malapit nang bumagsak ang mga kamay. "Your hands Peter! Ayusin mo kung ayaw mong dagdagan ko pa ng libro ang mga kamay mo."

Bumalatay ang takot sa mukha niya at mabilis na inayos ang pagkaka-dipa ng mga braso. Hirap na hirap na sila sa ginagawa nila. Paano, mag-iisang oras na silang nakaluhod diyan at humihingi ng kapatawaran sa ginawa nilang kasalanan.

Napailing ako nang maalala na naman ang ginawa nila.

[FLASHBACK]

"Putcha! Masakit!" daing ko nang idampi ni Isaiah ang bulak sa gilid ng mga labi ko.

Nag-prisinta siyang gamutin ang mga sugat ko kaya nandito kami sa kwarto. Magaan lang ang kamay niya pero hindi ko pa rin maiwasang mapa-igik sa t'wing tumatama ang bulak sa mga pasa ko.

"Sana mabilaukan ang mga Wonder Pets sa pagkain ng celery. Hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila sa'yo," aniya habang masama ang tingin sa mga pasa ko. "Ginasgasan na nila ang mukha mo, South." Lumambot ang mukha nito hanggang sa maluha na naman.

Kanina pa ito iyak nang iyak. Akala mo binaril ako kung mag-alala sa mga sugat ko. He's too emotional.

"'Wag kang mag-alala, paniguradong sa Hospital ang bagsak ng mga hayop na 'yun sa oras na ito," sabi ko habang nakatitig sa makinis na mukha nito. Nakakainggit.

Inangat niya ang tingin sa akin. Umiwas ako kaagad nang tumambad sa akin ang mga mata niyang puno ng luha at pag-aalala.

"Sa Animal clinic?" inosenteng tanong nito. He really thinks that those bastards I fought with are real animals. Literal na mga characters sa Wonder Pets ang nasa isip niya. Mabuti na rin na 'yun ang alam niya.

"Yeah. 'Wag mo na silang isipin."

"Pero sinugatan ka nila. Medyo pangit na tuloy ang mukha mo." Ngumuso Ito.

Hindi ko alam kung ma-i-insulto ako a sinabi nito o matatawa. "Medyo palang naman. Hindi pa ako tuluyang pangit. At hindi ko naman hahayaan na pumangit ako kaya 'wag ka nang mag-alala diyan. Okay lang ako." I smile to reassure him. Maayos na ang pakiramdam ko. Galos lang itong natamo ko kumpara sa mga sugat ko noong basagulera ako. Masyado lang OA itong si Isaiah.

"Okay, pero kapag sinaktan ka nila ulit isusumbong ko na talaga sila sa Ninja Turtles at magpapatulong ako kay Dora na hanapin sila. Isasama ko na rin ang Penguins of Madagascar saka si Fanboy at Chum-chum," determinadong aniya. May pasuntok pa sa hangin.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon