Chapter 53: Goodbye North

30.3K 1.5K 996
                                    

CHAPTER FIFTY-THREE

_

NORTHERN BENEDICTO

"Nag-enjoy ba kayo mga Junakis?"

"Opo, Dada! Super saya namin!"

Umirap ako, paano hindi sasaya ang mga 'yan kung wala na silang ibang ginawa kundi ang mag-swimming maghapon? And take note, ginawa nila akong pader para hindi sila itangay ng alon! Tan skin lang ang balak kong gawin sa kutis ko, ngayon, natusta na ako!

"Oh, iha, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa diyan?" tanong ni Tito kaya masama ko siyang tinignan.

"Naging bantay ako ng mga anak mo! Look at my skin, I was burn! Gosh! Saan ka ba kasi galing?" reklamo ko.

Wala lang naman talagang sa akin kung bantayan ko ang mga Crane, gustong gusto ko nga silang nakakasama. Ang pinuputok lang talaga ng butsi ko ngayon ay dahil sa pagkasira ng kutis ko.

I badly need to see my dermatologist now.

Nagtaka ako ng biglang nagningning ang mga mata ni Tito. Para siyang asong nanaginip na kumakain ng buto. He looks ewwy.

"Hihihi, sinundan ko ang forever ko, iha. Nakita ko na ang babaeng makakasama ko sa buhay!" Pinalibot niya ang mga braso sa sarili at medyo nag-sway pa.

"What? Iniwan mo ang mga anak mo para lang diyan? Oh, anong nangyari?" usisa ko at nag-dekwatro ng upo saka uminom sa juice ko.

"Nag 69 kami."

Wala sa oras na naibuga ko ang iniinom kong juice. What the fuck?!

"Dada, ano 'yong 69?" inosenteng tanong ni Isaiah.

"It's just a number, baby. 69, 70, 71, like that," mabilis ko itong sinagot bago pa makapagsalita si Tito.

Jusko! Hindi pwedeng madumihan ang utak ng mga Crane. Hindi sila pwedeng magaya sa ama nila.

"Hehe, gano'n ba Ate North? Hanggang 20 lang kasi ang kaya kong bilangin, eh" nakangusong sabi nito.

"Aww, that's okay, baby. Ituturo naman sa school kung papaano magbilang, eh." Ginulo ko ang buhok niya. He's such a cutie.

"Nasaan si Junakis the third?" tanong bigla ni Tito.

Lumingon ako sa paligid, nagtaka rin ako nang hindi makita si Genesis. Kompleto kasi ang mga Crane dito sa cottage, maging ang mga Abs Society at Mighty Prince. Nandito rin si South na tahimik na nakahilig sa kawayan na upuan, nakapikit pero alam kong hindi natutulog.

My eyes settled on Gab Cortez, who has been quiet since they came back. I could feel the tension around them and I'm sure everyone felt that too but no one speaks about it.  Ano kaya ang problema ng mga 'to? Oh, well, kahit ano pa 'yon, ang mahalaga ay maganda parin ako.

"Hinahanap nga rin namin siya, Tito. May big announcement sana kaming sasabihin with the Mighty Prince," nakangising sabi ni Cain kay Tito.

"Big announcement? Ano 'yon?" usisa ko pero imbes na sagutin ay ngumiti lang sila sa'kin.

"Nasaan na kaya si Kaps? Gabi na baka kagatin siya ng mga bampira," nag-aalalang kinagat ni Psalm ang daliri sa kamay.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon