Chapter 49: Outing

36.4K 1.5K 1.4K
                                    

CHAPTER FORTY-NINE

_

ISAIAH  GABRIEL CRANE

Dati si Dora ang pinaka-maganda sa paningin ko, ngayon hindi na, hihihi. Nakita ko na kasi ang mas higit pa sakanya at mas astig pa sakanya.

Humalumbaba ako sa unan at saka nakangiting tinitigan ang mukha ni South na natutulog. Dito kasi ako ulit sa kwarto niya natulog. Sa kwarto ko naman natulog si Dada, ayaw ko siyang katabi matulog dahil nanghahawak siya ng dodo. Tapos mangyayakap pa siya at manghahalik. Ang baho pa naman ng hininga niya. Once a year lang nagto-toothbrush si Dada.

Si South kaya, nagto-toothbrush kaya siya? Siguro once a week din katulad ko. Pareho kasi kaming may care sa teeth namin.

"South, kapag nag-toothbrush ka, gamitin mo 'yong Dora na toothpaste ko, ha? Blueberry flavor 'yon, masarap din kainin," sabi ko sa tulog pa ring si South.

Ang ganda niya, hehe. Bakit kaya mukha siyang mabait kapag tulog? Kapag gising siya, para siyang kakain ng tao. Ngumuso ako at tinitigan siya ng mas malapit. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang mga pilik mata niya, pareho kami. Habang tinitignan ko ang parte ng mata niya ay napansin ko ang maliit niyang nunal sa gilid ng kanang mata. Ang cute, hihihi. Sunod naman akong napatingin sa medyo maliit pero matangos na ilong niya. Napangiti ako kasi na cu-cute-an na naman ako. Tapos ay bumaba ang tingin ko sa medyo naka-awang niyang mga labi. Pink ang kulay nito pero mukhang dry.

Malambot din kaya ang lips ni South? Sabi kasi ni Dada, ang mga lips daw ng mga babae ang pinaka-malambot kaya masarap daw halikan, hehe. Bigla akong napakamot sa ulo ng may mapagtanto. Hindi ko pala alam kung ano ang ibig sabihin ng halik.

Hindi kasi sinabi ni Dada kung ano 'yon. Gusto ko pa namang i-sulat sa Book of Knowledge ko. Pero feeling ko pagkain 'yon, sabi ni Dada masarap daw. Pagkain lang naman ang masarap.

Kyaaaah! Matalino na ako! Sasabihin ko ito mamaya sa mga kapatid ko!

"Ano kaya ang flavor ng lips ni South? Siguro masarap siyang halikan?" tanong ko sa sarili ko.

Nagtataka kasi ako, may flavor kaya?

"Gusto mo malaman?"

O______O

^______^

Gising na si South!

Kukurap-kurap ang mga mata niya habang nakatingin sa'kin. Hindi ko alam pero parang mas lalo siyang naging maganda sa paningin ko. Possible pala 'yon?

"Good morning, South!" malaki ang ngiting bati ko. Gustong gusto ko talaga na ako ang unang bumabati sakanya ng good morning. "Masarap ba 'yong lips mo, South?" tanong ko agad. Hindi kasi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman.

"Lumapit ka sa'kin. Ipapatikim ko sa'yo," sabi niya, medyo magaspang ang boses niya.

Ipapatikim daw niya!

"Talaga? Hehe, anong flavor?" namamanghang tanong ko. Yieee excited na ako!

"Basta. Lapit na, bago pa magbago ang isip ko."

Nilapit ko kaagad ang mukha sakanya, mahirap na mainipin pa naman siya.

"South, paano ba humalik?" tanong ko ng ilang dangkal nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa. Parang konti nalang ay masusubsob na ako sa mga labi niya. Tinitigan ko ang mga mata nito. Nagtaka ako ng bigla siyang ngumisi.

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Where stories live. Discover now