Chapter 2: Red Key

6.5K 117 4
                                    

Guys what if add niyo ako sa facebook, if you like lang naman or willing and maybe 'yung interested.

Chapter 2: Red Key

.

.

.

Ellie's POV


As always namang late si Demi at hindi ko alam kung bakit. The only thing I know is she did not sleep in the right time, like today she forgot her assignment that's why she used her excuse again na pumunta sa comfort room.

Ellie Jene Garcia is the name, 19. You can call me Ellie for short.

"Class may mahalaga akong announcement, bukas na gaganapin ang pagsasanay ninyo at makakasalamuha ninyo ang freshmen, junior at senior."

"Bawat isa sa inyo ay may ability, magic, charm and power na pepwede ninyong gamitin kung saka sakali. Ellie ilista mo ang bawat pangalan ng iyong kaklase, 'yun lamang at pwede na kayong umalis." Pagkasabi na pagkasabi ni Mrs. Rivera ay tumayo na din ako sa may bandang unahan upang ilista ang bawat pangalan ng mg kaklase ko.

Pagkatapos kong makuha ang bawat pangalan ay pumunta muna kami ni Ystaice (Esteyse) sa Library. Bakit? Upang sunduin ang Prinsesa na si Demi.

Habang naglalakad patungong Library, nabaling ang atensyon ko sa kabilang corridor ng makita ang Royalties na magkakasama.

"Saan ba sila galing?" Tanong sa akin ni Ystaice(Esteyse).

"Siguro sa misyon." Tipid kong sagot sa kanya.


Pagkuway ay nakarating na din kami sa library, pumasok kami at hinanap si Princess Demi. Sa 'di kalayuan ay may napansin kaming mga estudyante na tila may hinahanap, kaya lumapit kami sa kanila. Sa paglapit namin ay nakita kong hawak ng mga estudyanteng iyon ang libro ni Ms. Carnia, isa sa pinakamagaling na author ng Phantasia Academy. She is also a Professor and a legend because of her beautiful and inspirable books, kakaiba lahat ng kanyang ginagawa at sinasabi, she is one of the best apprentice from Fulgener Kingdom noon, idol ko nga siya. Pero dumating ang araw na naglaho siyang bigla at walang nakakaalam kahit isa kung nasaan na siya. Teka maiba tayo, si Demi ang pinunta namin dito hindi ang libro ni Ms. Carnia.

"She's there." Sabay turo ni Ystaice (Esteyse) sa direksyon ni Demi na naka higa sa sofa bed sa bandang likuran ng library kung saan doon din nakalagay ang History shelf.

Agad kaming lumapit kay Demi, napakahimbing pa ng tulog niya na animo'y nasa sariling kuwarto niya.
Hindi ba siya naiingay sa mga estudyante na nasa kabilang shelf lang? Tanong ko sa sarili ko, ang himbing kasi ng tulog niya samantalang rinig na rinig dito sa kinahihigaan niya ang ingay. For sure gumamit na naman ng barrier itong mga estudyante para hindi marinig ng library staff.

"Princess Demi gising na po." Niyugyog ng niyugyog ni Ystaice (Esteyse) si Demi, of course  magigising si Demi ang lakas kaya makayugyog ni Ystaice(Esteyse).

"Ano ba?" Galit na sabi ni Demi habang nagkukusot ng mata, ang cute niya sa part na 'yun kahit walang hiya ang batang 'to.

"Sasama ka ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Where?" Cold niyang sagot, kahit kailan talaga ang taray nito.

"Friend sa Cafeteria, bilis mauubusan tayo ng favorite nating Cheesedog." Nakapout na sambit ni Ystaice (Esteyse). 'Yun kasi ang favorite naming merienda, sobrang sarap at napakacheesy pa.

"Okay fine." Ang tipid talaga magsalita nitong babaeng ito. Kumibit balikat lang siya at bumangon, lumabas na kami ng library at wala na rin 'yung mga estudyante sa kabilang shelf na hawak hawak ang libro ni Ms. Carnia.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now