Chapter 25: Friendsary

1.1K 30 0
                                    

Chapter 25: Friendsary



Ellie's POV


After naming kumain ni Gell ay agad din kaming umakyat sa stage tulad ng sinabi ni Prince Eron. Wala naman akong ibang nakikita mula dito sa stage kundi magagandang ngiti, masasayang mata at walang kupas na ligaya.



Napabaling ako sa pwesto ng Prinsesa habang kumakain, walang bakas sa mukha niya ang sayang dapat meron siya. Nakatingin siya sa table ng ibang royalties na nagkakatuwaan habang nginunguya ang chocolate cake na nasa harap niya. Napansin naman siya ni Prince Gene kaya ngumiti siya pero halatang sapilitan lamang iyon at walang joy sa mga mata niya.



"Ellie, mamaya pepwede na tayong magsimula." Agad akong napalingon kay Gell ng kulbitin niya ako. Nginitian ko lang siya at muling ibinalik ang tingin sa Prinsesa.


"Teka Ellie may problema ba?" Hindi ko na sinagot pa ang tanong niya sa halip ay pinagmasdan lang talaga ang Prinsesa. I try to use my ability, which I can track any senses. Pero hindi ko siya maramdaman, nakapagtataka bakit ayaw gumana ngayon ng ability ko?

"Ellie, is there something wrong?" Ulit niyang tanong, but I still not responding. I tried again to track her senses but I'm failed I can't feel her, I can't feel also her breathing and her nervousness. Napansin kong lumapit sa kanya si Allina kaya napatigil ako sa paggamit ng ability ko, napaharap naman agad ako kay Gell ng lingunin niya ako, nagkalapat ang aming mga dibdib pero agad namang umiwas si Gell at halatang kinabahan siya.

"Ellie!" Napasigaw siya pero hindi naman narinig ng mga tao dahil nakamute ang mga microphone sa taas ng stage. At busy ang lahat sa pagkain at pakikipagkwentuhan sa isa't isa.

"I'm sorry Gell, please excuse me." Agad akong bumaba ng stage at tumungo sa comfort room na nasa tabi lang ng hall.

Anu ba ang meron? Bakit hindi ko siya maramdaman? Hindi ko maramdaman ang dapat madali kong maramdaman. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa akin na hindi ko maramdaman sa pinaggagamitan ko ang ability ko, pero kakaiba ito.

"Ellie oh bakit nandito ka pa?" Lumingon ako sa nagsalita si Lliyah lang pala.

Naghugas ako ng kamay at kumuha ng kaunting tissue. Hinarap ko siya at hinawakan ang kamay.
"Lliyah pwede bang humingi ng favor?"

"Anu ba iyon?"

.
.
.
.
.
.
.
.

Eron's POV

Bakit agad na bumaba si Ellie? Mag sasampung minuto na pero hindi pa rin siya bumabalik. Anu ba ang nangyari?

Agad kaming lumapit ni Gene sa stage at kinausap si Gell.

"Gell what's happening?"

"I don't know your highness, bigla na lang siyang nataranta na ewan."

"Teka may nabanggit ba siya na may nakita siya?"

"Wala naman. Muntik ko na nga siyang ma yung maanu." Nalilito ako sa sinasabi ni Gell.

"Anu?" Tanong na sambit ni Gene.

"Yung ganun." Mas nalito ako sa inasta ni Gell kaya napakunot ang noo ko.

"Haisst, ganito oh." Ngumuso si Gell sa harap namin ni Gene kaya nagkatinginan kami ni Gene sa isa't isa.

"Yak nakakadiri ka naman Gell, tigilan mo nga iyan." Pagsasaway ni Gene kay Gell.

"Muntik ng maglapat ang mga labi niyo, ganun?" Tumango tango naman si Gell kaya medyo naintindihan ko na ang gusto niyang sabihin.

"Anu ba kasi ang nangyari?"

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now