Chapter 5: Wakeful

3K 60 0
                                    

THANKS PO SA MGA READERS  :)

Gella's POV

Minsan may pagkamataray din itong si Princess Demi, then sometimes sobra namang bait hayyy di ko na maintindihan ang tunay niyang ugali, nakakalito na talaga. Teka bakit nga kaya ganun na lamang makatingin ang mga estudyante sa akin, teka nagagandahan ba sila sa akin haha char.

No way baka mabully ako dito, no no no. Wait nandiyan naman si Princess Demi and I'm sure she will protect me, wait no ako dapat ang dapat magprotect sa kanya. Kasi ako ang PERSONAL MAID niya, ahhh paano ba ito?

Ito namang si Prince Jheilou (Jeylo) nandito na naman, He is one of the Princes then pinakamatanda sa lahat, he is 23 years old, ang tanda na 'no? Siya ang pinakaayaw makita ng Prinsesa dahil lagi siyang binibaby what I mean is para sa kanya baby pa rin si Princess Demi, pinipisil ang pisngi, sinusuyo, tinutulungan sa lahat ng kailangan ng Prinsesa.

"Kyaaaa, ano ba hindi na ako baby!" Galit na sambit ng Prinsesa, paano ba naman kasi pinisil ni Prince Jheilou ang pisngi ni Demi.

"Hahaha, minsan ko nga lamang ikaw makita tinatarayan mo pa ako. Sige ka isusumbong kita kay ninong."

"Haissst, kainis tara na nga Gella." hinila ako ni Demi at mabilis na naglakad, nakabusangot ang Prinsesa ng umalis kami while Jheilou still smiling. Kung ako kay Demi nakuuuu tutuktukan ko talaga iyon.

"Magpahinga ka na, maaga pa tayo bukas." Princess said.

"Akala ko po ba may pupuntahan tayo?" Lakas loob kong tanong sa kanya.

"Diba ang sabi ko magpahinga ka na, pagod na ako!" Nagulat naman ako ng marinig ang galit niyang boses, kaya agad na napatikom ako ng aking bibig.

Bumalik na kami ng dorm at nagpahinga.

Alas otso pa lang ng gabi pero sobrang tahimik na ng buong Academy.

Kinabukasan

Maaga akong nagising para magluto ng breakfast, actually 4:45 pa lamang ng madaling araw sensya na nasanay kasi akong magising ng ganito kaaga eh.

Inihanda ko na ang damit ng Prinsesa, ang sapatos, ang shower lahat inihanda ko na.

5:37 ng matapos ko ang lahat ng iyon, kaya sarili ko naman ang inasikaso ko. Ganito ang trabaho ko araw araw, minsan mas maaga pa dito depende kung may ipinapagawa ang Prinsesa.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako. Habang kinukuha ko ang damit ko bigla na lamang humangin ng napakalakas dahilan na magsitalsikan ang mga damit na pinagpipilian ko, nadagdagan tuloy ang trabaho ko.

Agad ko na lang iyong inayos

Ring!

Malakas na tunog ng alarm, napatingin ako sa wall clock 6:00 in the morning, hindi ko alam ang ibig sabihin pero dali dali akong nagsuot ng uniform. Ganito ang uniform dito.

Ganyan ang sa babae sa lalaki naman hindi ko lang alam, kasi di naman ako lalaki e

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ganyan ang sa babae sa lalaki naman hindi ko lang alam, kasi di naman ako lalaki e. Agad na akong lumabas ng kwarto, bababa na sana ako ng hagdan ng maalala ko ang Prinsesa.

Tok tok tok tok

"Your highness, your highness late na po kayo. Your highness." Malakas kong sigaw habang kumakatok sa kanyang pintuan.

"Sabihin mo masama ang pakiramdam ko. Makakaalis ka na baka malate ka pa." Malakas niyang tugon sa akin.

Ayaw kong umalis sa harapan ng kanyang pinto, gusto kong pumasok pero di ko magawa dahil nakalock.

"Pero your highness---

"Ayaw ko ng ulitin pa Gella!" Kinabahan ako ng marinig ko ang mas malakas niyang boses.

Halos kalahating minuto ang aking tinagal sa pag aalinlangan na kamustahin at tingnan kung ano na ba ang kalagayan niya. Napapout na lang ako at humakbang, hindi pa ako nakakababa ay muling sumigaw si Demi.

"Nasa kaliwa ng pinto ng dorm ang schedule mo!"

Bumaba na ako at kinuha ang aking schedule sa pinto na tinutukoy ng Prinsesa.

Demi's POV

Ito ang pinakaayaw ko sa lahat yung binebaby ako, kainis talaga 'yung Jheilou na 'yon. Tapos dumagdag pa 'yung kagabi haisst.

Flashback

Kababalik lamang namin ni Gella, pupunta pa sana kami sa room niya para maging kabisado siya pero dumating itong si Jheilou.

Mag aalas otso na ng gabi tahimik ang paligid at ang buong Academy. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, kaya pinagmasdan ko na lamang ang mga puno at bulaklak na malapit sa dorm namin. Napaisip ako bigla na subukan muli kung gagana na ba sa ngayon.

Pumikit ako at nag isip na mapapalabas ko ang aking kapangyarihan, kada minuto ay sumisilip ako kung nagana ba o hindi. Paulit ko iyong ginawa pero wala pa rin, nainis na ako ng maulit ko iyon ng halos dalawampu.

Inulit ko pa rin ng inulit pero wala talaga kaya mas lalo akong nainis, sa sobrang inis ay humiga na lamang ako sa sahig.

Napatingin ako sa wall clock 10:26 na ng gabi kaya lumipat ako sa aking kama. Ipinikit ko na ang aking mata pero gising pa rin ang aking diwa, tumagilid ako ng pagtulog pero tila hindi ako mapakali. Nagpabago bago ako ng posisyon pero di pa rin ako mapakali kaya bumangon na lamang ako. Ginawa ko na ang lahat ng pwedeng makapagpatulog sa akin pero wala pa rin ayaw pa rin.

Kaya umupo ulit ako sa sofa na malapit sa aking bintana. Isinubsob ko ang aking ulo sa mesa at pumikit pero wala pa rin, tila ayaw matulog ng diwa ko.

Maya maya pa ay may narinig akong kaluskos sa labas kaya agad naman akong napatingin doon, pinagmasdan ko ang labas dorm pero wala naman akong makita. Umiling na lang ako at bumalik sa aking kama.

Hayyy kailan mo ba ako patutulugin? Gusto ko ng matulog! Pagmamakaawa ko sa aking sarili na kanina pa ayaw matulog.  Muli akong bumalik sa sofa nagsulat ako ng nagsulat ng kung ano ano, pero may naisip akong paraan para mabilis akong makatulog.

Kumuha ako ng lapis at blankong papel, nagdrawing na lamang ako ng kahit anong aking maisipan.

Hanggang sa 'yun finally dinalaw na rin ako ng antok.

Tok tok tok tok

"Your highness, your highness late na po kayo. Your highness." Nagising ako sa malakas na sigaw, kaya agad akong tumayo sa aking kinauupuan napalaki ang aking mata ng makita ang isang drawing na nasa aking harapan. Nakakalito ang drawing, isang babaeng umiiyak at tila hindi maganda ang nangyari sa kanya, napasimangot ako ng makita ko ang ibang guhit halos laitin at kawawain ang babae. Medyo maganda yung babae pero sira sira na ang kanyang damit, natutulog sa isang maliit na kubo na may butas ang bubong at naulan pa. Hindi ko na pinansin ang drawing at humiga na lamang sa kama.

Pinaalis ko na lang si Gella.

End of Flashback

Hayyy kung anu ano na lang lagi ang aking naiguguhit tapos halos lahat iyon ay pareho lamang, may nag-iisa lamang na naiiba.

'Yung isa ay malakas na kapangyarihan na halos lahat ay nasisilaw sa sobrang liwanag nito. 'Di ko talaga maipaliwanag ang aking mga iginuguhit nakakalito na talaga. Hayy makakain na nga lamang

Bumaba na ako at tumungo sa kusina, kumain na ako at naligo. Mabagal kong ginawa ang mga iyon dahil tinatamad akong gumalaw masyado dahil hanggang ngayon inaantok pa rin ako. Hindi na ako nagsuot ng uniform dahil first training namin at tsaka nakakatamad mag uniform ang dami dami pang isusuot.

"I feel I'm wakeful today, damn it." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now