Chapter 35: Love is

2K 38 0
                                    

Salamat po sa walang sawang pagsuporta sa libro kong ito, hope that you enjoy every chapters and scenarios of this book. Sa loob ng ilang buwan na paputol putol kong pagupdate ay palagi po kayong nandiyan para sumubaybay, pasensya na po sa mga typos tao lang nagkakamali din paminsan minsan.

Chapter 35: Love is

.
.
.
.
.

Eron's POV

Walang ibang tao sa lugar na pinuntahan ko, tanging paghampas ng hangin at pag ingit ng mga puno ang aking naririnig sa buong paligid. Kumpleto na ang kulay green sa kabuuan ng buwan, and I need to hurry up.

Pinagsisihan ko na ang pagiging cold ko sa harap ni Demi sa loob ng dalawang niya dito sa Phantasia, although siya ang pinakabata sa lahat ng royalty siya naman ang pinakamatalino at matino mag isip, pero minsan mas inuuna niya ang pagiging slightly brat side niya. Maybe because wala siyang kaclose sa aming ibang royalty.

Dirediretso lang ako sa paglalakad sa malawak na damuhan malapit sa four magus place, walang lingon lingon kong tinahak ang isang direksyon kung saan bakas ang dinaanan ng isang tao dahil sa nakahawing mga damo. Sinundan ko lang iyon at nagbabakasakaling ito ang dinaanan ni Demi.

.
.
.
.
.
.

Jasper's POV

Nakahilata ang Prinsesa ng makita ko sa pagitan ng Crankel at Dunneldia kung saan ang dalaqang lugar na iyon ay kasama sa four magus place. Nangangatal siya ng hawakan ko ang magkabila niyang kamay, namumutla na siya at papikit pikit ang magkabilang mata.

"Demi hold on, kaya mo yan. Iaalis kita dito."

"He help me." Mahina niyang bulong, naawa ako sa kalagayan niya. Isang linggo at apat na araw na siyang wala sa Phantasia magmula noong kaarawan niya, ang maaliwalas niyang mukha noong araw na iyon at ibang iba ngayon. Iba na ang suot niyang damit, kung noong kaarawan niya ay nakadress siya. Ngayon ay suot niya ang damit na tila galing sa Gicum Town dahil sa tela nito.

Binuhat ko ang Prinsesa para maialis siya sa lugar na iyon pero nanlambot ang tuhod ko dahil sa ilang minutong pananatili sa lugar na kinahihigaan ng Prinsesa. I check the temperature, 1.05°C nagulat ako dahil sobrang baba ng temperatura. Pero sinubukan ko pa ring buhatin ang Prinsesa para maialis sa lugar na iyon pero palagi akong bigo sa pagbuhat sa kanya dahil lumalakas ang paghampas ng hangin sa paligid.

"Ang four magus place ay may dalawang katangian, kaya nitong makaheal at kaya din nitong makapatay. Palagi ninyong tatandaan ito, huwag na huwag kayong pupunta sa pagitan ng Crankel at Dunneldia, delikado ang maipit sa dalawang lugar na magkaiba ang temperatura, Crankel and Dunneldia is a safe place but don't you ever try to go in the middle of the two. 1.1°C ang pinakamababang naitalang temperatura noong nakaraang taon kaya mag iingat kayo dahil maaaring bumaba pa ito dahil sa pabago bagong panahon. If dalawa kayong matrap sa lugar na iyon sorry to say this but one person need to sacrifice his or her life to save the other one, but don't worry hinahanapan na namin ng paraan kung paano iyon mababago.  Siguro naman walang magbabalak sa inyong pumunta doon mag isa?"

Naalala ko ang sinabi ni Professor Bond about sa pagitan ng Crankel at Dunneldia.

"Demi kaya mo bang tumayo?" Tanong ko sa kanya, she nod at me as an answer. Inalalayan ko siya para makatayo ng ayos, and finally nakatayo na siya. Pero ramdam ko ang pangangatal ng buong katawan niya, maging ako ay nangangatal na rin.

.
.
.
.
.
.

Sa loob ng ilang buwan ko siyang kilala ngayon ko lang naramdam na hindi pala siya ganoon kataray, sometimes napapatawa ko siya lalo na kapag kami lang ang magkasama pero minsan naman naiinis siya sa akin dahil sa kakulitan ko, but I like the way she act like a strong woman.

PRINCESS POWER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon