Chapter 16: Ultimate Crush

1.4K 31 0
                                    


Chapter 16: Ultimate Crush

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ellie's POV

Naghiwalay kami ng dinaanan ni Ice para mas mabilis naming makita si Ystaice. Tinungo niya ang kanang direksyon ng bahagi ng bawat pasilyo at habang ako naman ay sa kabila.

Hinalughog ko na ang lahat ng dorm na madaanan ko, buti na lamang at karamihan sa estudyante ay nasa klase at may project na ginagawa.

"Oh Ellie sinong hinahanap mo?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Lliyah lang pala.

"Lliyah, na nakita mo mo ba si si Ystaice."

"Si Ystaice ba? Nakasalubong ko siya bago mo pa ako makasalubong kanina, habang dala mo yung bulaklak. Bakit?"

"Sa saan siya pumunta?" Nangangatal kong tanong.

"Ewan, hindi ko alam. Nagmamadali kasi siya kaya di ko na tinawag"

Huh! Saan ka ba talaga pumunta Ystaice? Haisst.

"Anu ba ang nangyari? May hindi ba ako alam sa mga nangyayari?" Tanong sa akin ni Lliyah.

"Ah wala wala, kailangan niya lang kasi uminom ng gamot."

"Gamot, teka para saan naman ang gamot?" Sunod niyang tanong sa akin.

"Ah yun ba? Inatake na naman kasi siya ng asthma. Alam mo naman yun sensitive masyado." Pagbibigay dahilan ko, kahit na hindi totoo.

"Ah okay, alam na ba ito ni Ice?"

"Oo naman. Kaya nga hinahanap na namin siya eh."

"Sige alis na ako, ipapaalam ko kaagad sayo if ever makita ko siya." Pagpapaalam sa akin ni Lliyah, tumalikod na siya sa akin at naglakad palayo. Nang makalayo bigla siyang huminto at nilingon ako.

"Kapag nakita mo naman si Princess Demi, sabihin mo sa kanya na magkita kami, pwede?" Nabigla ako sa sunod niyang sinabi.

"Bye." Sabay kaway sa akin. Natamimi ako habang nakatingin sa papalayong si Lliyah.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ice's POV

Hayy naku! Nasaan ba kasi ang babaeng iyon. Kung kailan naman papalapit na ang kaarawan ni Princess Demi tsaka naman nangyayari ang mga ito, Ystaice nasaan ka na ba?

"Uy Ice sinong hinahanap mo?" Napalingon ako sa nagtanong si Therrie na nakacross arm.

"Nakita mo ba si Ystaice?" Walang preno kong tanong.

"No way, huwag mong sabihin na lumabas si Ystaice at naggagala kung saan saan?"

"Therrie alam kong kaya mong manglocate, kaya please tulungan mo kaming mahanap siya."

"Matanong ko lang, saan lugar ba siya posibleng pumunta?" Tanong sa akin ni Therrie.

"Kung alam natin ang pwedeng puntahan niya, mas mapapadali tayo sa paghahanap sa kanya."

May punto si Therrie, dapat alam namin kung saan posibleng pumunta si Ystaice. Teka saan nga ba siya pepwede pumunta?
Tanong ko sa sarili ko.

"Do you have any idea?" Napatingin ako kay Therrie na nag aabang ng sasabihin ko.

"I have no any idea."

Napakamot sa ulo si Therrie habang nag iisip ng pepwedeng paraan.

Wala din kasi akong maisip na pwedeng puntahan ng pinsan ko, maliban sa isa. Pero hindi niya gugustuhin na pumunta doon matapos ang mangyari ang lahat.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now