Chapter 32: Four Magus Place

1.1K 26 0
                                    

The remaining chapters for this story are still in process of editing, and compiling for its sequence. Guys matatapos na po ang story na ito before the second week or third week of March, hope you still there to read my remaining chapters.


.
.
.
.

Chapter 32: Four Magus Place

.
.
.
.

Ellie's POV



Mabuti na lang at napigilan ko ang pagsasabi ng mga bagay na hindi dapat malaman ni Gella, masyado pang maaga para malaman nila ang tungkol kay Demi. At masyado pang delikado para ibuking ang ganoong bagay.


"Sa tingin ko kailangan na nating bumalik." Napatingin ako sa sinabi ni Gella. Nilingon ko ang daan na nilalakaran namin, madilim na iyon medyo kinabahan naman ako. Napalunok ako sa mga oras na iyon dahil naramdaman ko na naman ang aurang naramdaman ko noong isang araw sa gitna ng Moonage Forest.


"Tutuloy pa ba tayo?"



"Sasama ka ba kung tutuloy ako?"


Pansin kong hindi makasagot si Gella, kaya medyo humarap ako sa kanya.


"Kung gusto mo ng mahanap si Demi sumama ka sa akin."
Humakbang ako ng ilan para siguraduhing ligtas kami.


"I have something to tell you." Napatigil ako sa paghahakbang dahil sa sinabi ni Gella. Nilingon ko siya


"Please listen to me carefully." Nahihiwagaan ako sa mga salitang binitawan niya, tila may mahalagang bagay siyang gustong sabihin.

.
.
.
.
.
.
.

Allina's POV


Umalis na rin kami agad matapos ang ilang oras. Hindi naman nakahalata ang mga mamamayan ng Gicum


"Allina narinig mo naman ang lahat kaya ikaw ang witness sa mga sinabi ni Hulio. And sana makatulong ito sa paghahanap natin kay Demi. Ang katanungan ko lang bakit si Therrie ang laging bukambibig ni Demi?"


Napaisip din ako sa tanong ni Princess Lhex, hindi ko sure pero feeling ko may kinalaman si Therrie sa mga nangyayari. Ngunit hindi namin alam kung nasaan si Therre.


"Kailangan nating pumunta agad sa fountain para masabi kina Maige ang lahat ng ito."


.
.
.
.
.
.
.

Maige's POV



Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita sa Prinsesa, unti unti ng dumidilim ang paligid at medyo pagod na rin kami kakalakad.


"Magpahinga muna tayo." Sambit ko sa dalawa, medyo awkward sila tingnan kaya medyo napaiwas tingin na lang ako. Pumasok ako sa isang tindahan at umupo, iilan lang ang tao dahil kabubukas pa lamang nito.


"May balak pa ba kayong magsalita?" Tanong ko sa dalawa, pero tulad kanina awkward pa rin sila tingnan.


"Okay bahala kayong dalawa, makakain na nga lamang." Umorder na ako para makakain, dahil walang gustong magsalota sa dalawa ako na rin ang umorder ng pwede nilang kainin.


After a few minutes naluto na rin ang mga pagkaing inorder ko.


"Guys huwag na kayong mahiya ako na ang magbabayad ng lahat ng ito kaya kumain na kayo pwede." But it looks like before, walang sumagot kaya medyo OP na ako.


PRINCESS POWER Where stories live. Discover now