Chapter 17: Painting

1.3K 29 0
                                    


The long wait is over guys, because this time I will always update every chapter of my last three book that I published. Thanks po sa walang sawang pagsuporta at pagbabasa sa mga libro ko. Sa mga nagsusuggest na magsulat ako ng romance, guys hintay lang po kayo ng kaunti na matapos muna ang natitira ko pang libro. Pero sinasalain ko na siya dito sa wattpad bali hindi ko pa nga lang pinapublish pa.

So here is another chapter.

.
.
.
.
.
.
..

Chapter 17: Painting

Ice's POV

Tatlong oras na akong paikot ikot sa bawat ng dorm pero hindi ko pa rin makita si Ystaice, si Therrie naman wala pang ibinabalita sa akin kung nalocate na niya ba si Ystaice o hindi pa.

"Royalties and apprentice please come to my office now. I repeat royalties and apprentice please come to my office now." Napalingon ako sa speaker na nakalutang sa gilid ng pader kung saan narinig ko ang boses at sinabi ni HM Viana.

Nakanguso akong nagteleport patungong office.

"Oh Ice bakit naman nakasimangot ka?" Salubong na tanong sa akin ni Lhux. Pero hindi ko na lang siya sinagot dahil baka masabi niya pa kay Lliyah ang nangyari.

"Good day to all of you. Ipinatawag ko kayo para sa mahalagang anunsyo, nalalapit na ang kaarawan ng Prinsesa ng Magicum Kingdom. And napag usapan na rin ang plano para sa pagdalo ng Reyna ng Darvil Kingdom. Dadalo ang Reyna hindi para manggulo kundi para makisaya, humihingi na rin siya ng tawad sa ginawa ng kanyang magulang 35 years na ang nakakalipas. Ngayon lahat kayo ay may assignments and remember that this is the grand event na masasaksihan ng lahat."

"HM pwede po magtanong?"
Napalingon ako kay Lliyah ng itanong niya iyon. Pero hindi naman sasabihin ni HM ang totoo, lalo pa at hindi pa nagigising ang Prinsesa.

"Anu iyon Lliyah?"


"Nasaan po ba si Princess Demi?"

"Ang Prinsesa, she is still practicing her dance with Prince Eron. That's why they are not here. Okay makakaalis na kayo."



Pagkasabi ay agad din akong bumalik sa paghahanap kay Ystaice. Sinubukan kong pumunta sa dorm ng Prinsesa baka sakaling nakabalik na si Gella. Matapos ang nangyari sa kanila ni Demi. Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang kulay pulang sala, kusina at tatlong kuwarto na magkakatabi.

Naglakad lakad ako ng kaunti papalapit sa pangalawang kuwarto kung saan may nakasulat na pangalan ni Gella. Binuksan ko iyon at sinilip pero wala pa ring tao. Kaya isinara ko na ulit. Aalis na sana ako ng may maramdaman ng mapadaan ako sa huling kuwarto. Napalinga linga ako kung may tao ba sa paligid dahil sa naramdaman ko, may aura kasi akong naramdaman na kakaiba.

Sumilip ako sa labas pero wala namang tao, sinubukan kong lumapit sa kuwarto ng Prinsesa. Sa paglapit ko pa lang nag iba na ang naramdaman ko. Tila may kung anu sa loob. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. At dahan dahan rin akong sumilip sa loob ng kuwarto.

Una kong nakita ang cabinet na kulay maroon, sumunod ang table kung saan nakalagay ang iba't ibang paint brush ng Prinsesa. Nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto para makita ko ang kabuuan ng kuwarto.

Nagulat ako ng makita ang isang painting na nakatayo sa kama ng Prinsesa.

"Ice!" Napalingon ako sa main door kung saan may tumawag sa akin.


"Ice!"

Pero ibinalik ko ang atensyon sa painting, tinitigan ko iyon.

"Ice nakita ko na si Ystaice!" Agad ko ring isinara ang pinto at lumabas ng dorm. Pagkasara ko ng main door nasa kabilang dulo na pala si Ellie ng pasilyo na kanina pa ako tinatawag.

"Elli over here!" Sigaw ko sa kanya. Tumakbo ako papalapit sa kanya habang siya naman malaking ngiti ang isinalubong sa akin.

"Nasaan siya?"

"Sumama ka sa akin." Agad niya akong hinawakan sa braso at tumakbo patungo sa kanang direksyon kung saan papunta iyon sa lugar ni Healer Sunni.

Nang makarating aya agad niyang binuksan ang pinto, bumungad sa amin si Ystaice na kausap si Gella at nagtatawanan.

"Ice." Napatingin siya sa akin ng marinig niyang isinara ni Ellie ang pinto. Agad niya akong niyakap, tila nawala ang pagkakamatakutin niya ng yakapin niya ako.

"Sorry hindi ko nasabi sa inyo. Wala kasi akong makausap ng matino sa inyong dalawa eh. Kaya kay Gella na lang ako pumunta." Nakangiti niyang sambit.

Tiningnan ko naman si Gella, masaya siya kanina habang kausap si Ystaice pero nag iba ang timpla niya ng makita ako.

"Hinahanap niyo ba siya? Sorry di ko nasabi kay Healer Sunni na pumunta dito si Ystaice."

"Okay lang yun ang mahalaga walang nangyaring masama sa kanya." Sambit ni Ellie.

"Teka Ellie akala ko ba galit ka kay Gella, dahil inaagaw niya sa atin si Demi." Napatingin ako sa dalawa ng sabihin ni Ystaice iyon.

"Ah hindi, huwag kang maniniwala kay Ystaice. Wala lang ito sa katinuan. Sige aalis na kami vaka nakakaabala kami." Hinila ni Ellie si Ystaice palabas ng room. Habang ako naman nakatayo pa rin at nakatingin kay Gella.

"May kailangan pa po ba kayo kamahalan?"

"Mahilig ka ba sa painting?" Tanong sa kanya.

"Si Princess Demi po ang mahilig, ako lang ang taga lagay ng frame." Napaisip ako sa sinabi niya.

"Nakita mo na ba yung latest niyang painting?"

"Ah yun po bang babaeng nakatayo na may hawak na black flower."

"Hindi yung isa pa."

"Yun po kasi ang last painting na ipinakita niya sa akin bago sila maglaban ni Ystaice." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. So meaning ako pa lang ang nakakakita ng painting na iyon.

"Bakit po? May ipinakita po ba sa inyo ang Prinsesa?"

"Ah wala naman last painting niya kasi ay isang event na colorful. Eh alam mo naman kaming royalties mahilig kami sa events. Baka kasi nagpaint ulit siya na event ang theme."

"Ah okay po, sasabihan ko na lang kayo if ever na may bago na siyang painting."

"Sige una na ako, magpahinga ka na." Agad din akong umalis at lumabas ng kuwarto.

Anu ba kasi ang ibig sabihin ng painting na iyon? Kakaiba siya sa lahat ng painting ng Prinsesa. Oo mahilig magpaint ang Prinsesa pero ako si Ystaice, Ellie, Lhex, Lliyah, Maige at Gella lang ang nakakalaam dahil girls talk iyon. Pero may kutob ako sa latest niyang paint na nakita ko kanina.







Gella's POV

Teka ang alam ko may bagong painting si Princess Demi ngayon. Pero hindi niya pa pinapakita sa akin matapos ang nangyari sa training room.

Sana naman may buhay na I mean may kulay na ang painting niya. Puro kasi black noong mga nakaraang araw eh.


PRINCESS POWER Where stories live. Discover now