Chapter 18: Abstract

1.3K 30 0
                                    

Chapter 18: Abstract

.
.
.

Ellie's POV

Tila may kakaiba kay Ice kanina, para siyang may nakita na kung anu. Pero sana naman wala lang iyon para maging maayos ang nalalapit na pagdating ng kaarawan ng Prinsesa.

"Bakit mo ba ako hinila? Mas gusto kong kasama si Gella kaysa sayo. Puro na lang kayo away! Wala na bang katapusan ang lahat ng ito?" Natigilan ako sa paglalakad ng pumiglas si Ystaice at sinabi ang mga iyon.

"Anung away ng away? Ystaice sinong tinutukoy mo?" Taka kong tanong sa kanya.

"Bulag ka ba Ellie o sadyang tanga ka lang."

"Ystaice!"

"Huwag mo akong sigawan Ellie, tandaan mo may dugong bughaw pa rin ako at ikaw ay anak lang ng isa sa mga Professor dito sa Academy. Buti nga at naging magkaibigan tayo dahil kung hindi, wala ka sana sa posisyon mo ngayon."

Pakkkk

Malakas na sampal ang pinakawalan ko sa kanyang kanang pisngi. Hindi ko na kasi mapigilan ang aking sarili para pakinggan ang lahat ng mga sinasabi niya. Sa dinami dami ng pepwedeng mangsumbat sa akin niyon siya pa talaga, siya pang itinuring kong kaibigan. Napataklob ako ng bibig matapos ko siyang sampalin. Pero tiningnan niya lang ako sa mata bago umalis.

"Ystaice!"

"Anu ba ang nangyayari sayo? Bakit ka nagkakaganyan?"Sigaw ko sa kanya, napatigil siya sa paglalakad pero hindi na niya ako sinubukan pang lingunin at muling ipinagpatuloy na ang paglalakad.

Nakatingin lang ako sa papalayong si Ystaice na nasampal ko kani kanina lang. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Anu ba ang nagawa ko at nagkakaganyan siya? Kanilang takot na takot siya dahil sa ginawa sa kanya ni Princess Demi samantalang ngayon ang lakas ng loob niyang magsalita sa harap ko ng ganoon. Oo alam kong dugong bughaw pa rin siya pero junior student na ako at sophomore pa lang siya.

"Masarap ba manampal ng mukha?" Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko, pagharap ko si Therrie lang pala na nakangiti habang papalapit sa akin.
Agad niyang hinawakan ang kamay kong ginamit pansampal sa mukha ni Ystaice.

"Alam mo mas maganda kong itong kaliwang kamay ang ginamit mo, para hindi mo maramdaman ang sakit. Hayy anu ba kasi ang nangyayari sa babaeng iyon? Teka anu pala ang nakita niya kay Demi at parang takot na takot?"

"Pwede ba Therrie instead na manggulo ka tumulong ka na lang pwede?"

"Diba tumutulong naman ako, ang totoo nga niyan ako at si Prince Eron lang ang nagbabantay kay Demi. Hindi kayo ni Ystaice samantalang kayo dapat ang nasa katayuan namin ngayon ng Prinsipe."

"Kung pwede nga lang diba. Mismong si HM Viana ang nagsabi na kayo ni Prince Eron ang magbantay kaya wala akong magagawa."

"Okay, kami lang ni Eron ang makakaalam kung anu na ba ang kalagayan ng Prinsesa bago pa dumating ang kanyang kaarawan. Sige aalis na ako baka nakakaabala ako sa susunod mong gagawin."
Napatingin ako sa sinabi ni Therrie kaya hinabol ko siya at sinabunutan.

"Aray anu ba?" Nagpumiglas siya at tinulak ako. Napadapa ako ng tulakin niya ako pero agad din akong tumayo para sumbatan siya.

"Anung sinasabi mong may susunod na gagawin? Hoy Therrie for your information ako dapat ang magsabi sayo niyan. Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan."

"Oh bakit parang curious ka. Ellie hindi ka naman magkakaganyan kung wala kang ginagawa diba?" Sa sobrang inis ko sa kanya ay hinagisan ko siya ng dark lightning pero inilagan niya lang iyon.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now