Chapter 29: Moonage Forest

1.2K 25 0
                                    

Chapter 29: Moonage Forest

.
.
.
.
.
.

Ice's POV

"Lhex, Maige and Haydes hanapin niyo si Lliyah. Gella, Gene and Ice kayo naman kina Prince Eron at Jasper. Ystaice, Ellie and Lhux sina Therrie at Whint ang hanapin niyo. Bumalik kayo dito mismo sa office ko once na may nakuha na kayong balita."

"Ako po HM?" Napalingon kaming lahat kay Allina ng magtanong siya.

"Samahan mo ako dito sa office."

"Okay po."

"Sina Cenver at Gell po HM?" Tanong ni Ystaice.

"Patungo na sila ngayon sa meeting niya with the Queen and King para magreport sa mga nangyayari."

"Hindi po kami babalik hangga't wala kaming nababalitaan sa kanilang lahat." Seryoso kong sambit habang papalabas ng office ni HM. Napatingin ang lahat sa akin sa sinabi ko, lumapit sa akin sina Gella at Gene para simulan ang paghahanap kina Prince Eron at Jasper.

"Mauuna na po kami HM." Magalang na sambit ni Gella, hindi ko na nilingon pa silang lahat sa halip ay dirediretsong naglakad palabas.

"Ice hintayin mo kami." Hindi ko na nilingon pa si Prince Gene ng tawagin niya ako, patuloy pa rin ako sa paglakad hanggang sa marating namin ang dulo ng pasilyo ng building na pinanggalingan namin.

"Gella mag uusap tayo mamaya." Walang emosyon kong sambit sabay baba sa hagdan para makapunta sa pinto ng isang gubat dito sa Academy na kinatatakutan ng lahat.

"Huwag mong sabihin na papasok tayo diyan."

Napalingon ako sa naglalakad na si Prince Gene.
"Bakit natatakot ka?"

"Hi hindi naman, eh alam mo naman na na delikado ang lugar na iyan."

"Lahat naman sayo delikado diba?"

"Anu?"

"Lahat naman sayo feeling mo mapapahamak ka, feeling mo masasaktan ka. Bakit hindi mo kayang subukang maging lalaki paminsan minsan, ha Gene. Naturingan kang Prinsipe ng Earth and Air tapos napakahina ng loob mo when it comes to a survival mode, Prince Gene huwag mong sabihing katulad ka rin ni Demi na lalamya lamya."

Napansin kong nakatingin lang sa akin si Gella habang sinasabi ko ang lahat ng iyon kay Gene, napapaatras naman si Gene at napataklob ng tainga sa bawat sabihin ko.

"Haisst walang kwentang Prinsipe." Pagkasabi ko ay agad akong pumasok sa gubat na kinatatakutan ng lahat.

"Wait lang your highness." Hindi ko na nilingon pa si Gella na gusto akong pigilan na makapasok sa gubat na iyon.

.
.
.
.
.
.

Gella's POV

Anu ba ang nangyayari? Bakit ba kung kailan wala si Demi tsaka naman nagkakaganito ang mga Prinsipe at Prinsesa. Saan ba kasi pumunta si Princess Demi? Napapaisip tuloy ako sa pepwedeng mangyari sa kanya habang wala ako sa tabi niya.

So anu ang ibig sabihin pala ng mga sinabi niya sa akin noong mismong magpeperform na siya, hindi ko maintindihan.

Flashback

Habang sumasayaw ang Prinsesa ay patuloy niyang pinapakita ang nakasulat sa palad niya, mga letra iyon na kailangan kong mabuo. Una niyang pinakita ang letter H, then bumalik siya sa gitna at umikot at lumapit ulit, E naman ang pinakita niya, then after that L and lastly P. Pinagsunod sunod ko ang mga letter.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now