Chapter 31: Twin Town

1.2K 24 0
                                    

Chapter: Twin Town





Lhex's POV

"Pwede ba Ystaice huwag ka muna makisawsaw sa usapan namin!" Napalingon ako sa mga kasama ko sa loob ng dorm. Hindi na ako nagsalita pa sa mga sumbatan nina Ice at Ellie habang si Ystaice ay pilit pinagtatanggol si Ellie ng dahil sa nangyari kahapon.

"Ice hindi mo naman kailangan sumigaw." Mahinhing sambit ni Ellie, nakakapagtaka lang itong mga nagdaang araw una si Ellie ang maligalig ngayon naman si Ice.

Napansin kong lumapit sa akin si Gella ng mga oras na iyon, habang si Maige at Allina naman ay nasa office ni HM.

"Hindi niyo po ba sila aawatin?" Tanong sa akin ni Gella. Umiling lang ako bilang sagot sa tanong na iyon.

"Ice! Kung ayaw mong maniwala sa akin fine! I don't care!" Sigaw ni Ystaice na halatang guilty sa mga binitawang salita.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Ice.
"Will you please stop arguing." Mahina kong sambit.

Pansin kong napataas ang kilay niya sa sinabi ko, pero hindi ko na lang iyon pinagtuunan pa ng pansin.

Hanggang sa paglabas namin ng dorm ay hindi pa rin nagkakasundo sina Ystaice at Ice. Habang cold pa rin si Ellie. Nakarating na kami ng office ni HM pero wala pa rin silang kibo sa isa't isa.

"Girls lahat kayo ay inaatasan na pumunta sa Gicae Town at Gicum Town para sa paghahanap sa Prinsesa, gayundin kina Jasper, Therrie, Whint at Lliyah. Ito na lang ang lugar na hindi pa napupuntahan ng mga kawal ng bawat kaharian. Ihahati kayo sa dalawang grupo para mapabilis ang paghahanap, ang mga lalaki ay pinapunta na namin kanina. Kaya maaari niyo silang makasalubong kung saka sakali."

"May mga tanong pa ba kayo?"

"Nothing." Sagot ko kay HM.

"Maige and Allina kayo na ang bahalang magsabi sa kanila kung saang grupo sila." Umalis na agad si HM para tumungo naman sa office ni Principal Jean together with Council Jewel and Marmela.

"Ice and Ystaice kayong dalawa ang makakasama ko sa Gicae Town, habang si Gella, Lhex at Ellie ay kasama naman ni Allina sa Gicum Town." Napansin kong nagkatinginan ang magpinsan sa isa't isa at halata ang galit na bumabalot na meron kay Ice sa mga oras na iyon.






"Hindi naman siguro kayo mag aaway magpinsan?" Tanong ko sa dalawa habang palabas ng opisina. Pero dahil maligalig si Ice umuna siya sa paglalakad at agad na nagteleport, sa isang kisap mata ay nawala na siya agad sa aming harapan.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong ni Maige.

"Huwag mo na lang pansinin ang babaeng iyon." Sambit ni Ystaice na papalayo na sa karamihan sa amin.



.
.
.
.
.
.
.

Ice's POV

Hindi naman siguro masama na ipakita ko sa kanilang lahat na kailangan ko munang maging cold paminsan minsan, lalo na ang pagiging seryoso sa mga nangyayari lalo na kahapon. Hindi ko talaga akalain na lalabas ang ilaw na iyon mula sa Moonage Forest, pinakaayaw ko sa lahat ang makita iyon in person.

"Nasa labas na ng school sina Maige at Ystaice, your highness." Napalingon ako sa papalapit na si Gella. Humakbang ako pababa ng hagdan para tumungo sa labas ng gate na tinutukoy ni Gella, pero dahil medyo tinatamad akong maglakad ay ginamit ko ang teleportation para mapabilis ang pagpunta ko.

Nilingon ko si Gella na naiwan sa kinatatayuan ko kanina, kasama na niya sina Lhex. Napasimangot akong lumapit kina Maige.

"Ice sa ating tatlo ikaw ang may ability ng teleportation, para mapabilis ang pagpunta natin sa Gicae Town." Napasnob muna ako bago ko sundin ang sinabi ni Maige, pansin ko naman na tahimik si Ystaice at tila walang balak na magsorry sa akin matapos ang nangyari kanina.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now