Chapter 6: Training

2.8K 66 3
                                    

Guys hope you enjoy those chapter...
Love much :)

Magicum Kingdom:

Third Person

Nasa Magicum Office ang council at ang Hari at Reyna. Ang Magicum Kingdom ay isa sa Kingdom na  pinakamakapangyarihan sa lahat, ito lamang ang may council sa lahat ng Kingdom dahil ang member nito ay halos galing sa lahat ng Kingdom. Binubuo ito ng limang miyembro, kadalasan ang edad ng bawat miyembro ay nagsisimula sa 50 hanggang 100. Ang mga miyembro ay kadalasan dating Professor ng Phantasia Academy o kaya ay isang magaling na salamangkero.

Sa ngayon tatlong babae at dalawang lalaki ang miyembro, dalawa sa kanila ay mga dating Professor at ang natira naman ay magagaling na salamangkero. Si Jewel at Marmela ang dating Professor habang sina Toffer, Miraya at Merold naman ang magagaling na salamangkero.

"King Razzel kamusta ang inyong anak na si Princess Demi?" tanong ng isa sa may mataas na posisyon sa mga council. Si Miraya ang isa sa pinakamatandang council.

"Maayos naman siya, sa totoo nga mayroon na siyang sariling dorm sa Academy." mahinhing sagot ni King Razzel.

"Natutuwa ako at may pagbabago sa kanya noong tumuntong siya sa Academy." dagdag pa ni Queen Mystika (Mistika).

"Mabuti naman, nga pala nalalapit na ang kanyang ikalabing walong kaarawan." pagbibigay paalala ng isa pang council na si Toffer, pinakabata sa lahat.

"Isang ingrandeng kaarawan ang muling masasaksihan ng lahat." nakangiting sambit ni Merold isang salamangkero.

"Before anything else, did she discover her power?" seryosong tanong ni Jewel

"Maybe she did." agad na sagot ni Marmela pinakamabait sa lahat, dahil kahit kailan hindi pa siya nagagalit.

"Sa susunod na araw na lamang natin pag-usapan ang lahat ng tungkol sa kanyang nalalapit na labing walong taong kaarawan." mahinhing sambit ni Toffer.

Pagkatapos niyon ay agad na silang nagsibalikan sa kanilang office.

Habang sa Academy naman ay.......

Gella's POV

Anu na naman kaya ang nangayari kay Princess Demi? Hayy makapasok na lamang sa classroom.

Teka bakit lahat sila nakatingin sa akin, may mali ba? Anu ba ang meron at halos lahat sila ay masama ang tingin sa akin? Naku anu ba yan, kasi naman nasaan na ba si Princess Demi? Hayyy nakakaluka na talaga.

"Oh Gella bakit naka uniform ka?" napalingon ako sa nagtanong sa akin. Pagharap ko si Gell pala.

"Ah anu ba ang meron? Bawal ba mag uniform?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi ka ba nasabihan ni Princess Demi?" hindi na ako nakasagot pa ng muli niya akong tanungin. Ibig sabihin ako lamang ang naka uniform sa araw na ito. Bakit hindi sinabi sa akin ng Prinsesa?  Nakasimangot kong tanong sa aking isipan habang nakatingin sa kawalan.

Ito na naman ba tayo, pinagana na naman niya ang katarayan niya. Hayy sa lahat ba naman ng pagkakataon ngayon pa talaga. Napapout na lamang ako sa bawat isipin ko ngayong araw.

Hindi na ako bumalik sa dorm sa halip ay nagsimula na akong umattend ng klase. Tulad kanina nakatingin pa rin sa akin ang mga estudyante, wala na akong magagawa eh sa sobrang excited ko hindi man lang ako naging aware sa mangyayari. Bahala na mamaya.

Isang babae ang pumasok at sa tingin ko isa iyong Professor halata kasi sa hitsura pero mabait ang mukha at may kagandahan.

"Class this is our first day of training, prepare your things and go to Training Room." nagsitayuan ang bawat estudyante at lumabas ng classroom. Ako ang natira sa classroom, nakasimangot ako ng lumabas ng classroom.

"Oh Gella bakit nandito ka pa? Tara na sabay ka na sa akin." napatingin lamang ako kay Lhux na kadarating lamang at nagmamadaling pumunta sa training room.

"Susunod na lamang ako, magpapalit pa kasi ako eh."

"Wag ka ng magpalit, ako ang bahala sa iyo." sabay hila sa akin patungong training room. Habang naglalakad natatanaw ko ang iba naming kaklase papasok na sila sa isang room na medyo simple lamang. Pumasok na rin kami at umupo sa bandang hulihan. Kasama namin sa upuan si Gell na kanina ay kau kausap ko lamang.

"Okay class ngayong umaga ay magtetraining kayo kung papaano humawak at gumamit ng weapon. Kumuha na kayo ng weapon na inyong maibigan at magtraining kasama ang inyong partner. Pumili kayo ng partner upang masimulan niyo na ang training." napabuntong hininga lamang ako ng sabihin iyon ng Professor.

"Bakit di mo pala kasama si Demi?" tanong sa akin ni Lhux.
Hindi na ako sumagot sa halip ay tumungo na lamang. First day of school and first day na napahiya sa dahil sa uniform na suot ko.

"Bakit wala pa si Demi?" narinig kong tanong ng isang babae sa aming bandang unahan. Binuksan na ng Professor ang lahat ng lalagyan ng bawat weapon.

Tok tok tok

"Come in." napalingon ako sa pinto kung saan may kumatok, pagbukas ng pinto ay agad na iniluwa nito ang mukha ng Prinsesa. Hindi na lamang ako tumingin sa kanyang mga mata, pero sinundan ko na lamang siya ng tingin patungo sa  unahan ng aming inuupuan. Hindi man lang niya ako nilapitan. Malungkot kong sambit sa aking sarili.

"Ms. Morgan late ka na naman." galit na sambit ng Professor.
Hindi na siya nagsalita pa sa halip ay umupo na lamang.

Nagsimula ng pumili ng weapon ang mga estudyanteng nasa parteng unahan. Habang ako ay nakatingin lamang sa Prinsesa, ayaw kong magalit sa kanya dahil malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya. Hindi ko lang alam kung bakit ganito na lamang ako kamanhid na sa tuwing may ginagawa siyang hindi kaaya aya ay ayos lamang sa akin, tinuring ko na siyang bunsong kapatid pero sa tuwing kasama ko siya tila iba ang turing niya sa akin. Hindi ko naman hinahangad na ituring niya akong kapatid ang gusto ko lamang sana mabago ang kanyang ugaling pagkamataray.

Tumungo ako at napapikit, agad ko naman iminulat ang aking mata at sa pagmulat ko basa ang aking pisngi na tila ako ay lumuha.

"Gella bakit?" napalingon lamang ako kay Gell na nakatingin ng diretso sa akin.

Nginitian ko lamang siya at sinabihan."Wala to napuwing lang ako."

"Gella anjan ka pala." napatingin ako kay Princess Demi ng magsalita siya.
Hindi na ako nagsalita, nakatingin lang ako sa kanya and hindi ko alam kung bakit.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now