Chapter 34: Blue Moon to Green Moon

1.4K 30 0
                                    

Chapter 34: Blue Moon to Green Moon
.
.
.
.
.
.
.



Eron's POV

I search all the dorms and facilities here in Academy but I failed to find Demi, naninibago ako sa mga ikinikilos ko magmula kanina. Halos mapatay ko na si Jhielou kanina dahil sa inis ko sa kanya, and I don't know why I feel jealous everytime na may ibang nag aalala sa kanya. This past few days I changed a lot lalo na ng mawala si Demi and I think I'm just worried of her, that's all and nothing else.

.
.
.
.
.
.
.
.

Lhex's POV

Mabilis kaming nakarating sa Academy, agad din naming idinala si Jhielou sa healing room para maging maayos na ang pakiramdam at mga sugat niya. I'm still thinking of Eron, he is a little bit stranger.

"Lhex nakabalik na sina Maige, ngunit sina Ellie ay wala pa rin hanggang ngayon." Sambit ni Allina.

"If ever na wala pa rin sila once na pumatak ang 10:30 in the evening we better to follow them, baka kung anu na ang nangyari sa kanila." Sabat naman ni Gene.

"No they aren't, Ellie can handle everything at hindi sila mapapahamak sa lugar na pinuntahan nila." Sagot ko sa dalawa habang nag aayos ng buhok.

"Lhex pwede sa susunod mag isip isip ka muna ng gagawin mo, ikapapahamak ng buhay mo ang padalosdalos mong ginagawa." Napalingon ako sa kakambal ko dahil sa sinabi niya, first time kong napansin na nag alala sa akin ang kakambal ko. He is cold and mysterious sometimes, siguro dahil palagi niyang kasama ang kaibigan niya and magkaiba kami ng gusto sa buhay, he likes to discover his hidden ability and power but for me I'm contented with my ability, charm and power. And I don't want to be in pressure.

"Sa susunod na gagawin mo iyon hindi na kita kapatid." Tumayo siya at lumabas ng kuwarto kung saan nandodoon kaming lahat upang makapagpahinga.

.
.
.
.
.
.
.

Ellie's POV


Aksidente kong naipalabas ang aking dark light power ng matakid ako sa malaking bato na nakaharang sa nilalakaran namin.

"Ellie, pwede ba magpahinga?" Napalingon ako kay Gella ng magtanong siya sa akin.

"No Gella, we need to hurry up. 7:46 na ng gabi kailangan na nating makabalik sa Phantasia."

"Pero...

"No Gella! Gusto mo bang abutin tayo dito ng hating gabi?"

Hindi ko na narinig pang sumagot si Gella, kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pero ang totoo kinakabahan ako sa maaaring mangyari dahil napansin kong nagbago ang kulay ng buwan, kaya kailangan na naming makabalik sa Phantasia.


.
.
.
.
.

Gella's POV

Kung kanina ay nagmamadali kaming pumasok sa left side ng Gicae Town ngayon naman ay halos madapa na kami sa sobrang pagmamadali palabas ng lugar na iyon. Dahil sa pagbago ng kulay ng buwan na kanina ay puti ngayon naman ay dark blue na.


"Gella hold my hand!" Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang babaeng nagsabi niyon sa akin.


"Princess?"

"Hold my hand." Ulit niyang sabi, pero hindi ko magawang ikilos ang aking buong katawan sapagkat nakatulala lang ako sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko.

"Ahh!" Iling ko ng may maramdamang masakit sa bandang balikat ko. Napatingin ako sa balikat ko, nanlaki ang mata ko ng makita ang nanariwa kong dugo sa aking balikat. Kumurap kurap ako dahil hindi ako makapaniwala sa aking kalagayan.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now