Chapter 4: Good she

3.7K 74 8
                                    

.

.

.

.

Third Person:

Pumasok na sina Demi, habang si Gella ay nakapikit pa.

Ilang hakbang na lang ay malapit na sila sa barriers na nakalagay sa paligid ng Academy. Bago iyon agad na nagtanong si Demi. "Akala ko ba may meeting, bakit kayo ang nagsundo sa akin?" pagtatanong ni Demi sa apat.

Napatigil sila sa paghakbang, kaya napamulat ng mata si Gella. "HM Viana said, pati katatapos lang ng meeting." magalang na pagsagot ni Gell.

"Ayaw mo pa ikaw na nga ang sinundo." malamig na boses ni Eron at nagpatuloy sa paghakbang. Walang bitbit na kahit anu si Eron, kaya nauna na siyang pumasok sa loob.

"Anu ba ang problem nun?" nakasimangot na tanong ni Demi. "Wag mo na yung pansinin, lagi naman siyang ganyan. Anu Gella handa ka na?" pagtatanong ni Gene kay Gella, hindi na siya pumikit sa halip ay tumango na lamang. Nasira kc ang moment niya ng magtanong si Demi.

Demi's POV

Problema nung lalaking yun, kung ayaw niyang magsundo ide dapat hindi na siya sumama, tss kainis! Napasimangot tuloy ako sa lalaking iyon.

Ipinagpatuloy na namin ang paghakbang, hinawakan ko si Gella sa braso at agad na pumasok.

Ng pumasok kami,  isang nakakabingi sigaw ang pinakawalan ni Gella.
"Yessssss.." ang sakit ng tainga ko sa sigaw niya, parang sasabog ang utak ko sa lakas.

"Hoy Gella!" pagsasaway ni Lhux kay Gella, kaya na pa hawak sa bibig si Gella upang takluban ang bibig na tila hiyang hiya sa ginawa.

"Sa susunod alam mo na ang gagawin." nakangiti kong sambit kay Gella.

Yun na nga pumasok na kami at dumiretso sa dorm. Pagkarating sa harap ng pinto ng dorm ay inilapag na ng tatlo ang gamit namin sabay alis, may aasikasuhan pa daw sila kaya mauuna na sila.

So kami na lang ni Gella ang nandito, kaya agad kong kinuha sa aking bulsa ang susi na ibinigay sa akin ni Therrie kanina, wait speaking of her di ko pa nalalaman ang dahilan kung papaano niya nalaman ang nangyari kay Lliyah. Okay balik na tayo sa reality mamaya na yang Therrie na yan, may oras ako jan para mamaya. So ginamit ko na ang susi at pumasok sa loob, medyo nahirapan kami ni Gella na ipasok ang mga gamit ang bibigat kasi. Bakit kasi may ang dami ng gamit na ito.

"Ang ganda naman." napatingin ako kay Gella ng sabihin niya ang iyon, iginala ko naman ang aking paningin at napahanga ako ng makita ko ang bawat desinyo at kulay ng dorm, maganda ang bawat kulay di gaanong masakit sa mata. Pero patuloy pa rin ako sa pagpasok ng mga gamit namin.

Nang matapos naming ipasok ang gamit ay kumain muna kami, buti naman at may laman ang refrigerator kaya nakakain agad kami, after nun eh nagpahinga muna kami. Pero si Gella patuloy pa rin sa pag aayos ng gamit ko sa cabinet, bali tatlo ang kwarto dito. Lahat iyon ay magkakatabi, ang unang kwarto ay bakante habang ang pangalawa ay kay Gella then akin yung pangatlo. Habang nag aayos ng gamit si Gella ay nagmasid masid naman ako sa bawat display na nakalagay dito, halos lahat ay may bahid ng kulay pula na katulad na katulad ng susi nitong dorm. Sa pagmamasid ko biglang naiba ang atensyon ko ng makita ang isang magandang necklace na nakadisplay sa mataas na parte ng wall, pinagmasdan ko ito. At nagulat ako ng makita ko ang pagkakapareho nito sa necklace na suot ko. Tumiyad ako ng kaunti upang pagmasdan ng ayos, parehong pareho nga.

Tila iisa ito pero mas maganda pa rin ang ibinigay sa akin ni Mom, parehong pareho ang bilang ng diamond sa gilid nito pati na rin ang hugis ng red diamond sa gitna nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tila iisa ito pero mas maganda pa rin ang ibinigay sa akin ni Mom, parehong pareho ang bilang ng diamond sa gilid nito pati na rin ang hugis ng red diamond sa gitna nito. Inilabas ko ang akin mula sa aking damit at napahawak ng sandali. 

"Ang ganda nuh, yaan ang una kong nakita nung pumasok tayo." napalingon ako kay Gella na papalapit sa akin, ibinalik ko na ang aking necklace sa ilalim ng damit ko at agad na umupo sa sofa, napalambot talaga nito.

"Labas muna po ako." dagdag na sabi niya, agad akong tumayo at sumunod sa kanya. Pero ang bilis niya maglakad kaya nahuli ako, ako na ang nagsara ng pinto at sinundan ko na lang siya. Habang naglalakad napansin ko ang paglabasan ng ibang estudyante sa kanilang dorm, nakakapagtaka at lumabas silang lahat.

"Sino siya?" tanong ng isang estudyante.

"Kasama ko siya." napalingon sa akin ang mga estudyanteng nakarinig ng aking boses.

 "Si Princess Demi." nagsiyukuan sila ng lumakad ako papalapit kay Gella.

Si Gella naman ay palinga linga na walang alam sa mga nangyayari sa paligid niya, nilapitan ko siya at inakbayan. "Sama ka sa akin." bulong ko sa kanya.

"Bagong estudyante." rinig ko sa isa pang estudyante, pero di ko na lamang pinansin at nagpatuloy na kami ni Gella sa paglakad.

"Your highness anu po ang nangyayari?" tanong sa akin ni Gella

"Mamaya ko na sasabihin sayo basta sumama ka sa akin." bulong ko lang sa kanya, kaya napapout siya sa mga sinabi ko. Malakas ang kutob ko na mararamdaman nila ang presensya ni Gella kaya sinundan ko, baka kasi kung anu ang gawin nila kay Gella. Nga pala nakalimutan kong sabihin na si Gella ay may kakaibang kapangyarihan, paano ko nalaman ikekwento ko.

Flashback

Hinahanap ko ang aking mahal na sapatos pero di ko makita, "Mom did you saw my shoes?" sigaw kong tanong kay Mom, lagi na lang kasi nawawala eh ibinabalik ko naman sa lalagyan pero paggagamitin ko na nawawala.

"Ito po your highness." nagulat ako kay Gella ng bigla siyang lumitaw sa aking harapan at iniabot ang sapatos na kanina ko pa hinahanap. Ang bilis niya lagi mahanap ang mga gamit ko na lagi ring nawawala. "Thank You." matamis na ngiti ang ipinalit ko sa kanya, agad siyang umalis at ipinagpatuloy ang pagpupunas sa bintana ng kwarto ko, nakakapagtaka ang mabilis niyang pagresponse sa mga nawawala kong gamit. Siguro ay ganun talaga siya.

Nang mga sumunod na araw ibang gamit ko na naman ang nawala, kaya galit akong sumigaw pero agad naman dumating si Gella at iniabot iyon, halos araw araw may nawawala sa gamit ko pero mabilis naman nahahanap ni Gella then tuwing iaabot niya sa akin ay gumaganda at nagiging kaakit akit ito. Kaya napaisip ako na may ability siya.

End of Flashback

Kaya dapat bantayan ko si Gella lalo na at freshmen pa lamang siya, baka kung anu ang mangyari sa kanya pagnalaman niyang may ability siyang ganoon, kadalasan pa naman ay nagwawala itong babaeng ito. Buti pa siya, samantalang ako hayyyyy, Demi maghintay ka na lang pwede. Darating ka din doon. sambit ko sa aking isipan habang naglalakad kasama si Gella. "Demi!" napatunghay ako ng may tumawag sa pangalan ko, pagtingin ko. Naku ito na naman itong lalaking ito. naiinis kong sambit sa aking isipan.

"Demi, musta ang baby namin." sabay pisil sa pisngi ko.

"Kyaaaa, anu ba hindi na ako baby." iyamot kong sagot. 









PRINCESS POWER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon