Chapter 19: Sure

1.2K 31 0
                                    

Chapter 19: Sure


Ellie's POV

Nagulat ako ng magising mula sa pagkakahiga sa kama, nagtaka ako kung bakit nasa higaan ako ni Gella samantalang kausap ko lang kanina si Ystaice sumunod ai Therrie.

"Okay ka na ba?" Napatingin ako kay Ice na hawak ang kamay ko at tila katatapos niya lang umiyak. Anu ba ang nangyari?

"Hindi ka ba nahihilo?" Nagtataka akong napatingin kay Therrie habang si Gella naman ay nasauluhan ko at hawak ang noo ko.

"Anung nangyari?" Tanong ko sa kanilang tatlo, pero walang sumagot kahit isa sa kanila kaya nagtaka ako, bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumayo pero pinigilan ako ni Ice.

"Huwag ka munang gumalaw galaw, baka kung anu ang mangyari sayo." Nagtaka na ako sa kanila kung bakit napaka OA nilang tatlo. Teka anu nga ba ang nangyari kanina? May ginawa nga ba talaga ako o wala? Tanong ko sa sarili habang nakatingin sa tatlo.

"Princess Ice pumunta ka na sa session hall siguradong ikaw na lang ang hinihintay nila." Agad ring tumayo si Ice at umalis pero bago iyon tumingin muna siya sa akin saka isinara ang pinto.

"Bakit dito ako nakahiga?" Tanong ko sa naiwang sina Gella at Therrie.

"Nananahimatay ka kasi kanina." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Gella.

"Huh? Bakit ako nahimatay?" Sunod kong tanong.

"Diba, diba kausap lang kita kanina? Tapos bigla ka na lang nahimatay." Napaisip naman ako sa sinabi ni Therrie.

Teka anu ba kasi ang nangyari kanina?
Napahawak ako sa ulo ko ng mga oras na iyon.

"Ellie okay ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo?" Hindi ko na lang sinagot ang tanong ni Gella sa halip ay humiga na lang muli at ipinikit ko na ang aking mata. Ang sakit talaga ng ulo ko, kaya di ko na mapigilang mapapikit.

"Magpapahinga lang ako sandali." Sambit ko habang nakahawak pa rin sa ulo at pilit tinitiis ang sakit ng ulo ko.

"Okay ka lang ba talaga Ellie? Kailangan mo ba ng tubig o ng makakaain?"

"Hindi na, gusto ko lang magahinga."

.
.
.
.
.
.

Gella's POV

Nakatingin lang ako sa nakapikit na si Ellie habang hawak ang kanyang ulo. Hindi ko alam kung anu ang nararamdaman niya pero tila parang may kakaiba sa nararamdaman niya. Baka hindi tama ang nagawa ko o baka nagkamali ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin.

"Gella kukuha lang ako ng makakain. Dito ka muna at bantayan mo si Ellie." Sambit ni Therrie.

"Sige."  Agad ko namang sambit.

.
.
.
.
.
.
.

Therrie's POV

Nakapagtataka bakit nakalimutan ni Ellie ang mga nangyari kanina. Si Gella ba talaga ang gumawa niyon? Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina, isang ordinaryong babae lang si Gella pero hindi ko akalain na may ganoong klase pala siyang kapangyarihan. Pero bakit?

Ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad pababa ng cafeteria para bumili ng makakain. Pero bigla kong nakasalubong ang papalapit na si Prince Eron. Tulala siya at tila wala sa sarili.

"Your highness."

"Therrie pupunta pa ako sa hall huwag muna ngayon." Hindi na lamang ako nagsalita pa. Pero may sumagi bigla sa aking isipan.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now