Chapter 9: Jewel the LOYAL

2.2K 53 0
                                    

Guys here's the another update.. Just enjoy reading lang and oh don't forget to vote.. :) :)

Magicum Kingdom:

Third Person

"Nabalitaan niyo naman na ang nangyari kay Gella kahapon?" tanong Jewel sa lahat ng council.

"Isang pagkakamali ang ginawa nila." dagdag pa niya.

"Aksidente ang nangyari, walang may kasalanan." pagtatanggol ni Marmela kina Gella at Demi.

"I prepared some plan for the incoming party, the King and Queen suggest na sa Phantasia Academy ganapin ang party na iyon. Here." inilapag ni Miraya ang isang papel at may lumabas na mga letters pati na rin ang disenyo ng party.

"Maybe dagdagan natin ng kaunti scary theme." pagsasuggest ni Toffer na pinakabata sa lahat.

"Kahit kailan talaga isip bata ka pa rin." natatawang sabi ni Marmela.

"Toffer 51 ka na, kailan kaba magiging mature sa pag iisip aber?" tanong ni Miraya.

"Can you please focus in our dicussion!" galit na sabi ni Merold.

"Be Professional, matatanda na tayo." Jewel added.

"Calm down Merold, we're just having fun." nakangiting sambit ni Miraya.

"Siya let's continue this meeting." ipinagpatuloy na nila ang meeting.

.

.

.

After ng meeting nagsibalikan na ulit sila sa kani kanilang office.

Jewel's POV

"Kung anu ano na ang naiisip niyang Princess Demi na yan, gusto niya lagi na siya ang laman ng balita dito sa Magicae Orbis." galit kong sabi habang hawak ang isang glass of red wine.

"Calm down Jewel, Demi was too young para sabihan mo ng ganyan specially di mo siya kaharap." sambit ni Merold.

"Let's celebrate her 18th birthday. And celebrate that Princess who doesn't  any magic, power even the ability."

"May oras tayo jan, Merold. Just wait for a moment na ang alam ng lahat eh may kakaiba sa Prinsesa. Hindi nila alam na mas malakas pa ang butiki keysa sa kanya." mahaba kong paliwanag kay Merold.

Oo walang kapangyarihan ang Prinsesa. Sa lahat ng Royalty siya ang walang birthmark na pangroyalty. Kahit nung seven years old siya, walang lumabas na kahit anung sign sa powers niya.

Flashback

Eleven Years Ago

Isang party ang nagaganap ngayon sa Magicum Kingdom kung saan ika pitong taong kaarawan ng Prinsesa na si Demi.

Nakasuot siya ng scarlet dress na inimbento ni Miraya, isang salamangkero.

Sa lahat ng royalty, once na tumuntong na sila sa edad na seven lumalabas ang kanilang birthmark na may kakaibang hugis. Pero wala pa akong nabalitaan na lumabas na ang kay Princess. Sa ngayon sleeveless ang suot niya kaya posible kong makita ang kanyang balikat na karamihan ay doon lumalabas ang birthmark.

Nilapitan ko ang Prinsesa at niyakap sabay bati, tiningnan ko ng ayos ang kanyang balikat pero wala kahit isang bakas na may birthmark siya. Hinawakan ko rin iyon pero wala akong makapa na kahit anu.

After nun kinausap ko ang Prinsesa.
"Princess may nararamdaman ka bang kakaiba?" tanong ko sa Prinsesa.

"Wala po Professor, bakit po?" balik niyang tanong.

"Ah wala naman, if ever na may naramdaman kang kakaiba magsabi ka lang ha. Nandito lang ang Aunt Jewel mo, yun na lang ang itawag mo sa akin hmn."

"Okay po Aunt Jewel, ang ganda ganda niyo po at ang bait bait pa." sabay ngiti ng Prinsesa sa akin. Bigla akong may naalala sa mga ngiti niya, ngiti ng isang sanggol na aking iniluwal pitong taon na ang nakakalipas, napangiti ako ng mga oras na iyon.

"Bakit po kayo umiiyak? Aunt Jewel tahan na po, hug ko na lang kayo." agad akong niyakap ng Prinsesa kaya mas lalo akong lumuha. Di ko na kasi napigilan pa ang aking sarili na muling maalala ang aking nag iisang anak na maagang nawala sa mundong ito. Halos kaedad niya ang Prinsesa, pero mas matanda ang aking anak ng nine months.

"Jewel anjan ka na pala." agad akong napahiwalay sa yakap ng Prinsesa ng makita ko ang mahal na Reyna na si Mystika.

"Mom Aunt Jewel po itatawag ko sa kanya." sabay ngiti ng Prinsesa.
"Wow very good naman ang baby namin, oh yan nakilala mo na ang isa sa pinakamagaling na Professor sa Phantasia Academy."

"Gusto ko dun mag aral Mommy. Paglaki ko gusto ko si Aunt Jewel ang Professor ko."

"Siguro hindi na yun mangyayari dahil tatanda na ang Aunt Jewel mo, at magiging council na siya after 6 years."

"Ah ganun po ba. Okay lang bibisitahin ko na lang siya dito kahit nasa School na ako. Diba Aunt Jewel." nginitian ko ang Prinsesa ng sabihin niya ang mga iyon. Nakakamis talaga ang ganoong mga ngiti.

End Of Flashback

"Jewel bakit?" tanong sa akin ni Merold habang nakaabang ang isang kamay na may hawak na hanky.

"I'm fine, pahinga ka na. Mag aayos pa ako ng schedule ko." agad namang sumunod si Merold sa utos ko. Lumabas na siya at bumalik sa office niya.

Umaasa pa rin ako na mahahanap ko ang aking anak, isa lang ang palantadaan ko sa kanya, ang malaki niyang piklat sa kanang balikat dahil napaso siya ng araw ng tatlong linggong taon pa lang siya at ang taling niya sa bandang tabi ng eye brow.

Ipinapahanap ko na siya hanggang ngayon at patuloy na umaasa na buhay pa rin siya. Si Merold ay kababata ko kaya medyo close kami.

"Jewel Jewel, iniisip mo pa rin ba ang anak mong matagal ng patay." napalingon ako sa bintana ng marinig ang boses na iyon.

"Oh bakit gulat na gulat ka." nakangising sabi niya.

"Nakapagtataka at wala ka yatang balak na guluhin ang Phantasia."

"Huwag mo akong utusan Lusia, paano kung nasa school na yun ang anak ko?" tanong ko sa kanya.

"Speaking of your daughter, nahanap mo na ba siya? Tss teka paano kung ako ang unang makahanap sa kanya."

"Subukan mo lang na galawin ang kahit anu sa kanya, makakatikim ka ng wala sa oras." warning ko sa kanya.

"Jewel don't worry hindi ko siya sasaktan, basta sabihin mo lang sa mga council ang totoo about kay Demi."

"Anu ba ang kasalanan ni Demi sayo? At kung anu ano ang sinasabi mo tungkol sa kanya."

"Malalaman mo rin kung bakit. Diba sinabi ko na iyon sa iyo nung nagseven si Demi, may nakita ka ba? Diba wala." natahimik ako ng mga oras na sabihin iyon ni Lusia.

"Sige Jewel una na ako, baka makaabala pa ako sa ginagawa mo." bigla siyang nawala gamit ang  teleportation. Ginamit na naman niya ang kanyang katigasan ng ulo. Tuloy medyo amo'y usok ang office ko because of her.

By the way, I'm Jewelyn Stack. 61 years old. Dating professor ng Phantasia Academy na ngayon ay council ng Magicum Kingdom. Sa tingin ko ako ang pinakaloyal sa lahat ng council maging professor noon hanggang ngayon, dahil kahit kailan di ko pa nasubukang kalabanin ang Magicum Kingdom.

Kahit kailan ayaw kong kalabanin ang pinakamamahal kong kaharian, dahil sila ang nagbigay sa akin pag asa na kalimutan at magpatuloy sa buhay.

Ang drama ko nuh, kahit kailan talaga ako.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now