Extra Chapter

2.2K 30 15
                                    

Ang extra chapter na ito ay ang nilalaman ng pangyayari noong gabing nasa gitna ng kamatayan ang lahat dahil sa paglabas ng kapangyarihan ng Prinsesa.

.
.
.
.
.
.
.
.

Carnia's POV

Delikado ang Phantasia, nagkamali ako sa aking akala. Kakaiba pala ang The Unknown kapag nakita muna in person. Ang akala kong The Unknown ay makakatulong sa lahat ay siya palang kilabot ng Magicae Orbis.

Noong una tiwala akong ang kapangyarihang ito ang makakapagbigay kasagutan sa lahat at makakapagbigay kapayapaan. Ngunit hindi pala, ang mga nakita ko kanina ay sign na kailangan burahin sa libro ang kapangyarihang iyon.

"Anu ba ang problema Carnia?"

"Kailangan nating bumalik sa Phantasisa." Agad akong tumakbo pabalik ng Phantasia, habang takang sumusunod sina Jewel at Marmela.

"Anu ba kasi talaga ang problema Carnia? May nakita ka bang hindi maganda?"

Imbes na sagutin ang tanong niya ay mas binilisan ko ang pagtakbo pabalik ng Phantasia, hindi ko magagamit ang teleportation sa ngayon dahil kaluluwa na lamang ako.

.
.
.
.
.
.

Agad kong pinuntahan ang pinakamataas na building ng Phantasia, kinabahan ako ng mapansin ang pagbabago ng kulay ng bawat gem na nasa dulo ng bubong ng bawat building.

"Carnia!" Sigaw ni Jewel mula sa ibaba.
Nagmadali akong bumaba para bigyang babala ang lahat.

"Jewel papasukin mo ang lahat ng estudyante ngayon na!"

"Huh? Bakit naman?"

"Basta sundin niyo na lang ang sinabi ko." Medyo nangangatal ako at kinakabahan sa mga oras na iyon. Napatingin ako sa relo ko na nasa kaliwang bahagi ng aking pulso, ilang minuto na lang ang nalalabi kong oras at kailangan ko ng lumisan.

"Jewel anung nangyayari?" Napalingon ako kay Viana ng itanong niya iyon.

Napalingon ako sa dako ng Dunneldia at Crankel ng mapansin ang paglipad ng mga ibon sa himpapawid, kita ko iyon dahil sa kulay ng tuka at paa ng bawat ibon. Nakakabingi ang katahimikang bumabalot ngayon sa buong Phantasia, ang kaninang pangangatal ko ay natigil ng maramdaman ang katahimikang iyon. Mas kinabahan ako dahil sa atmosphere na bumabalot sa buong Phantasia. Nilingon ko si Jean sa mga sandaling iyon, nilapitan ko siya.

"Kailangan nating papasukin ang lahat ng estudyante." Napatingin sa akin si Jean dahil sa sinabi ko.

"Anu ba ang nangyayari?"

"Basta, makinig na lang kayo sa akin."

"Pero...

"Jean, please." Hinawakan ko sa braso si Jean para makinig sa akin.

"Sige sige." Lumakad si Jean malapit sa mga estudyante.

"Students sa ngayon kailangan muna nating bumalik sa loob ng Phantasia, for the security of everyone."

"Bakit naman Jean?" Tanong ni Viana.

"Mas makabubuti kung sundin muna natin ang nais ni Carnia." Sabay tingin sa akin ni Jean, lahat ng estudyante gayundin sina Jewel at Marmela ay napatingin sa akin.
Napabuntong hininga lang ako sa mga oras na iyon habang nakatingin silang lahat.

"For the security of everyone kaya please lang sumunod muna kayo kahit ngayon lang." Sambit ko habang papasok ng Phantasia.

.
.
.
.
.
.
.

PRINCESS POWER Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora