Chapter 22: New Abstract

1.1K 27 0
                                    

Guys siguro naman nabasa niyo yung update ko sa isa kong book, nakasaad doon kung bakit hindi ako nakapagUD ng ilang araw. And it is because I got sick, so sorry guys.


Chapter 22:  New Abstract

Therrie's POV



"Oh Whint anung ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng makita si Whint na mag isa sa classroom.



"Nag iisip, bakit masama ba?" Napakunot naman ang noo ko ng balikan niya ako ng tanong.



"Hindi naman, e anu ba ang iniisip mo?"



"Kaya iniisip ko kasi ako lang ang nakakaalam, bakit ko naman sasabihin sayo?"



"Hayy ewan ko sayo, pumunta kana nga lang kina Cenver hinihintay ka na nila." Agad siyang tumayo at lumabas kaya hinabol ko siya.



"Sabihin mo na kasi, anu ba ang iniisip?"



"Hayy ewan ko sayo." Dumiretso lang sa paglalakad si Whint habang ako naman ay nakasunod pa rin sa kanya.




Ilang minuto lang ang lumipas ay narating na agad namin ang room kung saan nandodoon sina Prince Eron at Cenver na nag uusap. Pumasok na kami, pero napatigil kami ni Whint sa paglalakad ng mapansing wala si Allina.


"Where is Allina?"






"Hahaha talaga, akala ko hindi iyon totoo."



"Yun ang akala mo." Napatingin kaming apat sa pinto kung saan narinig namin ang boses nina Allina at Prince Gene. Lahat kami ay nakatingin ng diretso sa dalawa na masayang masaya sa pinag uusapan nila.


"Oh Eron nandito ka na pala." Bati niya kay Eron, na parang invisible kami nina Cenver at Whint na hindi napansin.


"Sige Allina alis na ako. Tara Eron."



"Sige po your highness." Yumuko kami nina Cenver, Whint at Allina ng umalis sina Prince Eron at Prince Gene.





Napasama naman ang tingin ko kay Allina kaya lumapit na siya kay Cenver at Whint para ituloy ang training.



"Hindi ka naman siguro lumalandi?" Patalikod kong tanong kay Allina.




"Therrie."


"Allina magsimula ka na." Utos ni Cenver kay Allina.


Galit akong lumabas ng kuwartong iyon. Akala niya ba biro ang pinapagawa namin sa kanya? Haiist kainis naman.


"You don't need to ask her like that Therrie." Napalingon ako sa paligid ng may magsalita. Pero walang ibang tao kundi ako, hindi na ako nagtaka pa dahil alam kong guni guni ko lang iyon. Lumakad ako palabas ng building at nagtungo sa isa sa lugar na nakakapagbigay sa akin ng kaaliwasan. Pero napansin ko ang hall na may decoration na para sa kaarawan ni Demi bukas. Kaya doon na lamang ako dumiretso,  hinawakan ko ang bawat bulaklak na nakalagay sa bawat table. Napakabango niyon at napakaganda kaya biglang nawala ang pagkainis ko, natuwa akong pagmasdan ang mga ibon na lumilipad sa hall at ang umaagos na tubig mula sa malaking fountain sa gitna ng hall na may iba't ibang bato na may iba't ibang hugis at kulay kaya mas lalong maganda pagmasdan.




"Therrie hindi pa ba tapos sina Whint at Cenver?" Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses na iyon. Pagharap ko si Professor Rivera lang pala.


"Hindi pa po ma'am. May gagawin pa po ba dito baka pwede po akong makatulong?"



"Hindi na Therrie, nga pala kamusta na ang pagtuturo niyo?"



PRINCESS POWER Where stories live. Discover now