Chapter 1 - The Clash

4.2K 87 129
                                    

Cherri's Pov

"Look chiq, I found this." sabi ko kay Cae sabay pakita ko sa singsing.

"Ang ganda nito ah, pero kanino naman ito?"

Ang ganda nga naman ng singsing na iyon parang patagal ng patagal ay gumaganda din siya sa paningin mo. Para siyang gold na may silver sa ibaba niya at ang pendant niya ay V ang nakalagay.

"Ewan, V lang ang nakalagay sa singsing eh." sagot ko naman kay Cae, nakita kong lumaki ang mata niya at nagtakip siya sa bibig niya. Bakit?

"Oh my, baka kay V talaga yan? Pero sorry sino nga ba si V?"

Napahilamos naman ako sa mukha ko, haaay. Cae will always Cae nga naman. Hindi matinong kausap.

"V? Sino si V? May dapat ba akong malaman? Boyfriend mo si V Cherri?"

Isa pa to, sumingit pa sa usapan itong si Yuliel na kararating lang niya galing sa Dorm namin may kinuha ata. I love them super, ugh. "Sino nga si V?" tanong ulit ni Yuliel sakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Si V na walang malay." sagot ko naman at tumawa sila ng malakas kainis na eh.

"Hetong sayo, lubayan mo nga ako." nilingon namin kung sino yung sumigaw. Si Alexia pala, sinipa niya si Dexter sa sikmura pero sinangga naman ni Dexter ang sipa ni Alexia gamit ang kanyang yoyo.

"Twin? Ok ka lang?" tanong ni ng twin ni Alexia kay Alexia. Imaginary twin ang power ni Alexia, pwede niyang lituhin ang kalaban gamit ang kanyang imaginary twin. Pwede din silang magpalit ng pwesto kung pagod na sa pakikipaglaban kung sino man sa kanilang dalawa. Wala siyang kagamitan sa pakikipaglaban, tanging lakas at talas niya ng pandinig ang kanyang gamit.

"Ok lang ako, alam mo na ang gagawin mo twin." ngiting tumango naman ang imaginary twin ni Alexia at walang kahirap hirap ay nasa likuran na ito ni Dexter.

"Pucha! Naisahan mo ako doon ah." sigaw ni Dexter at pinaikot ang yoyo niya ng pabilog at sa isang iglap bigla nalang naging ipo-ipo ang hangin doon kay Alexia. Silang dalawa ang nakakulong doon sa loob ng ipo-ipo pilit din nilang kumawala.

Tatayo na sana si Cae pero pinigilan ko siya. "Hayaan mo muna chiq, may healer naman tayo eh si Mari dbah?" bumuntong hininga naman si Cae at bumalik sa pagkaupo niya.

Cae's Pov

Nakita kong hirap na sa paghinga si Alexia at ang kanyang imaginary twin, naawa na ako sa kanya. Tumayo na ako at tiningnan lang ako nila Cherri. Seriously? Hindi na ba sila naawa kat Alexia? "Hindi ko na talaga matiis, I'm sorry." at naglakad na ako patungo kay Dexter.

Gamit ang kanang kamay ko ay bumuo ako ng maliit na bola gawa sa power ko ang Heat Manipulation nakita kong naging kulay asul ang bilog na ginawa ko ay tinapon ko iyon patungo ko sa kanya. Ito ang inensayo ko simula noong nakabalik na kami sa Magus, dalawang buwan na ang nakaraan.

Akala ko ay natamaan siya sa tira ko pero totoo ngang mabilis si Dexter dahil ibinalik niya ang maliliit kong bola patungo sa akin tsk mabuti nalang at naiwasan ko iyon. "Bakit ka ba nangingialam ha?" inis na tanong sakin ni Dexter.

Nilingon ko muna sila Alexia at nakita kong nakahandusay na sila sa lupa, wala ng malay. "Itigil mo na ito Dexter." mahinon kong sabi sa kanya.

*smirk* "Bakit? Siya naman ang nanguna ah." sagot niya sa akin, pero bago pa man niya ako tirahan ulit ay nag-bend ako upang iwasan ang tira niya.

"Cherri wag, ang daya gusto ko pang maglaro eh." sabi ni Dexter habang nakanguso pa. Seriously? Ang sagwa niyang tingnan.

Nilingon ko naman si Cherri at nakita kong hinigop niya ang buhangin gamit dalawang kamay niya. Isang soil manipulator si Cherri at kaya niyang gawin kung ano man ang gusto niya basta naaayun iyon sa buhangin. "Tama na ang paglalaro Dexter, tingnan mo nga si Alexia." sabi ni Cherri binuhos niya doon kay Dexter ang lahat na buhangin naipon niya.

Magus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon