Chapter 26 - Air Rock

356 12 0
                                    

Napatambol si Venice sa kanyang dalawang kamay habang tahimik na nakikinig sa kanyang guro.

“There are four kinds of element that Magus Academy used—“

Napahikab doon si Venice habang patuloy pa rin sa pagsasalita ang kanilang guro sa harapan. Tahimik pa sa semeteryo ang kanilang silid paaralan. May iba natutulog na nga at ‘yong iba ay may sariling mundo.

Mabuti at hindi iyon napansin ng kanilang guro.

“Pst Venice-girl.”

Napalingon naman si Venice kay Cae nang marinig niya nitong sinambit ang pangalan niya. Itinaas niya ang dalawa niyang kilay at agad namang nagsulat si Cae sa kanyang papel.

“ANG BORING! GRRRR!” sulat ni Cae sa kanyang papel at napatawa naman si Venice. Kumuha rin siya ng papel at ballpen at nagsulat din.

“Truth! Sana recess time na!” pasimpleng itinaas ni Venice ang kanyang papel.

Natawa si Cae doon ngunit bigla naman siyang suminghap nang may umagaw sa kanyang papel. Nakita niyang binubura ni Cherri ang sinulat niya at sinulatan muli. Napailing na lamang siya sa kaibigan.

“Gutom na ako. Gusto ko ng kumain.” Iyan ang isinulat ni Cherri sa papel.

Napabungisngis si Venice at muling sumulat sa papel.

“Yaan ninyo, malapit na ang break time.” Sulat niya.

“Okay class, dismiss.”

Agad tumayo si Venice nang marinig nila iyon mula sa kanilang guro. Niligpit na niya ang kanyang gamit at wala sa sariling napatingin sa upuan ni Blue. Napabuntong hininga siya nang wala ngayon ang binata. Simula noong bigla na lamang ito umalis sa gitna ng pagmi-meeting nila.

“Hay speaking of break time, nag-dilang anghel ka talaga Venice.”

Napalingon si Venice kina Cae. Iniling niya muna sa kanyang isipan ang tungkol kay Blue. Ngumisi siya sa sinabi ni Cherri. “Ang galing ko talaga sa timing.” Ngisi niya.

“Hep! Linya ko ‘yan girl, ako kaya ang time manipulator dito.” Singit naman ni Yuliel. Natawa ang tatlo sa kanya. “Anyways,ang sarap na talagang kumain, ramdam ninyo ba?”

“Oo Yuliel!” sagot naman ni Cae at napahawak siya sa kanyang dibdib animoy nasa theatre arts. “Ramdam na ramdam ko!”

“Hoy Cae, may matigas na laway ka nanaman!” tinuro pa ni Cherri ang gilid ng labi ni Cae

Salubong ang dalawang kilay ng dalaga. “Tse!”

“Venice, sama ka sa amin?” pagtatanong ni Yuliel sa dalaga.

Napalingon naman si Venice. “Sige. Ginutom din ako kay sir e.”

“Alam mo ‘yang si Sir Bee, boring talaga ‘yan kaya nga ang lahat mong makikita sa mga classmates natin lahat nakapikit at humihilik. Paano ba naman kasi, walang thrill kung magturo, puro lang lecture, ganyan ganyan tapos bibigyan ka lang ng assignments—“

“Ah sir may kailangan po ba kayo?”

Napatigil naman si Cae sa kanyang pagsasalita nang biglang sumingit si Yuliel. Natawa naman silang tatlo sa naging reaksyon ni Cae nang banggitin ni Yuliel ang salitang sir. Tila nahuli ito sa kanyang pagrereklamo.

“Alam mo Cae, ang epic ng mukha mo!” natatawang saad ni Cherri.

“Nakakadalawa kana sa akin tanda ha!” agad tumakbo si Cae nang biglang tumakbo si Cherri at hinabol ito.

Naiwang naglalakad si Yuliel at Venice at parehong natawa sa dalaga. “Nakakatuwa talaga kayo.” Biglang saad ni Venice habang palabas na sila sa kanilang silid.

Magus AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora