Chapter 27 - Caevet Emptor

384 12 0
                                    

“Ano ba naman Zed, ‘yong paa mo nga! Ilayo mo dito sa makinis kong binti. Tsk, baka magka-rushes ako nito e!” suway ni Leo sabay sipa sa paa ni Zed na nakapatong sa kanya.

“Leo babe, galit ka ba sa akin? Ba’t ang lamig mo na?” nakangusong saad ni Zed sabay patong muli sa paa niya sa binata.

“Takte naman Zed! Kita mong gusto kong magpahinga diba? I want freedom! Yun lang!” singhal ni Leo sabay sipa muli sa paa ni Zed.

Natilapon si Zed buhat sa pagkasipa sa kanya ni Leo at napagulong siya sa may carpet nila. Sinamaan niya ito ng tingin ngunit kalaunan naman nito ay tumawa ito ng malakas.

Nagtataka naman ngayon si Leo sa kanya.

“Hoy? Pinagtatawanan mo na ba ngayon ang kagwapuhan ko?!” galit na patanong ni Leo kay Zed.

Tumawa muna ng malakas si Zed saka naupo sa kanyang kama. “Di ah, bakit? Nakakatawa ba ang pagmumukha mo?”

“Hindi rin. Ewan ko sa ‘yo, ang sarap na nga ng tulog ko e noh? Pabwisit ka e! Distorbo, dun ka na nga sa Bridgette mo, maglandian muna kayo!”

“Sus ang baby Leo ko nagseselos na—“

“Zed! Tama na! Please! Pakiusap—“

“Baby Leo! Wag naman ganito! Gusto lang naman kita maka—“

“Ang ingay!”

Napatigil ang dalawa nang sumigaw si Dave. Suot muli niya ang kanyang shades pero alam nilang galit ito sa kanila. Mahinang nagsisihan ang dalawa sa pangyayari. Tumayo si Dave at inayos muna ang sarili.

“Oh pareng gwapong Dave na—“

“Leo kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na!” mahinang pagtitimpi ni Dave habang inaayos ang kanyang polo.

Napakamot naman si Leo sa kanyang ulo. “Sabi ko nga” mahina niyang saad. “Saan ka pupunta?”

Napabuntong hininga si Dave bago sumagot. “Dyan lang sa labas.”

“Anong gagawin mo sa labas?” pagtatanong naman ni Zed.

“Tss.” Tipid na sagot ni Dave at lumabas na ng kwarto.

Nagkatinginan ang dalawa at parehong nagkibit-balikat.

Pumasok si Dave sa Caevet Emptor at agad tinungo ang mga apparatus kung saan nakahilera doon ang mga iba’t ibang klase ng punong kahoy na pwedeng gawing panangga sa mga kalaban.

Kumuha siya ng dalawang klase ng kahoy at pumunta sa isang malaking mesa, nilapag niya iyon. Bumalik muli siya sa mga aparato upang kumuha ng iba pang gagamitin ngunit napatigil siya nang umawang ang pintuan.

Napatigil siya sa paglalakad at hinintay kung sino ang papasok.

Mahinang napasinghap si Dave nang bumungad sa may pintuan ay si Veronica pero agad din naman niya binalik ang kanyang kalma na ekspresyon.  Tahimik niyang tinitigan si Veronica na ngayon ay nabigla rin nang makita niya si Dave.

“Okay lang ba kung pumasok?” mahinang pagtatanong ni Veronica.

“Tss.” Tipid na sagot ni Dave at tumungo sa mga aparato.

Bumuntong hininga si Veronica nang hindi siya pinansin ni Dave. Pumasok siya ng lubusan sa Caevet Emptor at tumingin-tingin sa mga kagamitan doon. Pasimple niyang sinulyapan si Dave na ngayo’y nakatuon lamang sa kanyang ginagawa.

“Palagi ka bang nandito?” pagbabasag niya sa katahimikan

Hindi sumagot si Dave sa sagot niya, bagkus ay tumungo ito sa malaking mesa at sinimulan ang kanyang pag-eeksperimento.

Magus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon