Chapter 12 - One on One Battle

713 34 16
                                    

3rd Person's Pov

"Ba-kit M?" mahinang tanong ni Venice habang turo-turo pa niya ang kanyang sarili. "Ilang oras ba akong natulog? Bakit nasa----" natigilan naman siya sa kanyang tanong at nilibot muli ang kanyang paningin sa kanyang paligid.

"Nasa clinic ka ngayon Venice. Anong gusto mong kainin o inumin? Sabihin mo lang." Iniba naman ni M ang usapan at sa isang iglap, agad namang kumumpas si M gamit ang kamay niya, sa isang iglap may nakahain na ngayong mga pagkain sa harapan nila. Nasa may isang mataas na parihabang mesa ngayon ang mga iba't ibang pagkain at pati na rin mga iba't ibang flavor ng inumin.

Manghang-mangha naman si Venice ngayon at pinuntahan ang parihabang mesa sa kanyang harapan. Isa-isa niyang inamoy ang mga putahe habang pumipikit pa. Animoy pinapakiramdaman ang sarap. Teka? May ganun nga ba?

"Hmmm, ang sarap naman. Nakakagutom." nakapikit pang sabi ni Venice habang patuloy pa ring inaamoy ang mga putahe.

"Sige, kumain ka lang. I'll  just go to my office. Call me, if you need something okay?"

Ngiting tumango naman si Venice at sinimulang tikman ang mga pagkain. Kumuha na rin siya ng inumin at pumunta muli sa kanyang kama.

"Dito ka lang." bilin pa ni M kay Blue na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin ito.

"But--"

"No buts Blue. Bantayin mo si Venice, ikaw ang magiging mata ko sa kanya. Maliwanag ba?" mahinang tugon ni M habang pasimpleng tumingin sa gawi ni Venice na masaya ngayong nilalantakan ang mga pagkain. Muli niyang binaling ang kanyang tingin kay Blue at hinihintay ang sagot.

Napakamot naman sa ulo si Blue, at sa ikalawang pagkakataon ay namula nanaman ang kanyang mukha. Mahina siyang tumango at bago pa siya pumunta sa gawi ni Venice ay tinapik pa siya nito sa may binti. (Maliit po si M, kaya hindi niya abot ang balikat ni Blue)

"Ve-nice." mahina niyang tawag sa dalaga habang kinakamot ang batok nito. Iniisip pa rin niya kung ano ang irarason niya, ukol doon sa paghalik niya dito kamakailan lang. Kabilin bilinan ni M, na huwag sabihin kay Venice ang tungkol sa nangyari dahil ang gamot na ginamit nila kanina ay pansamantala lamang iyon. Huwag na huwag daw ipagamit ang kanyang kapangyarihan kapag hindi pa siya bihasa dito. Saka nalang kung marunong na siyang kontrolin ito.

"O, Blue. Halika kain tayo. Ang sasarap o." masayang aya ni Venice at sinenyasan pa ito na lumapit sa kanya.

"Yung tungkol sa ha-lik." wika ni Blue at lumapit na kay Venice.

"Halik? Bakit? Hindi mo ba alam ang english niyan? Kiss yan Blue, ano ka ba? Akala ko ba chess master ka noon sa school natin?" sunod-sunod na saad ni Venice habang kumakain pa rin.

Napanganga naman si Blue sa kanyang narinig. Siya lang ba o nagmamalikmata siya. Ba't parang sinabuyan ng amnesia si Venice ngayon?

"Blue.." nabalik naman si Blue sa kanyang diwa at napatingin kay Venice ngayon. Nakadungaw siya mukha nito, dahil lumapit si Venice sa kanya habang kinukublit ang braso niya. Agad naman siya umayos ng tindig nang dahilan upang tingnan siya ni Venice ng may pagkakataka. "Kanina ka pang parang may iniisip dyan. Ano iyan? Pwede mo naman ata sabihin sa akin, kaibigan naman tayo."

Magus AcademyWhere stories live. Discover now