Chapter 11 - She's Awake

743 25 12
                                    

3rd Person's Pov

"Sheen? Hoy Dave nawala ka lang ng isang linggo nagpalit ka ng pangalan mo. Pinagloloko mo ba kami?" nakasigaw na  sabi Li Xia habang pinangningkitan niya ito ng mata. At ang malanding Veronica naman ay panay ng dikit kay Dave. Pweee! Nakakasuka siya.

Binigyan ni Dave ng isang matalim na tingin si Li Xia. Napa-atras naman si Li Xia sa ginawa niya nito. Nakakatakot ang mata aura niya at yung mata niya ay biglang umitim. "Wag mo akong sigawan. Hindi kita kilala." malamig niyang sabi habang nakatingin lang sa mga mata ni Li Xia. Agad siyang umiling dahil alam niyang  ginamitan niya ito ng kapangyarihan niya. Hypnotism is his power, for pete's sake! Kaya delikado kung mahuhulog ka sa patibong niya.

"Hey babe, gumising kana dyan." kanina pang ginigising ni Bridgette si Zed pero ni isang hilik ay wala kang maririnig dahil tulog na tulog. Literal na isa siyang patay na tulog. At kagawan ito ng malanding Veronica na'to. "Shit! Hanggang ngayon ay ayaw pang gumising ni Zed. What the hell is happening?" galit niyang asik doon kay Veronica.

"Ha? Bakit sa akin ka nakatingin? May nagawa ba ako?" aba't itong malanding 'to nagawa pang maglambing ng boses, peste nakakabanas na ah?

"You bitch!" susugod na sana si Bridgette ng harangin siya ni Leyana. "Ano ba? Wag mo nga akong pakialaman!" inis niyang sabi kay Leyana habang pumipiglas din ito sa pagkahawak.

Lumapit na si Li Xia sa gawi nila ni Silvrei na kasalukuyan ngayong gumagawa ng paraan. Sinubukan muli ni Rv gumawa ng metal na gawa sa kahoy. Kailangan na nilang gumawa ng paraan dahil parang palala ng palala ang kanilang sitwasyon ngayon. "Damn! Ayaw parin. Paano iyan?" halos pinipiga na ni Rv ang kanyang kamay dahil ni isang tulo ng metal niya ay wala talagang lalabas.

Saglit tumingin si Silvrei sa paligid at nakita niyang si Avery at Zee ay panay ng pagtatalo. "Ang kapayarihan ni Zee ay spell at kay Avery naman ay potion at kay Li Xia naman ay curse." napangiti si Silvrei ng may nabuo siya sa kanyang isipan. Habang si Rv naman nagtataka naman sa pinagsasabi ni Silvrei.

"O, eh ano naman ngayon kung iyan ang mga kapangyarihan namin?" walang ganang tanong ni Li Xia habang naka-cross arms ito sa harapan niya.

"Pwede nating paghaluhan ang potion ni Avery habang ang curse naman ni Li Xia ang ihahalo natin para tumalab. At ang panghuli, ang kay Zee upang gumana ang potion ni Avery." singit naman ni Leyana sa usapan habang papalakad patungo sa kanila ng dahilan upang mapangiti pa lalo si Silvrei.

"Brilliant Leyana." masayang sabi ni Silvrei habang pumalakpak pa habang ang Rv naman ay wala na talagang naiintindihan sa usapan.

"Hindi nga gagana ang kapangyarihan natin dahil sa malanding Veronica na 'yan!" muling bulyaw ni Li Xia sa lahat sa turo kay Veronica na panay ng dikit kay Dave. Daig pa ang tuko kung makadikit.

"Kung may pintuan siya sa pagsarado sa kapangyarihan natin, dapat may  susi rin tayong gagamitin upang mabuksan muli ito."

Napangisi naman silang lahat sa sinabi ni Silvrei. Lahat ay sang-ayon sa plano, at ito rin ang dahilan na magkakaisa sina Avery, Zee at Li Xia.


****
Nakarating na si Aella sa isla pero miski buntot ni Goldy ay hindi niya ma-aninag. Pinuntahan niya ang kasulok-sulokan ng isla pero takte! Wala talaga si Goldy. Nasaan ba kasi siya? Naku naman.

"Goldy naman eh, wag ganito..." napaupo nalang ng wala sa oras si Aella sa isang mabuhangin na isla. Inignora niya ang lamig dulot ng dagat, sa ikalawang pagkakataon ay napatingin muli siya sa langit. Gabi na pero bakit ayaw niya munang sumikat ang araw? Ang ganda kasing tingnan, mapayapa, nagniningning ang mga bituin sa langit, may malaking bilog na buwan at higit sa lahat nakakagaan sa pakiramdam.

Magus AcademyWhere stories live. Discover now