Chapter 8 - This Mysterious Girl Named Veronica

896 31 20
                                    

Solange's Pov

"Nandria, anong sagot ni M?" tanong ko habang inaabangan din si Maritea na gumising.

Sinara muna ni Nandria ang imaginary monitor gamit ang baller at saka tumingin ng seryoso sa akin. "Ate, ang sabi ni M tayo daw ang gagawa ng paraan. May lunas daw tayong maihanap dito sa gubat na ito."

Laglag ang panga ko ng marinig ang  sinabi ni Nandria. Anong sinasabi ni M? Balak ba niyang gawin kaming rebelde? "Ano ba ang plano ni M? At saan tayo makakita ng lunas dito?" inis na sabi ni Yuliel sabay gulo sa buhok niya.

"Nandria, bantayin mo si Maritea. Yuliel sasama ka sa akin."

Tumayo na si Yuliel pero saglit siyang napatigil. "Saan tayo pupunta Solange?"

Napabuntong hininga ako at saka tumingin kay Maritea na hanggang ngayon ay wala paring malay. "Hahanap tayo ng lunas para kay Maritea."

Determinadong saad ko kahit hindi ko naman alam kung saan magsisimula. Saan ba kami makakahanap ng lunas? Gayong wala naman kaming kahit anong ideya? Parte pa ba to ng misyon namin?

Bridgette's Pov

Nandito lang ako sa may gilid ng bahay. Shit! Bakit ba kasi dito pa ako nilagay ng Leo na yun? Feeling magaling! Bwesit siya. Ang masaklap pa, si Leyana at pesteng Fionra ang kasama ko dito!Great just great. Bwesit!

Nakita kong nakaupo lang si Leyana sa may gilid at pasimpleng lumilinga sa paligid. Isa pa to, feeling pa-cool sarap ibaon sa lupa tss.

Gusto kong maglaro. Maibully nga si Leyana. "Hoy!"

Aba't hindi ako papansinin? Bwesit lang. Tatawagin ko siya ulit kung hindi pa to lilingon humanda siya sa akin. "Hoy Leyana!" nakasigaw kong tawag sa kanya. Binigkas ko na din ang panget niyang pangalan kahit halos maisuka ko na talaga ng kalooban ko sa pagsambit lamang nito.

"Hmmm." sagot niya na siya lang din naman ang nakakarinig. Psh, eh kung bigyan ko kaya to ng speaker nang sa ganun ay lumakas ang boses niya.

"Bakit wala kang silbi?" kaswal kong tanong habang naka-crossed arms.

Umiling lang siya sa akin at tumingin sa ibang direksyon. "Tss. Isip bata."

Narinig ko yun ah. Tumayo na ako para sabunutin siya. Ano daw? Ako isip bata? Iniisip ba niya ng mabuti ang sinasabi niya? Tatapakan ko na sana ang anino niya ng winakli ni Leyana ang kanan kong kamay at saka ibinagsak paibaba ang katawan ko. "Wag mo kasi akong binibigla, ayan tuloy ang napala mo, nakahiga  kana ngayon sa lupa."

Sa inis ko, hinawakan ko muli ang anino niya mula sa ilalim at tumayo na upang gumanti sa kanya. Wala siyang karapatan upang pagsabihan ako ng ganun. "Hindi ko hiningi ang opinyon mo bwiset ka!" sigaw ko kay Leyana.

Pinaga ko ng mabuti ang anino ni Leyana pero bakit walang kahit ano siyang nararamdaman sa katawan niya? Teka? Bakit ayaw sumunod ng anino niya sa akin? Shit! Bakit hindi gumagana ang kapangyarihan ko?

Ibinuka niya ang kanyang magkabilang palad at saka nakatingin sakin si Leyana. Pati siya natigilan, dahil walang bomba na lumabas sa kanyang palad. Pati si Leyana hindi din gumagana ang kapangyarihan? Papaanong nangyari iyon?

"Bakit ayaw lumabas ng bomba ko?"

Hindi ko na sinagot si Leyana at pumunta ako sa gawi ni Fionra. Nakatayo lang siya harap ng bahay na binabantayan namin. "Hoy ikaw! Gumagana ba yang kapangyarihan mo?" tanong ko sa kanya kahit labag sa aking kalooban! Hindi pa ako nakalimut sa pag-iwan niya na nakatiwarik doon sa may punongkahoy! Bwesit gaganti pa ako!

"Oo, bakit?" sagot naman niya habang nakatingin sa malayo.

Aba, bastos to ah? Hindi ako kinakausap ng paharap. "Harapin mo nga ako? Ayokong tinatalikuran ako habang nakikipag-usap ka sa akin." sabi ko kay Fionra sabay hila paharap sa balikat niya.

Magus AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon